CHAPTER 21

65 7 1
                                    

Sobrang bigat ng ulo ko ng  magising ako.  Napahilot ako sa aking sintido saka muling ipinikit ang mga mata. First time sa buong buhay na uminom ako ng alcohol. Nagsisisi ako dahil sa ginawa ko.

Maya-maya pa ay iminulat ko na ng tuluyan ang mga mata ko. Halos mapatalon ako sa gulat nang mapagtantong wala ako sa kwarto ko. I was in a very unfamiliar room. Mabilis kong sinipat  ang sarili ko.

Shuta!!!! I am now wearing an oversized shirt na hanggang tuhod ko lang. Mabilis akong napatalon sa kamang kinahihigaan ko. Agad kong kinapa ang aking damit panloob.

Thank God! I am still wearing them.

Kinabahan ako. Where am I? Who's clothes am I wearing right now? Sigurado akong I'm not in Ylle's place.

Tumayo ako at naglakad patungo sa pinto para sumilip.

Hindi naman siguro ako na-hostage diba?

"Gising ka na pala?"

Nagulat ako dahil sa boses ng isang babae. Napalingon ako sa pinanggalingan nito at nakita ko ang maganda at maaliwalas na mukha ni Samantha.

Nakangiti siya sa akin habang bitbit ang isang laundry basket na agad din naman niyang ibinaba. Mukhang kagagaling lang niya sa laundry area.

Bakit ba nandito ako? Wala akong maalala.

"You must be shocked. You're in our place, Kianna. You passed out kagabi dahil sa alcohol na na-consume mo"

Isang tango ang isinagot ko bago ako nagsalita. "Where's my clothes?"

"I washed it. Napuno kasi ng suka mo kagabi kaya pinalitan na kita. By the way, you're wearing my boyfriend's shirt. Kanina lang kasi naihatid ang mga gamit ko galing mansion eh. Kakamove lang din kasi namin dito sa condo kahapon, then it happened na saktong damit lang ang nadala ko."

So, they are living together? Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa paninikip nito. "Are you okay?" nag-aalalang tanong niya nang mapansin akong nakahawak sa sariling dibdib.

"Ah... oo.. Salamat nga pala at sorry for the inconvenience" nahihiya kong sabi.

"Don't worry about it" she smiled.

She's too good. She and Sean both deserved each other pero nasasaktan ako.

"How about Ylle?" naisipan ko nalang na itanong.

"Ah...Inihatid siya ni Aron. Sorry" she paused then continue after a while. "Ako na kasi nag-insist na ihatid ka sa inyo, which is ayaw pa nga sana ni Ylle. You both don't have a car last night and I thought it would be better if kami nalang maghatid sayo. Kaya lang we don't know your house. We forgot to ask Ylle kaya dinala ka nalang namin dito"

"Nakakahiya" mahina kong sabi.

"Okay lang Kianna, Don't feel bad. Nga pala, here's your bag". pagkasabi ay dinampot niya ang bag ko na nakapatong sa couch. Agad ko itong tinanggap at mabilis na kinuha ang phone sa loob.

OMG! lowbatt pa ako.

"Can I borrow your charger?" nahihiyang sabi ko ulit.

"Sure. Give me your phone and I'll charge it" she said.

Ibinigay ko naman ito. Pumasok siya sa room at lumabas din agad.

"I already plugged it on charge"

"Salamat ulit"

"Nakakailang pasalamat ka na ah? As I said okay lang"

Nwala ako sa pukos ng bigla kong makita si Sean. Muntik ko ng makalimutan na nasa loob ako  ng pamamahay niya. He was wearing a sando with apron on. Looks like he was from the kitchen.

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon