Narating namin Filoil Flying V Centre pagkatapos ng halos isang oras na biyahe dahil sa traffic.
Marahan akong hinila ni Ylle papasok ng sporting arena. Mabuti nalang at hindi siksikan ang mga tao kaya madali kaming nakahanap ng mauupuan sa unahan.
Sean and his teammates are now warming up for the match. Nakita kami ni Sean at agad kaming nginitian. I didn't responded unlike how Ylle waved to him. Naalala ko pa rin ang nakita ko sa rooftop kanina.
"Gooooo!!! Sean!!!!!!!" sigaw ng isang babae malapit sa kinauupuan namin. Sabay kaming napalingon ni Ylle sa pinanggalingan ng sigaw at halos sabay rin kaming napaismid nang makita kung sino ang babae. It's Allea, and she's holding a banner pa.
"Bes, end of the world na ba?" Pasaring ni Ylle. Sinadya niyang lakasan ang boses para marinig iyon ni Allea.
Siniko ko ang kaibigan. "Hayaan mo na"
"Okay, sige. Baka kasi huling sigaw niya na yan" patuloy na pagpaparinig niya.
Napatigil si Allea at namumulang tumingin sa amin. Ylle then fakely smiled at her na lalong nagpapula sa pisngi niya dahil sa inis.
"Hoy ikaw babaeng singkit na feeling koryana, iniinsulto mo ba ako?" baling niya Kay Ylle.
"Hindi ako feeling koryana kasi mukhang koryana naman talaga ako kasi MAGANDA AKO!"
Pinigilan kong hindi matawa. I love Ylle's confidence right now.
"You wish!!" inis na sabi ni Allea
"Wait bes, may kausap ba tayo?" baling sa akin ng kaibigan.
"Parang wala yata" sakay ko na rin sa trip
niya."Diba? Pag nag-uusap kasi ang mga tao, huwag sasabad ang...........ano na nga bes?"
"Garbage? I think?"
Pigil tawa kaming dalawa. Inis na tumayo si Allea at sa halip ay lumipat na lamang ng pwesto malayo sa amin.
Nag appear-sign kaming dalawa pagkatapos naming mainis si Allea.
Ilang sandali pa ay nagsimula na ang laban kaya mas lalong naging maingay ang arena. Halos mabasag ang eardrums ko dahil sa hiyawan ng mga manonood kaya naman kinuha ko ang earphones sa bulsa ng bag ko at sinuot iyon.
Agad na nagpalitan ng puntos ang bawat team pero mukhang minamalas yata si Sean ngayon dahil laging sablay ang mga shots niya.
Napasulyap ako sa scoreboard nang matapos ang first quarter. Lamang ang kalabang eskwelahan ng tatlong puntos. Halos hindi na mapakali si Ylle while keeps on uttering her prayers na sana manalo sila Sean. Kunot noo ko siyang siniko "Relax ka lang pwede ba? Daig mo pa ang nakipagpustahan" sabi ko habang tinatanggal ang suot na earphones at ibinalik sa loob ng bag
"Kasi naman baka matalo tayo. Tsaka ang babe mo 2 points lang"
Mahina ko siyang hinampas ng kamay sa braso.
"Stop it! baka may makarinig sayo jan"
Nagulat kaming pareho ng biglang tumunog ang buzzer hudyat for second quarter. Umayos kaming pareho ng upo.
Lalong gumana ang offensive skills ng kalaban samantalang panay pa rin ang sablay ng mga three-point shots at lay-ups ni Sean. Natapos ang first half na limang puntos lang ang naiambag ni Sean sa team. 17 points na ngayon ang lamang ng kalaban.
What is happening to him? Our University's ace player is having trouble in making a points!
"Look Kianna, mukhang pinapagalitan yata ni coach si Sean" puna ni Ylle.
Tumingin ako sa gawi ng mga players. Mukhang galit na galit ang coach basi sa nakarehistrong facial expression nito.
"Unang laban pa lang naman ah, dami pang chance makabawi kung matalo sila ngayon" sabi ko. Tumango naman si Ylle bilang pagsang-ayon sa akin.
Nagsimula na ulit ang match at mukhang gumana naman ang sermon sa kanya ng coach dahil agad siyang naka shoot. Sunod-sunod and steals na nangyari at sure basket na tira ng iba pang ka-team ni Sean kaya naman bago matapos ang third quarter ay balik nalang sa tatlo ang lamang ng kalaban.
Uminit ang offensive skills ni Sean pagsapit ng fourth quarter, kaya naman nabuhayan kami ni Ylle, este si Ylle lang pala dahil siya lang naman ang mahilig sa basketball sa aming dalawa.
Sa unang pagkakataon ay nakalamang ang team ng University namin nang maagaw ni Sean ang bola mula sa kalaban at inassist iyon sa isang kasamahan na nakaabang malapit sa ring at ibinuslo iyon.
"What a nice assist from Evans!" sigaw ng commentator ng game.
Malapit na maubos ang oras for final quarter at lamang na sila Sean ng 2 points ngayon. 10 seconds left at si Sean ang may hawak ng bola. Ang goal ay ishoshoot ang bola or papatayin nalang ang oras since seconds nalang ang natitira at sure win na.
6 seconds left nang biglang maagaw ng isa sa mga player ng kalaban ang bola na hawak ni Sean. Nagtuloy tuloy itong tumawid sa kabilang court at itinira sa half court.
"3-2-1 bang!!!!!!!!" intense na sigaw ulit ng commentator. Napapikit kami ni Ylle. Narinig nalang namin ang maingay na hiyawan ng mga tao. Nang imulat namin ang mga mata ay lamang na ng isa sa scoreboard ang kalaban at panalo na sila.
Pati ako ay tumayo ring nanghihina ang tuhod. Halos mangiyak-ngiyak din si Ylle dahil sa pagkahinayang.
Hinanap ng mga mata ko si Sean at nasa gitna pa siya ng court ngayon at nakahiga. Nadapa pala siya habang hinahabol ang umagaw ng bola sa kanya.
"May ubo ba sa utak ang mga kasamahan ni Sean?"
Napalingon ako kay Ylle dahil sa sinabi
niya. "Kita na nila na nadapa ang baby mo hindi pa talaga nila tinulungan""Huwag ka na ngang ma-stress d'yan" Sabi ko saka tinapik ang balikat niya.
"Nakakainis kasi eh, talo na nga. Tulungan mo nalang kaya doon bes"
"Gagi. Dapa lang yan. Kaya niya yan!" I chuckled.
Maya-maya pa ay tumayo na si Sean at matamlay na pumunta sa kinaroroonan ng mga kasamahan at uminom ng tubig.
"See?" saad ko kay Ylle.
"Proud future girlfriend yarn?"
"Gagi!" I snobbed.
"Hays tara na nga" aya niya sa akin saka hinawakan ako sa kamay.
Tumango ako at sumunod na sa kanya sa exit.
Paglabas namin sa arena ay pasado 6:30 na ng gabi.
"Want an isaw date with me?" biglang aya
ni Ylle.Medyo nag ke-crave nga ako sa isaw kaya tamang tama.
"Sure" nakangiting sabi ko
"Let's goooo"
Nagsimula na kaming maglakad-lakad para humanap ng pwesto ng nagtitinda ng isaw.
Sa wakas ay nakakita din kami sa hindi kalayuan.
"Rich kid ka ba talaga Ylle?" naisipan
kong tanong sa kanya habang sinasawsaw ang hawak na isaw sa sauce."Bakit? Porket mayaman dapat hindi na
kumakain ng ordinaring pagkain?"."Sabagay". Saad ko.
"Alam mo kasi bes, I wanted to live a normal life, kaya nga sa public school ako nag-aral no'ng high school e. Ayaw ko mag buhay prinsesa duhhhh"
Pareho kaming tumawa.
Ylle is very pure, a true one. Hindi ko kayang masira ang pagkakaibigang meron kami. Simula first year college ay ipinakita na niya ang side niyang ito sa akin at araw-araw din akong nagpapasalamat na siya ang kaibigan ko. We've been friends for almost three years, yet it feels like we've known one other for much longer. The bond we have grows
stronger with each passing day. Kung hindi nga lang ako straight ay malamang jinowa ko na siya.Pagkatapos naming kumain ng isaw at iba pang street foods ay naghiwalay na rin kami para umuwi.
BINABASA MO ANG
Still You
RomanceFinance manager Kianna Gaiyel works for a well-known jewelry business in South Korea. Growing up, she only focused on her studies and her desire to recover all of her family's assets, particularly their property, which had been removed from the bank...