CHAPTER 19

46 8 1
                                    

I decided to jump off early at bed today to cook breakfast for my parents. I am not really good at cooking and scrambled eggs lang at prito-prito ang kaya kong gawin pero I will still try.

A few minutes later ay pumasok sa kusina si Ylle na hindi ko na rin ikinagulat.

"Bes what are you doing?" bungad na tanong niya.

"I'm cooking breakfast for mommy and daddy" I answered.

"Ohhh, I see"

"Ang aga mo ata today. Kumusta ang meeting mo with your architect?" naisipan kong tanong sa kanya.

"So far maayos naman. Nga pala, wala ka namang gagawin tonight diba?"

"Yeah. Bakit?"

"Ininvite kasi ako ni architect Galvez to his birthday celebration sa isang club, then syempre ayaw ko namang pumunta mag-isa so I asked him if it's okay to bring a friend and okay naman sa kanya "

"Gagi dinamay mo pa ako!" naiiling Kong sabi.

"Wala ka namang gagawin diba? Tsaka para mameet mo din siya. Alam mo namang crushie ko si architect"

My eyes widened "Gagi, really? Siya ang crush na kinukwento mo sa akin?"

Kinikilig siyang tumango.

"Grabe naman. Okay, sanaol diba? Yung crush mo pa ang magdedesign ng resthouse mo. Wow!" I added.

"Kaya suportahan mo naman ako sa paglalandi ko bes".

Bahagya akong natawa.  "Okay fine, at ng makilatis ko din yang architect na yan"

"He will also bring his cousin na kauuwi lang galing US, malay mo diba? Pareho pa naman kayong kauuwi lang galing abroad".

"Naks iba talaga... Pati pinsan niya nakukwento niya na din sa iyo"

"Kalma bes, ako lang 'to oh" She said as she flip her hair in front of me.

"Yabang haha". Naiiling at natatawa kong sabi.

"Dito na ako mag-agahan ah?"

"Sure"

"Gusto ko talaga matikman ang luto mo" Sabi niya habang nakapukos ang mga mata sa inihahandang agahan ko.

"Sinasabi ko sayo, makakalimutan mo ang pangalan mo" pagyayabang ko na rin.

"Aba, sige nga tingnan natin"

Maya-maya pa ay natapos na ako sa pagluluto kaya naman nagpatulong na rin ako sa kaibigan ko sa paghahain.

"Kumilos ka na jan. Help me in serving. Goods na itong niluluto ko"

I just fried the rice, kahit papaano ay satisfied naman ako sa outcome. I also scrambled the eggs, fry the bacon and langgonisa.

Ylle and I prepared the table, then after that, tinawag na namin sila Mommy at Daddy.

"Wow! mukhang masarap ah" -daddy

"Syempre ako naghanda" I confidently said.

Tinawag na din namin si manang Rosa na kasalukuyang nagwawalis sa bakuran para sabayan kaming kumain ng agahan.

"Hmm masarap nga anak" komento ni Mommy.

"In fairness may lasa naman ang fried rice at itlog bes" ani Ylle na sinabayan pa niya ng mahinang tawa.

"Grabe naman" nakangusong sabi ko na kunyari ay nagtatampo.

"Joke lang. Syempre masarap dahil ikaw nagluto"

Napangiti ako. Alam ko namang hindi naman talaga ako magaling magluto kaya naman sobrang natutuwa ako sa unang subok ko.


Pagkatapos naming kumain ay lumabas kami saglit ni Ylle for a walk sa malapit na park para makapagkwentuhan din since paalis na din naman si Mommy para pumasok sa school samantalang si Daddy naman ay makikipaglaro raw ng golf sa mga kaibigan niya.

Ang taray ni Daddy hehe. Sabagay ngayon nalang ulit siya nakakapagrelax since tumatanda na at maayos na ang puso niya. I'm happy actually.

Tumigil kami saglit at umupo sa isang bench sa ilalim isang puno.

"How are you?" biglang tanong ni Ylle. Ramdam ko ang pag-aalala sa mga tanong niya.

"What do you mean? Syempre happy na happy ako". Sagot ko.

"Allea got married last year" she commented out of nowhere while looking straight at me.

Tumango ako. "Yeah, I know" mahina kong tugon.

"How? I never told you that" nagtatakang tanong niya.

"I am stalking her social media accounts paminsan-minsan".

"Why? Are you hoping to get some update about Sean?" Medyo gulat na react ng kaibigan.

Hindi na ako sumagot. Sa halip ay nagpakawala nalang ako ng isang malalim na buntong hininga.

"Hindi pa rin sila nagkatuluyan ni Sean after what she did to you"

"H'wag na natin siyang pag-usapan, Ylle. I already forgave her".

"You're too kind bes. I'm proud"

Ngumiti ako. "Thank you".

Pagkauwi namin galing park ay nagpasama ako kay Ylle sa isang Car Dealer store. Balak kong bumili ng sasakyan since we don't own one. I also want to surprise my parents with it.

I picked a brand new black coupe car type because I like its simplicity. Pagkatapos mareview ang mga documents ay pinayagan na kaming e-test drive ang sasakyan. Since hindi pa ako marunong magmaneho, ipinaubaya ko na ang lahat sa kaibigan.

Maayos naman ang sasakyan, so after ng test drive ay binayaran ko na agad ng cash iyon.


Gulat na gulat sila Mommy nang makita ang nakaparadang kotse sa harapan ng bahay.

"kaninong sasakyan ito?" nagtatakang tanong ni Mommy.

"Atin po Mommy" sagot ko.

"Anak........"

"Para hindi na po kayo mahirapan mag abang ng tricycle or taxi, tsaka makakapagroad trip na tayo kahit saan without hassle".

"Salamat, anak" ani Daddy. He borrowed
the key at pinaandar ang engine ng sasakyan.

"Chill nalang po kayo Mommy, Daddy. I'll spoil you on everything from now on". pagkasabi ay isa-isa ko silang nilapitan at niyakap.

I have a big dream for them and I can't wait to make that all happen, especially that I have now enough savings and stable job.

I am also planning to open a bakeshop since Mommy do love baking din naman. She can stop working as a teacher para magfocus nalang sila ni Daddy sa negosyo.

At the end of the day, I really wants nothing but the best for them. I'm looking forward to a day where we will worry nothing and we'll just enjoy life - travel, eat, and relax.

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon