Ayaw kong magkulong na naman sa kwarto kaya naman naisipan kong pasyalan si Ylle sa bahay nila. I just needed someone na makikinig sa akin sa mga oras na ito. I am not yet ready to open up kila Mommy at Daddy. Ayaw ko ng dumagdag pa sa mga alalahanin nila. I don't want them to worry, I just wanted to see them happy.
I wore my sunglasses and hoodie para hindi mahalata nila Mommy ang namamagang mga mata ko habang nagpapaalam akong lumabas.
Nagtaxi na naman akong umalis at nagpahatid sa condo unit niya.
After she graduated in college ay lumipat na siya ng condo and started to live alone and independent.
She immediately opened the door nang magdoorbell ako. Agad ko siyang niyakap nang iluwa siya ng pinto.
"What's wrong?" nag-aalala ngunit naguguluhan niyang tanong.
"He hates me so much" saad ko.
"Who? Si Sean?"
Hindi na ako sumagot, sa halip ay napahagulgol na lamang ako ng iyak.
"It's okay. You deserve someone who is more better"
"Mahal ko pa siya, Ylle"
"I know. Healing takes time and for sure, makakalimutan mo din siya".
Pumiglas na ako sa pagkakayakap sa kanya makalipas ang ilang minuto. Pinaupo niya ako sa couch at saka kumuha ng tubig at pinainom sa akin.
"I'm sorry" she said
"For what?"
"For bringing you to the club and for letting them to take care of you instead of me"
"it's okay"
"Kung alam ko lang sana na si Sean ang tinutukoy na pinsan ni Aron sana hindi na kita sinama sa club"
"Don't feel guilty, Ylle. Wala kang kasalanan".
Nang masiguradong medyo kumalma na ako ay inilabas niya mula sa kwarto ang laptop niya at saka inopen ang kanyang Netflix account.
"Mag Netflix and chill nalang muna tayo ngayon bes. Ang daming magandang Korean series ngayon and I'm sure makakatulong 'to sa'yo to feel better".
Tumayo siya at nag prepare ng popcorn for us to eat while watching.
Napangiti nalang ako kahit na napipilitan lang. Tama nga ang desisyon kong puntahan ang kaibigan for she always make an effort to feel me better.
Hanapan kita ka blind date bes" she said as she put down the bowl of popcorn on the table in front of us.
Nagulat ako sa sinabi niyang iyon.
"Huh? a-ano bang sinasabi mo?"
"Malay mo naman, bes, isa sa mga ka-blind date mo ang true love"
"Ylle......."
"Kita mo naman diba? Masaya na si Sean ngayon, and you can't stay like this. Kailangan mo ding sumaya, Kianna".
"But ......."
"Ang kailangan mo nalang kay Sean ngayon ay closure, bes. I'm also mad for the way he treated you now without knowing what was actually happened. Moving on is such a difficult thing to handle, but Kianna..........6 years has passed. Open your heart with someone else"
At some point, tama siya. Masaya na si Sean ngayon. he deserves Samantha a lot. Maybe, we are not really meant for each other, but I do still love him. A lot.
Hindi na Lang ako sumagot gaya ng lagi kong ginagawa kapag may ipinipilit siyang bagay sa akin. Besides, dalawang buwan lang naman ako dito sa Pilipinas.
I hurt Sean a lot, and I deserve the pain I am feeling right now.
I am still in the process of moving on, but why do I met him again? And worst is, he hates me so much that my heart is being ripped everytime he looked into my eyes."Tara shot?" biglang sabi ni Ylle na ikinagulat ko na naman ulit.
"Huh?"
"Para makalimot ka"
Umiling ako. Okay na ako sa popcorn at Netflix! I can't really handle alcohol, and I know it can't help.
In fairness, nakatulong naman talaga ang comfort at presence ng bestfriend ko para gumaan ang pakiramdam ko. Pasado alas singko ng hapon ay nagpaalam na ako sa kaibigan para umuwi.
Dumaan ako sa eskwelahan kung saan nagtuturo si Mommy. Balak kong sumabay sa kanya pauwi because daddy will pick her up also.
"O anak ba't nandito ka? Kagagaling mo lang ba kay Ylle?" Medyo gulat na tanong ni Mommy nang makita ako.
"Opo" I answered.
Tapos na ang klase ni Mommy. Kalalabas lang ng mga students niya at kaming dalawa nalang ang natira sa classroom.
Maya-maya pa ay pumasok si Ma'am Locsin, my mom's co-teacher na nasa around 50s na yata ang edad. She was once became my teacher noong nag-aral ako ng grade 1 sa paaralang ito bago ako tinransfer nina Mommy at Daddy sa private school."Naku! Nandito pala ang magandang balikbayan" nakangiting bungad niya nang makita ako. Nahihiya akong tumugon din ng ngiti at pagbati.
"Magandang hapon po ma'am Locsin, kamusta po?"
"Aba at talagang naalala mo talaga ako a?" Natutuwa niyang sabi.
"Syempre naman po, you're one of my favorite teacher po dito noon".
"Naku nakakakilig naman". Mahina siyang tumawa at saka bumaling kay mommy.
"Talaga namang napakaayos ng pagpapallaki niyo sa kanya ma'am Castro".
Tumawa si mommy. I can tell how proud she was at the moment.
"Nga pala ma'am Locsin, ang engineer po ba na hinihintay natin dumating na?" Biglang tanong ni Mommy.
"Wala pa nga din e. Iyon din sana ang sasabihin ko kaya pumunta ako dito na baka raw madedelay ng kunti "
"Ah, sige po ma'am Locsin". Mommy responded.
Umalis na din si ma'am Locsin pagkalipas ng ilang minuto.
"You were expecting a visitor pala mommy?"
"Ah, oo" sagot nito saka tumayo at inayos ang mga nagkalat na textbook at papel sa mesa niya. "Ipapagawa kasi ulit ang construction ng bagong canteen at magpapatayo na din ng science laboratory. Ang engineer na pamangkin kasi ng principal ay nangakong magdedesign and supervise the building of new canteen and laboratory, at nangako na din siya na sasagutin lahat ng materials at kakailanganin para maisagawa ang mga plano"
"wow! " Bulalas ko.
"Kaya i-memeet namin siya today" dagdag ni Mommy.
Makalipas ang halos sampung minuto ay pinasundo na si mommy para pumunta sa principal's office dahil dumating na ang engineer na pamangkin ng principal.
I decided to go outside my mom's classroom at maghintay na lamang sa lobby ng school. Alam kong medyo matatagalan si mommy kaya nilibang ko na lamang ang sarili sa pakikipagkwentuhan sa school guard.
◉‿◉

BINABASA MO ANG
Still You
RomanceFinance manager Kianna Gaiyel works for a well-known jewelry business in South Korea. Growing up, she only focused on her studies and her desire to recover all of her family's assets, particularly their property, which had been removed from the bank...