Chapter 20

4.1K 86 11
                                    


"SEAN! Buti't nakapunta ka!" Sinalubong ako ni Milan ng yakap nang makarating ako sa VIP couch na puwesto nila rito sa BZ Club.

Niyakap ko pabalik si Milan at tinapik-tapik ang likod niya. "Happy Birthday, Milan. Pasensya na't wala akong regalo."

Malakas ang tugtog ng buong club, pero hindi masakit sa pandinig. Kahit nga noong pagpasok ko pa lang sa club ay nakaka-engganyo 'yong tugtog.

Kumalas sa pagkakayakap sa akin si Milan at marahang hinampas ang braso ko habang tumatawa. "Ano ka ba? Ayos lang, 'no! Ang mahalaga ay makapag-celebrate!"

Nagpatianod na lang ako sa kaniya nang dalhin na niya ako sa puwesto nila. Tatlong mahahabang couch ang nakapalibot sa isang table sa gitna na punong-puno ng mga alak at pagkain.

Hinila ako paupo ni Milan sa couch kung nasaan din si Jacky. Binati naman ako ng mga kaklase ko kaya binati ko rin sila pabalik. Halos iisa lang ang sinasabi nila, 'Buti nakapaunta ka, Sean.'

Wala naman talaga akong balak na pumunta rito. Nagbago lang ang isip ko dahil sa nangyari noong nakaraang araw kung saan nakita ko ulit 'yong Alek na nagtangkang gumahasa sa akin sa isang hotel. Naalala ko pa na Harit ang pangalang ipinakilala sa akin ni Tita Veronica na hindi naman niya totoong pangalan.

Ano'ng balak no'ng lalaking 'yon? Babalikan niya ba ako? Ni hindi ko nga alam kung paano ako tuluyang nakatakas sa kaniya, pero alam kong may tumulong sa akin na hindi ko rin nakilala.

"Umiinom ka ba, Sean?" Nabura ang mga iniisip ko nang marinig ang boses ni Milan sa tabi ko. May pagkalamalakas 'yon dahil sa umuugong na tugtog sa buong club.

"Oo naman," sagot ko naman.

Nag-cheer pa 'yong ibang kaklase ko dahil hindi naman daw halata na umiinom ako. Mukha lang akong mataray, pero hindi naman ako walwalera talaga. Tuwing may okasyon lang din naman ako umiinom, pero 'yong huling nag-sarili ako ay noong nagkasakit si Tatay at sinamahan lang ako ni Stan na maglasing.

Inabutan ako ni Milan ng isang canned beer. Nakangiting tinanggap ko naman 'yon at binuksan. Masuwerte talaga ako sa mga ka-blockmates ko, hindi ko naramdaman na out of place ako sa kanila, pero kapag may problema ako ay hindi lang talaga ako nagsasabi sa kanila.

Nilagok ko ang canned beer na ibinigay sa akin ni Milan. Nagulat pa 'yong iba dahil basta-basta ko na lang daw 'yon nilagok. Nakipagtawanan at nakipagkuwentuhan na rin ako sa kanila para makalimutan ang totoong dahilan kung bakit ako nandito ngayon at hindi pumasok sa trabaho.

"Sean!" Napatingin ako sa kaklase kong si Jenesis.

"Bakit?" tanong ko naman. Hindi ko na alam kung nakailang canned beer na ako. Narinig ko na rin si Milan sa tabi ko na um-order pa ng mga hard drinks. Balak niya yatang hindi na kami makauwi.

"May boyfriend ka na ba?" tanong niya at agad namang nagsigawan ang mga kaklse ko dahil doon.

Tiningnan kong maigi si Jenesis at mukhang tinatamaan na ng alak, pero matino pa naman kumilos. Kaya rin siguro nagkalakas ng loob na magtanong.

I shook my head. "Wala pa, bakit?"

Nagtilian ulit ang mga kaklase ko at kinantyawan kaming dalawa ni Jenesis.

Nahihiyang napakamot naman sa batok niya si Jenesis. "W-Wala naman..."

"Awit naman, p're!"

"Chance mo na 'to, Jenesis!"

"Push mo na!"

"Maunahan ka pa ng iba diyan!"

Napailing na lang ako sa mga kantyawan nila sa amin ni Jenesis. Hindi naman ako manhid para hindi malaman 'yon. Sa classroom kasi ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin minsan at mag-iiwas agad ng tingin kapag nahuli ko siyang nakatitig sa akin.

The Billionaire's Wicked DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon