Chapter 33

3.9K 88 9
                                    


LIES. I was surrounded by people who lied to me. The people I trusted the most, lied to me. They fooled me. They betrayed me. They broke my trust that I gave them. They ripped it, fully.

What did I do to be lied to? Ano'ng nagawa ko sa kanila para lokohin nila ako? Para paglaruan? Masaya ba silang makita na nahihirapan ako? Did I give them the satisfaction that they wanted?

Hindi pa ba sila na-kuntento sa paghihirap na naranasan ko? Gusto pa ba nila dagdagan 'yon? Para ano? Para saan? Sino ba sila noong bago sila pumasok sa buhay ko? They were just a mere stranger to me. A stranger until I let myself to be fooled by them.

I believed their cares towards me. Their sugarcoating words. I believed that they were sincere in being part of my life, but I was wrong. I was definitely wrong!

"Sean, kumain ka muna!"

Halos tumalon na ako pababa ng hagdan para makarating agad sa first floor. Late na ako sa trabaho! Bakit ba kasi nasira ang alarm clock ko?

"Mali-late na po ako, Tita!" tarantang sabi ko. "Sa hotel na lang ako kakain!"

"Hay nako, Sean! You're the supervisor in that hotel! At saka ngayon ka lang naman na-late sa tanang pagta-trabaho mo riyan!" pangungumbinsi pa ni Tita.

"Tita Veronica..." I trailed as I ran towards the dining table. Dumampot ako ng isang sandwich para matahimik na si Tita. "Okay na po ba?"

Tita Veronica sighed. "Ikaw talagang bata ka! Sige na, nasa labas pa si Jenesis, kanina ka pa hinihintay no'n."

My eyes widened as I took a bite on my sandwich. "Nandito pa si Jenesis?"

"Oo nga! Bingi 'yan?" pang-aalaska ni Tita.

Pabiro ko siyang inirapan, pero parehas lang kaming tumawa sa huli. "Maganda naman! Una na 'ko, Tita! Mas lalo akong mali-late sa 'yo, eh!"

Natatawang lakad-takbo ang ginawa ko palabas ng mansyon nina Tita Veronica. Nang makalabas sa front door ay agad kong nakita ang sasakyan ni Jenesis na naghihintay nga sa labas, sa ibaba lang ng hagdan ng front door.

Still eating my sandwich, I went towards the car with a smile on my lips. Magiliw na binuksan ko ang pinto ng sasakyan at agad na pumasok sa loob.

"Why didn't you wake me up?!" agad na reklamo ko kay Jenesis bago kumagat sa sandwich at ngumuso habang ngumunguya.

Jenesis just chuckled as he pulled the gear and maneuvered the car smoothly. "Sisihin daw ba ako?"

Inirapan ko na lang siya at nagpatuloy kumain ng sandwich. "Late na late na 'ko, Jenesis. Wala ka man lang malasakit sa best friend mo?"

"Ouch!" His face winced in pain as if he was really hurting. "Kailangang ipa-mukha na bestfriend lang talaga ako?"

"Move on din 'pag may time, Jenesis," nakangising sabi ko. "Gano'n ba 'ko ka-ganda at hindi ka maka-move on hanggang ngayon? It's been three years! I think four? Crush mo 'ko noong 4th year tayo, eh!"

He stifled a laugh. "First, oo, napakaganda mo, Sean. Sino'ng hindi mai-in love sa 'yo? Plus, you're an ideal girlfriend, Sean, kung hindi mo alam."

"Bolero!" salungat ko.

"It's a compliment. Tanggapin mo na lang. Choosy ka pa," aniya.

"Hindi ako choosy!" agap ko.

"Talaga ba?" Saglit siyang sumulyap sa akin habang nakangisi bago tumingin ulit sa daan. "Bakit single ka pa rin ngayon? Lakas ng loob magsabi na mag-move on ako, pero ikaw... naka-move on ka na ba kay Theodore?"

"Jenesis Feron Lomiove!" asik ko.

He roared laugh while he was still driving. Habang ako ay masama ang tingin sa kaniya. Bestfriend ko na siya sa lagay na 'yan?

The Billionaire's Wicked DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon