CHAPTER 20

62 8 1
                                    

Tinext nalang ako ni Ylle na magkita nalang kami sa club since sinundo siya ni architect Galvez sa bahay nila at ayaw ko din namang makisabay dahil baka makakasira lang ako sa moment nila.

Nagpahatid nalang ako kay Daddy sa club. I want to look casual that's why I just wore a crop top and cargo pants and pair it with boots.

First time kong pumunta sa club kaya panay ang text ko sa kaibigan nang makapasok na ako sa loob.

Maya-maya pa ay nakita ko na siyang kumakaway sa akin. Tumayo siya sa kinauupuan at nilapitan ako.

"Tara bes ipakilala kita kay Aron"

Hinawakan niya ako sa kamay at hinila papunta sa kinauupuan nila sa VIP section ng club.

"Aron, this is my bestfriend Kianna, at Kianna this is Mr. Aron Galvez, my architect" pagpapakilala niya.

"Kumusta" sabi ng lalaki saka nakangiting inilahad ang mga palad sa akin.

Tinanggap ko naman ang kamay niya at ngumiti na din. "Nice meeting you architect Galvez"

"Same here".

In fairness magandang lalaki naman talaga itong architect na 'to. He's very manly at mukhang matalino with his eye glasses on. Hindi mukhang nerd.

"You can have a seat Ms. Kianna and have fun tonight"

"Thank you. Ahh,  by the way, happy birthday!" I greeted.

"Salamat" he said, then smiled.

Umupo  ako sa tabi ni Ylle. Maya-maya pa ay lumapit siya at binulungan ako.

"What do you think of him?".

"Mukha naman siyang mabait at gwapo. Bagay kayo" I answered.

Mahina siyang tumawa na halatang kinilig pa dahil sa sinabi ko.

"Nga pala Ylle,  tayo lang ba dito? I mean akala ko may mga kasama pa siyang iba na kaibigan, kamag-anak or something?" I asked out of curiosity. Simula ng dumating ako, I didn't seen no one other than the three of us.

"His family is not here in Manila bes. They're in Palawan, pero darating raw mamaya ang pinsan niya, 'yong sinabi ko na galing US at may kasama din ata yun, so basically lima tayo tonight"

"Ah I see". Napatango na lamang ako.

"Oh bro! Mabuti naman at dumating na kayo. Kanina pa kami naghihintay" biglang sabi ni Aron saka tumayo. Sabay kaming napalingon ni Ylle para tingnan ang tinutukoy na 'bro' ni Aron na kararating lang.

I almost froze ng makita kung sino iyon. Parehong namutlog ang mga mata namin ni Ylle.

Lumapit ang lalaking tinawag na "bro' ni Aron kasama ang babaeng parang sawang nakapulupot sa braso niya. Napatingin siya sa amin. Nakita kong nagulat din siya nang makita kami. His brows furrowed for a seconds.

Totoo ba 'to? Si Sean ang tinutukoy na pinsan ni Aron? Napalunok ako dahil sa di malamang dahilan ng biglang  pagkatuyo ng lalamunan ko.

"Ylle and Kianna, this is Sean, my cousin and this is Samantha". Pagpapakilala ni Aron.

Inilahad ng babaeng nangangalang Samantha ang kamay niya sa aming dalawa  ni Ylle.

"Hi! nice meeting you" she said while smiling.

Unang tinanggap ni Ylle ang mga kamay ni Samantha na sinundan ko na rin.

"Oh your hands is freaking cold" Gulat na komento ng babae nang mahawakan ang kamay ko.

"Are you okay Ms. Kianna? Parang namumutla ka din yata". pansin din ni Aron.

"No. Ah l-Im okay" mabilis na sagot ko.

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon