Chapter 31

4.1K 80 7
                                    


ILANG ARAW matapos ang graduation ay birthday ko naman ang paparating. Simpleng kainan lang naman ay kontento na ako basta kasama ko sina Stan at Tatay.

Bukas na 'yon. I'm turning 25. Pero heto ako ngayon sa kuwarto at nakatulala sa kisame habang iniisip ang mga nangyari noong matapos ang graduation ceremony ko.

Nandito na si Nanay... matapos ang mag-aanim na taon na pangungulila namin sa kaniya. Hindi pa rin ako makapaniwala na bumalik na siya, pero may ilang pa rin kaming nararamdaman at para bang pinakiraramdaman pa namin ang bawat isa. Doon pa rin siya nananatili sa bahay ni Kuya Skyren, pero kapag araw ay nandito siya sa bahay. Oo, Kuya Skyren na, dahil gustong-gusto niya na tawagin namin siya ni Stan nang gano'n.

My mother told us what happened after she woke up from her comma. She fixed herself with the help of Skyren— Kuya Skyren. May psychiatrist siya noon dahil napansin ni Nanay na naging iba ang tingin niya sa mga kalalakihan— na para bang sasaktan siya ng mga ito, then, after fixing her mental stability, Skyren offered to train her in handling a company— the BZ Coop. though she was not that exposed, just internal transactions of the company.

I smiled as I whispered, "Ang mahalaga, kumpleto na tayo. May Kuya pa pala kami."

Napailing na lang ako. Kaya pala gano'n na lang ang bait sa akin ni Kuya Skyren nang una ko siyang makita. Alam na pala niyang magkapatid kami kay Nanay. Kaya rin siguro magaan agad ang loob ko sa kaniya dahil may parehong dugo na nananalaytay sa amin.

Napatingin ako sa aking cell phone at ilang minuto na lang ay malapit nang mag-alas dose ng hatinggabi.

Birthday ko na...

Malawak ang pag-ngiti ko nang tumunog ang aking alarm clock. Masigla akong umupo sa aking kama at pinagsiklop ang aking mga kamay at taimtim na nagdasal sa Kaniya para sa palaging kaligtasan ng aking pamilya.

"Happy Birthday self," nakangiting bati ko sa aking sarili.

Matutulog na sana ako nang mag-ring ang phone ko. My heart thumped hard when I saw Theodore's name flashed on my phone's screen.

I swallowed hard before I answered his call. "H-Hello? Theo?"

Alam ba niya? Wala naman akong nabanggit sa kaniya kung kailan ang birthday ko.

"Happy 25th Birthday to my baby..." he softly greeted.

I smiled as I laid myself on the bed, with the phone still on my ear.

"Thank you, Theo..." I replied. "Talagang 12am mo talaga ako binati, ah!"

He chuckled. "I want to greet you first on the day you were born. Hindi ba puwede?"

"May nauna na kayang bumati sa 'kin," pang-aasar ko naman habang nakangisi kahit hindi naman niya ako nakikita.

"Who the fuck is he?" tanong ni Theodore at nahihimigan ko ang pagka-seryoso niya. Pero 'he' talaga? Lalaki agad babati sa akin? "I'm gonna break his leg, baby. I'm not joking."

I chuckled lightly. "So, babaliin mo ang binti ko?"

"What?" he asked. He really sounded pissed right now. Pikon din! "Just tell me who the fuck greeted you first! Ako dapat ang unang babati sa 'yo!"

Napailing na lang ako. "I greeted myself first, Theo. Wala pang bumabati sa 'kin. Well, you're the first one."

"Fuck it..." he silently cursed earning a laugh from me. "Bakit mo ba 'ko naiisahan lagi? You're more wicked than me, baby."

"I'll take that as a compliment, then." Sabay marahang halakhak ko.

"You're bullying me, Leon!" ungot niya.

The Billionaire's Wicked DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon