CHAPTER 06

55 8 3
                                    

Pumunta ako sa office ng school publication. I know that Ylle is there.

She never forgot my birthday and I know that she's very dissapointed with me for forgetting her special day. I never gifted her anything unlike how she gave me present tuwing birthday ko. I couldn't blame her though, kung bakit sobra siyang nagtampo sa akin. For her, my birthday greetings and my presence on her birthdays is more than enough. But I forgot when she mentioned it kanina kaya tama lang na magtampo siya.

Sumilip ako sa pinto ng office at nando'n nga siya sa loob, busy typing on her laptop. Mukhang nagtatampo pa rin ata sa akin based on her facial expression.

Napansin ako ni Mary, one of the writer ng journ. "ate Kianna pasok po kayo" she said.

Kilala na ako halos ng lahat ng member ng school publication dahil bestfriend ko si Ylle, and I'm quite famous na din dahil member din ako ng cheering squad dati.

Napatingin sa akin si Ylle pero hindi niya ako inimik. Nilapitan ko siya at umupo sa bakanteng upuan sa tabi niya.

"Sorry" I said.

Hindi niya pa din ako pinansin. Hinawakan ko siya sa kamay to stop her from typing. "Ylle sorry na. Madami lang talaga akong iniisip ngayon kaya nakalimutan ko kanina na birthday mo na pala sa sabado. Babawi ako promise"

"lagi ka naman kasing ganyan. Parang hindi mo ako kaibigan" saad niya na halatang may tampo sa tono ng boses.

"Sorry"

"let's talk somewhere" she said saka naunang maglakad sa akin palabas ng office. Lahat pala ng tao sa office ay nakatingin na sa amin and I know na naiilang na si Ylle.

Sinundan ko siya palabas hanggang sa makarating kami sa puno ng narra tree sa labas lang ng lobby.

"Alam mo bang feeling ko lately na hindi na ako ganun ka importante sa'yo?" sabi ni Ylle na ikinagulat ko naman. What makes her feel like that?

"Ano bang sinasabi mo? That's not true Ylle"

"Feeling ko ang dami mong hindi sinasabi sa akin Kianna"

"Ylle...."

"Sabi mo ang dami mong iniisip kaya nakalimutan mo na birthday ko na sa sabado pero tinanong kita kanina sabi mo wala namang gumugulo sa'yo. Ano ba talaga Kianna!"

"Okay, pasensya na talaga Ylle kung na offend kita"

"Isa pa, na grant na pala ang scholarship mo tapos hindi mo man lang sinabi sa akin. Alam mo naman na isa ako sa mga taong sobrang magiging masaya para sa'yo".

"Plano ko naman talagang sabihin sa'yo Kaya lang busy ka kahapon. Dumaan ako sa office kahapon kaya lang hindi naman ata ayos na istorbohin kita for that"

"kahit na. Sana sinabi mo pa rin"

"Sorry na, huh?" saad ko saka pumulupot sa braso niya. "H'wag ka na magtampo please".

Bumuntong hininga siya at sinulyapan ako. I know she's very soft person at mapapatawad niya agad ako basta I genuinely ask for forgiveness.

"Basta hindi na mauulit na binabalewala mo ako ah?"

"I promise" I hugged her after that.

Sinabay ako ni Ylle pauwi dahil maaga silang natapos sa journ. Dumaan na rin siya sa bahay to say 'hello' kila mommy. Ayaw ko na sana magpahatid pa sa driver ni Ylle dahil magkaiba ng route ang bahay namin pero hindi na din ako tumanggi at baka magtampo na naman siya.



Kinabukasan ay maaga akong nagising at naghanda para pumasok sa school.

"Anak, napaaga ata ang gising mo" tanong ni Mommy sa akin while chopping the onion and garlic on the chopping board. Ano kayang lulutuin ni Mommy?

I pour the hot water on my mug tsaka nilagyan ng powdered milk at tinimpla. "I just wanted to go to school early mom".

"No anak. Kailangan mong hintayin itong niluluto ko"

I smiled. Napakaalaga talaga ng mommy
ko.

"Ano po ba iyan?"

"I'm cooking adobo. Kumain ka nito bago ka umalis"

"Alright. Sige po".

Nilapag ko ang hawak na mug sa lamesa tsaka kinuha ang phone sa nilagay ko na sa bag kanina. I checked the group chat for updates while waiting na maluto ang adobo ni Mommy.

"Nga pala anak, diba susunduin ka ni Sean? Paki chat or text mo nga siya na dito na rin mag-agahan katulad kahapon".

Natigilan ako ng marinig si Mommy.

"Hindi po Mommy"

"Bakit? Akala ko susunduin ka niya"

"Nag-usap na po kami"

"Oh sige. Ipagbabalot ko nalang siya"

"Mommy?"

"Iaabot mo lang naman sa kanya. Besides sa akin naman galing hindi sayo".

Napanguso ako. "Ayaw ko po"

"H'wag ka na mapride anak"

Pagkatapos kong kumain ay hinanda na ni Mommy ang ipinabibigay na ulam kay Sean. Nilagay niya iyon sa tupperware saka maingat na pinasok sa paper bag.

"Make sure na makakarating to sa kanya ha?

"opooo" nakanguso kong sagot.

Iniiwasan ko na na magkita kami ni Sean sa campus pero ng dahil sa adobo na ito ay mukhang magkikita ulit kami.


Nang makarating ako ng University ay dumaan muna ako ng library para ibalik ang book na hiniram ko kahapon, pagkatapos ay pumunta na ako sa engineering department.

There are groups of student sa lobby ng building. Hindi ko alam kong saan ang classroom ni Sean, so I will just ask the students nalang.

"excuse me, do you know Sean Evans?" tanong ko sa isang lalaki na nakatambay doon.

"Yes. But he's not here" sagot nito.

"Alam mo ba kung nasaan siya?"

"Nasa gym ata. May practice ata sila ngayon e, malapit na kasi ang tournament with other Universities"

"Okay, Salamat".

Tumango nalang sa akin ang pinagtanungan ko. Umalis na din agad ako pagkatapos.

Papunta na ako ngayon sa gym. Medyo kinakabahan ako na ewan. Hindi ko pa man siya nakikita ay nafefeel ko na Ang awkwardness na mangyayari. I took a deep breath tsaka tuloy-tuloy na pumasok sa loob.

The players, including Sean is in the middle of  the practice. They are all very focused on what they are doing, it seems like they really working hard for the tournament. Oo nga pala, nabalitaan ko kay Ylle na team ni Sean ang nag champion no'ng intrams.

I still have 1 and a half hours before my class starts this morning kaya umupo muna ako sa bench to wait for their break para maibigay ko na ang ipinabibigay na adobo ni Mommy.

Napaka focus ni Sean today that he never noticed na nanonood ako.

Ilang sandali pa ay pumito ang coach nila, at sinenyasan ang mga players for break. Tumayo ako sa kinauupuan at saka pa lang ako napansin ni Sean. Lumapit siya sa akin, mukhang alam talaga niya na siya ang sadya ko. He's sweating a lot at mukhang pagod na pagod.

"Why?" he asked in low voice. Hingal na hingal siya and I could hear it from his voice.

"Pinabibigay ni Mommy" saad ko saka inabot ang paper bag. Tinanggap niya iyon at sinipat ang laman. He smiled after that.

"My favorite. Pakisabi kay tita na 'salamat'".

Tumango ako.

"Akala ko ayaw mo na akong makita" he said.

Hindi ko na siya sinagot pa. Instead, hinugot ko sa bag ang towel na pinahiram niya no'ng nakaraang araw at hinagis sa kanya. "Punasan mo ang pawis mo!" pagkasabi ay tumalikod na ako. Narinig ko nalang ang hiyawan ng mga teammates niya. Seems like they are teasing him or whatever.

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon