Chapter 19

3.8K 105 12
                                    


Warning Trigger: Attempted R*pe



"Good evening po, Sir Alek!" sabay-sabay na bati naming limang kasambahay nang dumating sa mansyon ang amo namin.

"Good eve," he just greeted back.

Half Russian si Sir Alek pero mas bihasa siya sa pagsasalita ng tagalog dahil dito na raw siya lumaki sa Pilipinas. Wala rin daw siyang pamilya. Tanging siya na lang daw mag-isa at may negosyong pinapatakbo. Hindi ko lang alam kung anong negosyo 'yon.

Pero mukhang imposible na walang asawa si Sir? Kahit may katandaan na ay may hitsura pa rin siya.

"Ready na po ang lunch n'yo, Sir," magalang na sabi ko.

Isang linggo na simula nang makapasok ako rito bilang kasambahay. Si Rita ang nag-recommend sa akin dito na kapitbahay lang din namin. At simula rin nang magluto ako isang beses ng pagkain ni Sir Alek ay ni-request niya kung puwede ay ako na lang daw lagi ang magluto ng pagkain. Hindi naman na ako tumanggi sa gusto niya, maliit na bagay lang naman 'yon.

"Guwapo pa rin ni Sir kahit nasa 50's na, 'no?" pa-simpleng bulong sa akin ni Rita habang nakaabang kami rito sa kusina kung sakaling may utos si Sir Alek.

Bahagya ko siyang siniko. "Tumahimik ka, Rita. Baka marinig ka ni Sir."

Humagikgik lang ang katabi ko at pinanood na ulit si Sir Alek na kumain. Ang totoo niyan ay kaming dalawa lang ni Rita ang nag-uusap dito sa mansyon. Iyong tatlong kasamahan kasi namin ay mailap at parang takot na takot na makipag-usap sa amin. Sinubukan ko silang kausapin pero talagang iwas na iwas sila. Hindi ko alam kung bakit.

"Rita?" Sir Alek suddenly called.

"Y-Yes, Sir?" agad na tugon ni Rita.

"Prepare yourself. You'll come with me after my lunch," he declared.

Napataas ang kilay ko roon. Saan naman niya isasama si Rita? Gusto ko sanang magtanong pero pinigilan ko lang ang sarili ko dahil nagpatuloy na ulit sa pagkain si Sir Alek.

"Sige po, Sir," sagot ni Rita. Agad namang umalis si Rita para makapaghanda ng sarili habang naiwan ako rito kasama ang tatlong kasamahan na mailap sa amin.

"And you, Sean."

Tumuwid ako ng tayo. "Yes, Sir?"

"You'll be coming with me tonight," he stated.

Saan? Pero gaya kanina ay tumahimik ako. Hindi ko alam pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Narinig ko rin ang mahinang pagsinghap ng mga kasamahan ko.

"Okay, Sir," sagot ko na lang.

Sumulyap ako sa tatlong kasama ko ngayon, pero agad silang nag-iwas ng tingin sa akin. Napatingin ako sa pinakadulo ng linya namin, nanatili ang tingin isang kasamahan ko sa akin na parang may gustong sabihin, pero hindi niya masabi.

"You better shut your mouth." Mas lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko nang marinig ang malamig na boses ni Sir Alek.

Nanatili ang tingin ko sa mga kasama ko na nagsiyuko nang marinig ang sinabing 'yon ni Sir Alek.

Ano bang mayro'n?

Nang matapos ang lunch ni Sir Alek ay isinama nga niya si Rita gaya ng sabi niya kanina. Kahit nagtataka pa rin ako kung bakit isinama si Rita ay hindi na ako nagtanong pa. Nagtrabaho na lang ako ng mga kailangang gawin sa mansyon para hindi na makapag-overthink.

The Billionaire's Wicked DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon