"Ladies and gentlemen, we just landed at Ninoy Aquino International Airport. Local time is 11:34 am. For your safety and comfort, please remain seated with your seat belt fastened until the Captain turns off the Fasten Seat Belt sign. This will indicate that we have parked at the gate and that it is safe for you to move about".
Nagising ako sa landing announcement ng flight attendant. Sumilip ako sa bintana at kalalapag lang ng eroplano.
Yes! Sa Pilipinas na ako!
Dala-dala ang mga bagahe ay agad na hinanap ng mga mata ko si Ylle pagkalabas ko ng airport.
Maya-maya pa ay may humintong sasakyan sa harapan ko. Bumukas ang pinto nito at tumambad sa akin ang nakangiting mukha ni Ylle.
"bessssssss!!!!!" sigaw nito at nagmadaling lumapit sa akin at niyakap ako. Napatalon-talon kami sa tuwa habang magkayakap.
"Omg miss na miss talaga kita"
"Ako din gagi sobra"
Matapos kumalas sa pagkakayakap ay sinipat ako ni Ylle mula ulo hanggang paa.
"Wow! ang expensive mo na talaga bes. Hiyang na hiyang sa Korea"
I chuckled. "Ano ba, ako lang 'to" saad ko saka nag flip ng hair.
"Taray naman haha"
"Naku tama na nga. Tara na?” aya ko sa kanya.
Sumakay na kami ni Ylle sa sasakyan samantalang maingat na inilagay ni kuya Kanor ang mga gamit ko sa likod ng sasakyan.
Sobrang ingay namin ni Ylle habang kami ay nasa biyahe to the point na hindi namin naramdaman ang mabigat na daloy ng trapiko. Ang dami na agad namin napag usapan.
Ilang sandali pa ay huminto na ang sasakyan sa harap ng isang malaki at maaliwalas na bahay - ang bahay na pinangarap ko na maibalik sa amin. Ang bahay na naging saksi ng mga masasayang ala-ala namin.
Napangiti ako ng malapad at halos hindi pa rin nagsisink-in sa akin ang lahat, na FINALLY naabot ko na ang goal ko.
"We're here na bes" ani Ylle.
"Oo nga e" mahina kong sabi.
Gusto kong maiyak sa tuwa.
Bumaba na kami ng sasakyan then I immediately press the doorbell. Maya-maya pa ay bumukas na ang gate at tumambad sa aming harapan ang medyo may edad na babae na sobrang pamilyar sa akin.
"Ano pong kailangan nila?' tanong nito na hindi maiaalis ang pagkakatitig sa mukha ko.
"Manang Rosa ikaw po ba yan?" sa halip ay naitanong ko.
Nagtatakang inigihan pa niya ang pagkakatitig sa akin.
"Manang ako 'to. Si Kianna!"
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya.
"Kianna.... ikaw na ba talaga yan?"
Ngumiti ako. "Opo"
"Naku! ang batang 'to ang laki mo na" Sabi nito saka niyakap ako.
Si manang Rosa ang kasambahay namin dati noong hindi pa kami naghirap dahil sa heart disease ni Daddy. She's very close to my heart dahil parang pangalawang magulang ko na din siya. I am very happy to see her working to us again.
"It's nice seeing you again manang" I said.
"Ako din naman ija"
"Ah manang asan po sila mommy?"
"Nasa dining na ija dahil kakain na sana kami ng lunch"
"Ah okay po"
Nagtuloy-tuloy na kami sa dining at pagkapasok na pagkapasok ko palang ay sumigaw na agad ako. "SURPRISE!!!!!!!".
Halos mabitawan nila Mommy at Daddy ang hawak na kutsara at tinidor dahil sa gulat nang makita ako.
"Anak! "
Halos magkasabay pa silang tumayo at mabilis na nilapitan ako at niyakap.
"I miss you sweetie"-daddy.
"Ako din po. Miss na miss ko na kayo"
"Bakit hindi mo naman sinabi sa amin na uuwi ka?" tanong naman ni Mommy.
"Surprise nga po" natatawa kong sabi.
"Naku ang batang 'to talaga" dagdag ni Mommy saka hinalikan ako sa cheeks.
Matapos ang ilang minutong yakapan moment ay bumalik na sila mommy at Daddy sa hapag at kumilos na din kami nila Ylle, manang Rosa at kuya Kanor para sabayan sila.
"Kamusta naman ang Korea anak?" -daddy
"Okay naman po, Dad. Masaya naman po"
"Mabuti naman at pinayagan kang umuwi ng boss mo. Ang sabi mo sa amin nakaraan ay baka next year ka pa uuwi"
"Syempre biro lang din po yun. Ako pa ba ang hindi papayagan, e ang hardworking ko kaya". Pagmamayabang ko.
"Bumuhat ka na naman ng sariling bangko bes" sabat ni Ylle na sinundan namin ng tawanan.
"Kelan ka babalik?" tanong ulit ni Daddy.
"Bago po matapos ang dalawang buwan, dad"
Mommy sighed after hearing me. Nakita ko ang pagsilay ng lungkot sa mga mata nila.
"What's with that sigh Mommy?".
"Kapag bumalik ka malulungkot na naman kami ng daddy mo"
"Oo nga anak. Bakit hindi ka nalang dito sa Pilipinas maghanap ng trabaho? With your competence sigurado akong pag-aagawan ka ng mga kumpanya".
"Mommy, Daddy, sayang naman po kasi ang opportunity, tsaka why don't you come with me in Korea instead?"
"Alam mo namang hindi rin pwede anak. I can't leave my job as a teacher, tsaka hindi na ata namin kayang iwan ulit ang bahay na to".
Napabuntong hininga na lang ako. "Di bale po mas dadalasan ko nalang ang pag uwi"
"Yan talaga ang pinakamaganda anak".
Pagkatapos naming kumain ay nag ipon ipon na kami sa living room para ibigay ang mga pasalubong ko sa kanila. Nagkwentuhan kami gaya ng laging ganap kapag may umuuwing mahal sa buhay galing abroad.
Maya-maya pa ay nagpaalam na din si Ylle dahil kailangan pa niyang makipagmeet sa architect na magdedesign ng ipapatayo niyang resthouse sa tagaytay.
Pagkaalis ng kaibigan ay nagpaalam na din muna ako Kila Mommy para magpahinga sa kwarto since ramdam ko na din ngayon ang pagod dahil sa biyahe.
Pinihit ko ang door knob ng kwarto ko. Pumasok ako sa loob at sobra akong na overwhelm nang makita ang loob nito. My parents really did a good job on making this room same as before. I really liked the simplicity of a white motif of my bedroom from the sheets, and curtains. The light poured in through the windows din. Meron ding book shelf sa tabi ng computer desk kung saan nakahilera ang mga treasured books ko.
Humiga na ako sa bed ko at ipinikit na ang mga mata. I was really happy today. Home is indeed a very happy and secured place for me.
Gabi na nang magising ako. Bumaba ako at nadatnan ko si mommy at manang Rosa na naghahanda na ng hapunan samantalang si daddy ay nasa living room at nanonood ng TV.
Niyakap ko si Mommy mula sa likuran.
"What's our ulam Mommy?"
"Your favorite-adobo
Napangiti ako.
"Nice! mapaparami yata ako ng kain hehe. Thank you Mommy" saad ko saka hinalikan siya sa pisnge.
(。•̀ᴗ-)✧

BINABASA MO ANG
Still You
RomansaFinance manager Kianna Gaiyel works for a well-known jewelry business in South Korea. Growing up, she only focused on her studies and her desire to recover all of her family's assets, particularly their property, which had been removed from the bank...