Chapter 40

4.9K 109 17
                                    


This is the last chapter of TBWD! Thank you so much for your patience in this story. Pasensiya na kung naging inactive ako ng matagal, pero hindi ni'yo ako iniwan at patuloy kayo sa walang sawang suporta at pagmamahal. Thank you for anticipating Theodore and Seanelle's story! I hope you enjoyed reading as I've enjoyed writing it, too!

Maraming-maraming salamat! Mahal ko kayo!❤️





SHE chuckled as she took her seat on one of the couch inside my office. "I came here to talk about Theodore."

I stiffened after I took my seat in front of her. Kung nakatayo pa ako ay paniguradong makikita niya ang pagkatigil ko bago pa maupo.

"I'm sorry kung nagulat kita." Malumanay na ang kaniyang boses nang sabihin 'yon.

I tried to smile. "Ayos lang. Hindi ko lang inaasahan na sasadyain mo pa ako rito para makausap."

She nodded before she spoke again, "As I've said, I'm here to talk about Theodore."

I cleared my throat first before nodding my head then I asked, "What about him?"

Limang araw na ang nakalipas mula noong huling pag-uusap namin sa office ko. Matapos nang komprontahan na 'yon ay hindi na siya bumalik pa. Inaamin ko na medyo nasanay ako sa presensiya niya... pero ako naman ang may gusto na lumayo siya sa 'kin.

She then sighed. "Theodore loves you."

My eyes widened a fraction and my lips parted a bit, but I couldn't utter any word, so she continued. I was too shocked to even react. Hindi ko inaasahan na manggagaling sa kaniya ang mga salitang 'yon.

"I've heard him talked to Tredore. I don't know if I'm in the position to tell this, but..." She then looked at me straight in my eyes, then she smiled a little. "...he cried. He cried to his twin."

Mas lalong umawang ang mga labi ko at may kung anong bukol na bumara sa lalamunan ko. Unti-unti ring nag-iinit ang sulok ng mga mata ko, pero pinilit kong pakalmahin ang mga nararamdaman ko sa bawat salitang binibitawan niya.

"He's not vocal... I think you know what I mean..." she muttered, but I couldn't even move to nod my head to agree with her. "But seeing him cried a lot, telling his twin how much he loves you... Hindi ko alam, pero masaya ako na malungkot din dahil sa sitwasyon ninyo..."

Kumurap-kurap ako para pigilan ang mga luhang nagbabadya sa sulok ng aking mga mata. Never once I thought that Theodore would cry over me. Hindi sumagi sa isip ko na magiging mahina siya nang dahil sa akin...

I really didn't trust his love for me...

"I'm sorry, Seanelle..." she then sincerely said making me looked at her.

"F-For what?" tanong ko, nalilito kung para saan ang biglaang paghingi niya ng tawad.

"In Spain," she answered. Natahimik naman agad ako dahil nakuha ko na kung tungkol saan 'yon, pero... "Pasensiya na kung hindi ko alam na si Theodore na pala ang kasama namin ng anak ko at hinayaan ko pa na mahalikan niya ako..."

Iniwas ko ang aking paningin sa kaniya. "Hindi mo naman kasalanan 'yon, Zrei..."

"Still, I'm sorry..." she mumbled. "Kung alam ko lang, Seanelle—"

"Wala kang kasalanan, Zrei," I stopped her as I gave her an assured smile. "Hindi mo alam 'yon kaya huwag kang humingi ng tawad. You're not at fault."

"But your relationship with Theodore got tainted more about this..." alanganing pilit niya pa. "Mukha na akong pakialamera, pero nag-aalala lang ako kay Theodore. Nagalit ako sa ginawa niya, pero gusto ko pa rin naman na sumaya siya."

The Billionaire's Wicked DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon