CHAPTER 17

45 7 0
                                    


Nandito kami ngayon ni Allea sa isang coffee shop malapit sa labas ng University. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pa akong katagpuin gayong nasend ko na din naman sa kanya ang recording ng pag-uusap namin ni Sean kagabi.

I didn't even bother to order coffee kasi wala naman akong balak na magtagal, besides, I really don't want to have even a sip of coffee in front of this girl.

"Good job!" nakangiting sabi ng bruhang si Allea. "I already received the recording that you just sent me last night".

"I already did what you told me to do, so it's your turn now" matapang na sagot ko.

"Don't worry, I already talked to ninong. All issues are resolved now".

Hindi na ako sumagot, sa halip ay tumayo na ako sa kinauupuan at tinapunan siya ng matalim na tingin saka tumalikod na.

"Sandali! Why don't you have a coffee? libre kita"

Hinarap ko siya at nginitian ng plastic pa sa lahat ng mga plastic. "No, thanks. I don't drink coffee especially if I'm with you". Sabi ko saka umismid pa sa kanya.

Mabilis na akong lumabas sa nasabing coffee shop at naglakad na papasok sa university.

Nang makarating na ako sa classroom ay nagulat ako ng makita si Sean na inaabangan ako.

"Can we talk please?" He begged.

Nilagpasan ko lamang siya at hindi pinansin, pero nagulat ako ng bigla niya akong hinawakan sa braso.

"Please Kianna, kausapin mo naman ako oh" patuloy niya.

Pumiglas ako sa pagkakahawak niya. " Akala ko ba matalino ka, ayaw na nga kitang makita at makausap, naiintindihan mo ba 'yon?"

"Kianna..."

"ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi kita mahal? Nagegets mo ba ako? I broke up with you kasi sigurado ako na wala akong nararamdaman".

"Don't be like that Kianna. Please stay"

"kulang ka ba sa aruga?"

Ilang minuto pa bago siya muling nagsalita habang nangingilid na ang kanyang mga luha "Siguro nga Kianna kulang ako sa aruga, since I haven't recieve much from my parents, but when you came to my life nagkaroon ng saysay ang buhay ko. Kahit sandali lang naramdaman ko muli ang feeling ng minamahal, Kaya may tanong ako sa'yo nag-eenjoy ka ba ngayon?"

I don't really know what to say. Gusto ko siyang yakapin at aluin pero I can't because of our situation. The pain I gave him is killing me inside.

"Yes! At some point, I enjoyed seeing you begging for love". Sa huli ay nasabi ko na hindi man lang pinag-iisipan ang mga katagang lumalabas sa bibig ko. Alam kong masakit pero sinabi ko pa rin.

Hindi ko na siya hinintay pa na magsalita. Agad akong tumalikod at dumiretso na sa restroom. Hindi ko na kaya pang pigilan ang mga luhang pilit kumawala sa mga mata ko.

Ang sama ko. I'm selfish to him. I'm a loser!

Pagkatapos kong umiyak sa loob ng restroom ay agad kong inayos ang mukha sa salamin, namamaga na naman ang mga mata ko. Inilabas ko ang pulbo mula sa bag at nag lip tint na din

Pagkalabas ko ng restroom ay sinalubong ako ni Ylle. Humahangos siyang lumapit sa akin.

"Huteks ka! kanina pa ako naghahanap sa'yo!"

"Why?" paos ang boses kong tanong sa kanya.

Nakapamaywang niyang hinugot ang phone sa bulsa habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa akin.

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon