Nagulat ako nang mapansin na pinagtitinginan ako ng mga estudyante sa campus.
Hindi na ako nasundo kanina ni Sean dahil maaga pa ang training nila sa basketball.
Ano kayang problema nila sa akin?
Maya-maya pa ay nagtext si Ylle.
<Punta ka sa office ng pub ASAP!>
Pagkabasa ay agad na kumunot ang noo ko. Ano kayang problema niya?
Nagkibit-balikat akong tumalima sa text niya.
Mabuti na lamang at naayos na ang elevator kaya malaya ko na itong magagamit.
May iilang student ako na nakasabay sa elevator pero lahat sila ay nakatitig din sa akin at nagbubulungan. Nagtataka man ay hindi ko na ito masyadong pinagtuonan ng pansin.
Pagkalabas ko ng elevator ay nakasunod sa akin ang dalawang babaeng estudyante.
"Hello po ate" bati sa akin ng isang babae. Base sa nakasulat na program sa ID lanyard nila ay nursing student sila.
Tipid akong ngumiti. "Bakit po?" tanong ko na rin
"You miss Kianna Castro, right?" tanong ng isang estudyanteng babae na may makapal na salamin sa mata.
Tumango ako. Nakita kong tinapik niya ang kasama niyang babae at bumulong. "Ta sabi ko sayo siya 'yon e"
Medyo malakas ang pagkakabulong niya kaya narinig ko. Mas lalo na akong nagtataka ngayon.
"Sige po ate, salamat". Umalis din agad sila matapos ma-confirm na ako nga si Kianna.
Hindi ko na lamang pinansin at nagtuloy na ako papunta sa office ng school publication.
Pagsilip ko palang sa pinto ay hinila na agad ako ni Ylle papasok.
"Girl sikat na kayo" agad na sabi niya sa akin.
"Huh?" Nagtataka kong tanong.
"You and Sean are now nicknamed as the new campus sweethearts"
Kumunot na naman ang noo ko. What?
"How did-"
"Sean posted an update in Instagram about your date kahapon and some of Sean's followers and fans took a screenshot of it at pinakalat sa social media, so basically alam na ng buong campus".
I'm speechless. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko. Kaya pala pinagtitinginan ako ng mga estudyante kanina.
"What's with it? Bakit masyadong big deal sa kanila na Sean and I are on a relationship?" nagtataka ko pa ring tanong. We're just a student after all, so how come that it became an issue? We aren't celebrity too.
"As far as they know ay hinding-hindi mo papatulan si Sean kaya nagulat siguro sila dahil biglang umiba ang ihip ng hangin" patuloy ni Ylle.
Napabuntong hininga na lamang ako. Sean is one of the most popular personality sa school dahil varsity player siya at gwapo pa, samantalang ako ay medyo sikat lang.
"You dethroned Allea"
"Ha?"
"Puro ka kasi aral no'ng first year tayo e kaya hindi mo alam na sila ni Sean ang campus sweethearts"
"Isa pa wala naman talaga akong pake!" I breathe in saka muling nagsalita, "kaya I rarely check my social media accounts e"
Napailing nalang ako. Ang corny naman na may pa title-title pa silang nalalaman.
Dumiretso ako sa library pagkaalis ko sa office ni Ylle. Library is my favorite place para mag-aral dahil tahimik doon at marami akong books na mababasa regarding sa lesson ko.
Agad akong naupo sa bakanteng upuan at inilabas na mula sa bag ang mga notes na ginawa ko kagabi para aralin.
Habang payapa kong inaaral ang mga nakasulat sa maliit kong notebook ay biglang lumapit sa kinaroroonan ko si Allea.
What the.. Ano na naman kayang kailangan ng bruha na 'to? Pesti! Gusto ko lang naman ng payapang buhay ah.
"Masyado ka atang busy ngayon Kianna. For exam?" saad niya sa akin saka sinipat ang hawak kong notes at umupo sa harapan ko. She was wearing her red lipstick and medyo namumula rin ang mga mata niya.
Siguro umiyak 'to dahil kami na ng ex niya na hanggang ngayon ay hinahabol habol niya pa rin para makipag-comeback
"Yes, I'm busy, nakikita mo naman diba?" sinaraan ko siya ng tingin at ibinalik ang atensyon sa binabasa.
"Ops! h'wag kang magalit. Ang tapang mo naman masyado. Nakakatakot". She chuckled habang pinapaikot-ikot sa daliri ang pile of hairs sa gilid ng tenga niya.
"Whatever!" Bulong ko, bulong na sapat para marinig niya.
"Good luck sa exam mo. Sana nga lang ay maka exam ka!" maya-maya pang sabi niya.
Kumunot ang noo ko at napatigil sa ginagawa saka hinarap siya. "What are you trying to say?"
"Uhm nothing!"
"Alam mo kung wala kang matinong sasabihin mabuti pang umalis ka na. May ubo ka yata sa utak e". I shot her a deadly snob pagkatapos kong magsalita.
"Remember me, Allea Saavedra from college of Arts and Humanities, a BA Mass communication student, third year. Okay?" Sabi niya saka tumayo na sa kinauupuan at pakembot kembot pang umalis.
"Siraulo!" bulong ko sa sarili.
Ibinalik ko na ulit ang focus ko ngayon sa mga notes ko. Mabuti naman at umalis na siya. Nakakapang-init siya ng ulo. Hindi ko tuloy maiwasang maitanong sa sarili kung bakit siya pinatulan ni Sean. Napaka mata pobre at super arte. Kung ako ang tatanungin ay ganda lang naman talaga ang ambag niya.
Kinahapunan ay kay Ylle ako sumabay pauwi dahil may sinadya sila malapit sa bahay namin. Hindi ko na rin naitanong kong ano at saan banda ang sadya nila dahil kahit habang nagbibiyahe kami ay busy pa din kaming dalawa sa pagrereview.
Hindi na ako nagpahatid pa kay Sean dahil alam ko din namang busy na siya masyado sa practice at pag-aaral para sa upcoming exam lalo na't isa ang course niya sa pinakamadugo.
Kinatok ako ni Mommy sa room ko. She had on her hands a bowl of fruit salad. Agad kasi akong naghanda para mag-aral pagkauwi ko.
Ipinatong niya iyon sa study table ko.
My brows furrowed again nang makita ang salad. Usually kasi ay nuts or chocolates ang hinahanda ni mommy kapag nagrereview ako.
"Para saan po 'yang pa fruit salad mo mommy?" Confused na tanong ko.
"I made it for you to keep your brain active lalo na't nag-aaral ka for exam"
"Pero bakit po fruit salad? Parang hindi ko pa po naririnig na okay siyang snack while studying. Usually po kasi mga nuts at chocolates po e"
"Fruit salad is good at boosting and keeping your brain active anak".
Napatango na lamang ako, "Ah okay po".
Itinabi ko saglit ang mga notes ko at hinarap ang fruit salad ni mommy.
Ganito lagi si Mommy tuwing may exam ako. She's very supportive to me that it motivates me to get a high scores.
"Thank you anak" mahinang sabi ni mommy habang pinagmamasdan ako.
Natigilan ako sa pagsubo dahil sa sinabi ni Mommy.
"Para po saan?"
"For being such a kind, and hardworking daughter"
Tinigil ko saglit ang pagkain. Ibinaba ko ang kutsara at hinawakan si mommy sa kamay.
"Mommy lahat ng ginagawa ko para po sa inyo. I will never dissapoint you and daddy"
"Halika nga dito" sabi niya saka niyakap ako ng mahigpit.
I'm very grateful to my parents and I'll do everything to make them proud. Magsisikap ako lalo para sa kanila.
BINABASA MO ANG
Still You
RomanceFinance manager Kianna Gaiyel works for a well-known jewelry business in South Korea. Growing up, she only focused on her studies and her desire to recover all of her family's assets, particularly their property, which had been removed from the bank...