CHAPTER 14

57 9 2
                                    

Nanginginig ang mga kamay ko nang mabasa ang notice mula sa office ng University director.  They are cancelling my scholarship? Totoo ba talaga itong nababasa ko?

Final exam na namin for this term next week kaya naman kung mangyaring macancel ang scholarship ko ay hindi ako makakapagtake ng exam.

Bakit nangyari 'to?

Why are they cancelling my scholarship?

Bakit ngayon pa?

Masama ang loob kong tinungo ang opisina ng director. I can't let my scholarship gone, doon ako nakakapit para makapagtapos ng pag-aaral.

Hinarangan ako ng isa sa mga staff nang sinubukan kong pumasok sa loob ng opisina.

"Miss where are you going?" tanong ng isa sa mga staff.

"Gusto ko lang po sanang makausap ang director" sagot ko.

"Ay naku miss kailangan mo ng appointment para makausap ang director natin lalo na't student palang kayo"

"Pero saglit lang po. Kahit 5 minutes lang po" pagmamakaawa ko Tito.

"Hindi po talaga miss, tsaka wala sa office ang director dahil nakaleave siya ngayon"

"Sino po ba ang pwede makausap regarding sa scholarship ko?  Nakatanggap po kasi ako ng notice mula sa office ng University director na cancelled na po ang pag grant sa akin ng scholarship"

"Baka nagkaproblema ka sa school Miss. Try to talk first to your Dean", payo nito

"Po? Miss I want to know why. They can't stop my scholarship ng wala man lang paliwanag" patuloy na samo ko.

"Sorry talaga miss" pagkasabi ay umalis na siya.

Nanghihina ang tuhod kong nilisan ang building. Laglag din ang balikat ko, hindi ko alam ang gagawin ko. As far as I know ay wala naman akong ginawa.

Kaagad kong pinuntahan ang dean ng college of accountancy para kausapin. Mabuti naman at pinapasok agad ako sa loob.

"Ang office ng University director ang nag grant ng scholarship sayo kaya labas na kami jan miss Castro" paliwanag sa akin ng dean nang sinabi ko sa kanya ang pakay ko.

Wala din akong napala sa dean namin. Hindi ko talaga alam bakit nangyayari 'to. Ang linaw linaw nang nakasulat sa letter nakaraan that the university will keep granting me a scholarship pero bakit tinitigil na nila ngayon? It's so unfair!

Mangiyak-ngiyak akong pumunta kay Ylle. Gusto kong mag rant sa kanya at ilabas lahat ng sama ng loob ko.

"What's wrong?" nag-aalalang tanong niya nang mapansin ang namumula kong mga mata nang pumasok sa office nila. Napatigil pa siya sa ginagawa niya at tumayo para lapitan ako.

Bigla ko siyang niyakap.

"Anong nangyari? Is it because of Sean?"

Umiling ako "No"

"So, what made you cry?"

"The university stopped granting me a scholarship' utter.

"What?" Gulat na react niya.

"Anong gagawin ko?"

"Papaanong nangyari 'yan? Nakausap mo ba ang director?"

"No. They don't let me in to talk to him. Sabi ay naka leave raw" sumbong ko.

"Huteks yan! Hindi nila pwedeng gawin
'to sa'yo"

"Ano na ang gagawin ko ngayon Ylle?".

Nagsimula nang maglaglagan ang mga butil ng luha sa mga mata ko.

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon