CHAPTER 02

90 7 11
                                    

Nanalo ang Wizards sa game 1 ng championship match. Hindi man lang nakalamang ang mga Royalties.

Si Sean ang bestplayer ng game at halatang kilig na kilig naman ang mga babaeng engineering students sa tabi namin. Hay naku! Kung alam lang sana nila na ako ang kinababaliwang babae ni Sean hahaha...

Maya-maya pa ay lumapit si Sean sa kinaroroonan namin.

"Kianna" tawag niya sa akin.

"bes, una na ako" biglang saad ni Ylle na tinapik pa ang balikat ko sabay patakbong nakipagsiksikan sa crowd.

"hoyyy Ylle!" pahabol kong sigaw pero hindi siya nagpatinag hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Wala na akong choice kundi kausapin nalang talaga ang lalaking 'to.

"What do you want?" Nakataas kilay na tanong ko.

"Thank you" he said.

Nagulat ako nang marinig siya. Bakit siya nagpapasalamat sa akin ngayon?

"For what?"

"For watching the match today"

"It's okay. Hindi naman ikaw ang dahilan kung bakit nanood ako"

"But still, thank you"

Pagkatapos kong marinig siya ay tumalikod na ako at akmang aalis ngunit bigla niya akong hinawakan at pinigilan sa braso. Agad ko din namang hinawi ang kamay niya.

"Ano pang kailangan mo? tinanggap ko na ang 'thank you' mo, ano pa ang gusto mo?" inis kong sabi na may kasama pang irap.

"Uuwi ka na ba?" He asked instead.

"Malamang. Alangan namang dito ako mag stay diba?" patuloy na pagmamaldita ko sa kanya.

Alam ko din namang minsan ay sumosobra na ang pagiging maldita ko sa kanya pero he's still getting into my nerves dahil sa walang tigil na pagpapapansin sa akin sa kabila ng pagtrato ko sa kanya. One of the reasons bakit asar ako sa kanya ay dahil hindi niya ako tinatantanan sa mahigit isang taon na pangrereject ko sa kanya. Never ko siyang pinakitaan ng hope sa akin, so why he's still persistent? It really annoys me.

"Just wait here. May kukunin lang ako, then hatid kita"

"No, I don't want to!. Ayaw kong maghintay at ayaw ko ring magpahatid"

Hindi na muling nakapagsalita si Sean. Agad ko na siyang tinalikuran at umalis. Kasalanan na niya iyon kung masaktan siya sa mga attitudes na pinapakita ko sa kanya. He could just give up on me because it's very clear noon pa na he don't have a chance with me, but he didn't, therefore it's all his fault.



***

Maaga akong pumasok sa University today dahil hindi namin natapos ni Ylle ang report ko. Hindi ko din naman nagawa sa bahay dahil nakalimutan kong hiramin sa librarian ang reference book na ginamit ko.

Habang paakyat kami ni Ylle sa second floor ay nakita namin si Sean talking to a slim morena girl. Napatigil kaming dalawa sa paglalakad at hindi ko mapigilang ma-curious.

The said girl had an imp-thin body and she possessed a shapely figure din. She also has a wasp waist. Her lashes were velvety, and she had a delicate nose and narrow eyebrows. She is indeed stunning.

"Ylle, Sino 'yang kausap ni Sean? kilala mo ba?" I asked out of curiosity.

"That's Allea. Mass communication student"

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon