Nag-aabang sa akin si Sean ngayon sa labas ng building namin. He texted me kanina na maghihintay siya kaya naman ay mabibigat ang mga hakbang ko palabas. Kahit na gaano ko siya namimiss ay parang ayaw ko pa din munang makita ang mukha niya. Ang sakit at bigat lang kasi para sa akin ang desisyong gagawin ko.
Nang makalabas na ako ng building ay agad ko siyang nakita. Kumaway siya at naglakad palapit sa akin na ginantihan ko naman ng isang tipid na ngiti.
He is smiling right now and my heart is aching. How can I tell to this man that I wanted to break up with him? I love him at lalo ko siyang minamahal araw-araw. He offers me love, trust, commitment and security that I know I can't find in someone else. He is my first boyfriend who makes me feel how beautiful the love is.
Tumingala ako upang pigilan ang pagtulo ng mga luhang nangingilid na sa mga mata ko.
"Kianna, let's go?" aya niya sa akin.
Ngumiti ako sa kanya at tumango.
I acted as if I was sleeping habang kami ay nasa biyahe. Siguro ay napapansin niya na din ang kakaibang kilos kong ito but he chose not to ask me a question, hanggang sa makarating na kami sa bahay.
Akma siyang bababa ng sasakyan para pagbuksan ako ng pinto pero pinigilan ko siya.
"You don't have to open the car's door for me" Sabi ko saka bumuntong hininga ng malalim para humugot ng lakas ng loob.
"let's break up" I added. Napayuko ako at pilit na pinipigilan ang pagtulo ng mga luha.
"what did you say?" nag-aalangang tanong niya.
"Maghiwalay na tayo. You can resent me, hate me, or whatever. I have not been feeling fully satisfied in this relationship and think it would be best if we broke up."
"Wait Kianna, prank ba 'to? May mga hidden camera ba dito?"
Umiling ako "I'm serious".
I still can't look at his eyes. Sobrang bigat na talaga ng dibdib ko.
"Kianna h'wag ka namang magbiro ng ganyan", he tried to hold my hands pero mabilis kong tinapik ang kamay niya.
"Hindi ako nakikipagbiruan. Ayoko na!"
"May nagawa ba ako? May ayaw ka ba sa akin? Sabihin mo lang at aayusin ko lahat para sa'yo".
"Napagod na ako sa relationship na 'to. Nakakasawa na".
"We've been dating for about 2 weeks palang Kianna, so how can you say such thing?"
"Sorry Sean... pero akala ko love na ang nararamdaman ko para sa'yo, but I realized it's not"
Nagsimula nang mamula ang mga mata niya after hearing my useless statement.
"No, that's not true!" Himutok niya.
"it's true. Hindi kita mahal Sean. I never love you" sagot ko habang mahigpit na napakapit sa strap ng shoulder bag ko.
"No! I know mahal mo ako. Look at my eyes Kianna, please" pagmamakaawa niya.
I looked away. Nahihirapan din ako sa mga pinag-sasabi ko pero mas matimbang sa akin ang scholarship.
"Hindi nga kita mahal! Hindi ko na kasalanan na patay na patay ka sa akin
"Kianna....."
"You should be happy nalang at naranasan mo pang maging girlfriend ako. Sana for two weeks ay nag-enjoy ka naman, Sean"
Nakita kong nagsimula ng maglaglagan ang mga luha sa mga mata niya.
"Bakit mo nagawa to Kianna?"
Parang pinagtatarak na ng sampung libong kutsilyo ang puso ko ngayon. I could feel the pain in Sean's voice.
"If I realized it beforehand that my feelings for you is not really a love, sana hindi ko nalang din tinuloy Sean. Please hate me and don't forgive me for playing with your feelings, and please don't talk to me at school. anymore". Pagkasabi ko ay agad ko na ding binuksan ang pinto ng sasakyan at bumaba. Hindi na ako lumingon pa at nagtuloy-tuloy nang pumasok ng bahay.
Dumiretso na agad ako sa kwarto at saka pinakawalan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Sobrang hirap sa akin ang ginawa ko kay Sean. Kung pwede lang sanang sabihin ko nalang sa kanya ang totoo ay ginawa ko na. Sumalagpak ako sa sahig habang sapo-sapo ang dibdib kong nagsisikip na ngayon. Hindi ko alam kung paano ko nakayanang sabihin ang mga iyon sa kanya. Alam kong napakabigat ng mga binitawan kong salita.
I had hoped for true love, but I guess pain was meant to be. The memories that I had shared with him ay mananatili na lamang alaala ngayon.
I took my phone out of my pocket and blocked Sean in my contacts and in social media.
Senend ko na rin kay Allea ang recording ng pag-uusap namin ni Sean kanina.
Maya-maya pa ay kumatok si Mommy sa room ko. Hindi ko gustong makita niya ang itsura ko ngayon kaya naman hindi ko siya pinagbuksan ng pinto.
"Mom matutulog na po ako " sabi ko na pilit pinasisigla ang boses
"Are you sure?" Paninigurado nito.
"opo"
"kumain ka na muna anak"
"I'm tired na po Mommy. Bukas nalang po ako kakain"
"oh sige".
Hindi ko magawang makatulog ngayong gabi, Hindi ko rin kayang mag-aral. I just wanted to cry kahit na pilitin ko ang sarili na makatulog because of my first heartbreak.
Maga ang mga mata ko ng bumangon ako ngayong umaga kaya naman hindi ito nakaligtas sa pansin ni Mommy at Daddy.
"May nangyari ba anak?"
"Wala po" matamlay na sagot ko saka umupo na sa hapag at at kumain.
"Dadaan ba si Sean ngayon?".
Umiling ako..
"May nangyari ba sa inyo?"
"Wala na po kami. Kung pwede ko sana ay h'wag niyo na po siyang babanggitin".
Napabuntong hininga nalang si Mommy habang nakatitig sila ni Daddy sa akin.
Good thing is that hindi na sila nagtanong pa sa akin about sa reasons why we broke up. Wala pa din naman akong plano sa ngayon na sabihin sa kanila.
BINABASA MO ANG
Still You
RomanceFinance manager Kianna Gaiyel works for a well-known jewelry business in South Korea. Growing up, she only focused on her studies and her desire to recover all of her family's assets, particularly their property, which had been removed from the bank...