Prologue

11.2K 202 7
                                    


"May offer ako sa 'yo." Napaangat ang ulo ko dahil sa sinabi niya at nagtama ang mga paningin namin.

Hindi ako nagsalita at salubong ang mga kilay na nakatingin lang ako sa kaniya, naghihintay na dugtungan ang kaniyang sinabi.

"Mali pala." Theodore let out a manly chuckle. Umayos siya sa pagkakasandal niya sa hamba ng pintuan at pinag-krus ang mga braso sa kaniyang dibdib, habang ako ay nanatiling nakaupo sa dulo ng kama at nakaharap sa kaniya.

"I have a dare for you," he wickedly said as the side of his lips rose.

My lips slightly parted as I was staring at him. I knew this stunt of him. Parang tuluyan na nga akong bumalik sa panahong unang beses ko siyang nakausap. The arrogant, cunning, and manipulative jerk as I described him before.

"What are you saying, Aradame?" I tried to sound normal even if my heart was already hyperventilating because of the sudden change of the atmosphere.

"Don't tell me that you're not aware what a dare is?" he sarcastically asked, neverminding that I just called him by his second name. Naalala ko kasi noon na kapag tinatawag ko siya sa second name niya ay matitigil din siya saglit katulad noong tinawag ko siyang 'Sir Theo'.

"Remember when I kissed you for a million?" he added.

My lips protruded. Mas humigpit ang paghawak ko sa aking cell phone habang ang isa ay nakakuyom sa ibabaw ng kaliwang hita ko.

"This dare is very simple, Leon." The way he said my name right now gave me chills. Mas nilamig pa ako kaysa sa aircon na nasa kuwartong 'to.

Nanatili akong hindi sumasagot. Nakatitig lang ako sa mukha ni Theodore at nagbabaka-sakaling may mabasa ulit ako roon, but he looked so firm and stern at the moment. Wala akong mabasang kahit na anong ekspresyon.

Ano'ng iniisip niya ngayon? Is this one of his schemes on trying to toy me again? Patibong lang ba 'to para tuluyan na niyang malaman na sobra akong apektado sa kaniya?

Walang nagbago. He's still a jerk! Nakakainis siya!

I mentally sighed to calm my nerves. Ito ba ang plano niya? Pwes, hindi ko siya uurungan. Makikipaglaro ako sa kaniya at sisiguraduhin kong siya ang unang bibitaw sa aming dalawa.

I smirked as I looked straight into his eyes. I made sure that my face was void of any emotions too. "What's the dare, then?"

Ngayon ko ipakikita sa 'yo na ako ang babaeng hindi basta-basta umuurong sa laban kapag ginusto ko.

"Very basic, baby..." he trailed off, not leaving his stare on my eyes. "Offer yourself to me. That's my dare."

Umawang ang bibig ko at hindi ko agad na-proseso ang sinabi niya kaya wala akong masabi. But, what did he just say? Offer myself to him? This jerk...!

I sighed to regain my posture then I let out a plastic smile at him. "I'm not one of your women, Sir Theo."

"Ayaw mo?" he teased. Bahagya siyang gumalaw sa puwesto niya. Inilagay niya rin sa bulsa ng kaniyang trousers ang mga kamay niya. "I'll pay all the bills for your father's operation. That's your problem, right? Wala ka nang po-probelamahin. Ako nang bahala sa lahat ng gastos."

My heart skipped a beat. Iniwas ko ang paningin ko sa kaniya at yumuko. I bit my lower lip to calm myself.

Mababayaran ang operasyon ni Tatay pero ang kapalit ay ang sarili ko? This is insane, but... this is for my father...

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang papalapit na mga yabag niya sa akin. Sunod-sunod ang mga naging paglunok ko para makapag-isip nang maayos, pero hindi ako makapag-isip.

"What can you say, hmm?" he muttered as he stopped in front of me. Napako ang paningin ko sa mamahaling sapatos niya dahil nanatili akong nakayuko.

"You're one hell of a jerk..." I silently hissed.

He stifled a laugh. "I already know that, Leon. I was not entitled as a wicked billionaire for nothing. So what now? Tatanggapin mo o tanggapin mo?"

I gritted my teeth as I intently shut my eyes close. Madali ang sinasabi niya pero sa sitwasyon ko ngayon? Ewan ko na lang. Kung kailan napagpasyahan ko nang sukuan siya, 'tsaka pa mangyayari 'to?

Napagitla ako nang maramdaman ang marahang paghawak niya sa aking baba. Dahan-dahan niyang inangat 'yon hanggang sa magtama ang mga mata namin. Mariin akong napalunok dahil gahibla na lang pagitan ng mga mukha namin.

He smirked again as he slightly pinched my chin. "I'm waiting for your answer, baby."

Wala sa sarili na binasa ko ang aking ibabang labi. Bumagsak ang tingin ni Theodore sa mga labi ko. I silently gasped when his hand that was holding my chin, cupped my right cheek as he rubbed my lower lip with his thumb.

"Just be mine. Mine alone, baby..."



DESIREDINK

The Billionaire's Wicked DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon