"Kanina ka pa?"Mabilis akong lumingon sa pinanggalingan ng boses. Sean is standing at my back while waiting for my response.
"Ha? ah hindi naman" sagot ko
After class today ay inantay ko siya sa waiting shed sa labas ng University dahil may usapan kaming magdate ngayon.
Alas dos palang ng hapon at siguradong madami pa kaming magagawa. Magiging busy na kasi kami sa final exam for this term.
He held my hands saka hinila papunta sa car niya.
"Where are we going?" Curious na tanong ko.
Nginitian niya ako saka sumagot "Basta"
"Okay" sang-ayon ko.
Napasandal ako sa kinauupuan nang pinaandar na ni Sean ang sasakyan. Bahagya ko ring ipinikit ang mga mata pero agad ko ring inayos ang sarili nang mapansing nakatingin siya sa akin.
"it's okay, you can rest. Pwede kang matulog muna" mahina ngunit malambing niyang sabi.
"Hindi. Ah okay lang" Medyo nahihiya kong sagot sa kanya.
"Sige na. Gisingin nalang kita mamaya"
Tipid nalang akong tumango. I felt bad. First day namin bilang magjowa ngayon pero tutulogan ko lang siya sa biyahe.
I admit, I was really tired today sa dami ng recitation at quizzes. Sobrang na-drain ang energy at utak ko ngayon. Babawi nalang ako sa susunod. I closed my eyes para matulog muna.
Hindi pa ako tuluyang nakakatulog when I heard Sean's camera clicks and flashes towards my face.
He chuckled. Napamulat ako.
He is now looking at his phone while smiling.
Mabilis kong hinablot ko ang hawak niyang cellphone.
"Mag focus ka sa pagdadrive" sabi ko saka sinaraan siya ng tingin. Tiningnan ko ang phone niya at nakita ko ang haggard na mukha ko sa screen.
Aba at ginawa niya pa talagang wallpaper?
"Huteks ka! Delete this" utos ko
He laughed. "No! You're cute there"
"Gagi ka!"
He then snatched the phone I am holding and gave me a wink.
"heyyyy!" patuloy ko.
"I can't delete this baby. Sorry" pagmamatigas niya saka nagpakawala ng mahinang tawa.
"Sendan nalang kita ng ibang picture, 'yong cute ako" sabi ko, wishing that he would listen and delete that ugly stolen picture of mine on his phone.
"Mas cute ka kaya dito"
"tskkkk" umismid ako. "Give me your phone" I ordered.
"Why? ededelete mo ang picture?"
"Hindi, buing ka"
"lisahan mo ata ako e. No! You can't delete this picture"
"Hindi nga" giit ko.
"Sure yan ah?"
Tumango ako.
"here" sabay abot sa akin ng phone. Kinuha ko iyon sa kamay niya at inopen ang camera. "Let's take a picture"
Bahagya kong inilapit ang mukha sa kanya saka ngumiti. "smile".
It's our first picture together kaya naman sinigurado kong maganda ang hitsura namin.
Pagkatapos niyon ay ibinalik ko na sa kanya ang phone. Halata namang kinikilig si Sean the way he look and smile at me. llang minuto pa ay huminto na ang sasakyan.
"Okay, we're here" anunsiyo niya.
Sumilip ako sa window glass ng sasakyan. We are in the parking right now and I could see different kinds of rides outside such as Bumper cars, Ferris wheels, carousels, and roller coasters.
"Amusement Park?" saad ko.
"Yeah. let's go" masigla niyang sabi habang tinatanggal ang seatbelt at mabilis na lumabas ng sasakyan para pagbuksan ako ng pinto.
Hinawakan niya ako sa kamay at nagsimulang maglakad-lakad. I was amazed sa mga nakikita ko. Medyo matagal tagal na rin palang hindi ako nakakapunta ng amusement park.
"Alam mo ba kung bakit dito kita dinala sa first date natin?" tanong niya.
Umiling ako.
"Actually, nagresearch ako and google says na amusement park could be a parfect place for first date"
"I see"
"Gusto ko kasi ideal for fun ang date natin yet less on pressure".
Napangiti ako, I can't help it. This kind of date is I really want too. I don't like those fancy dates just like what other couples do. I like it, simple lang pero masaya.
Hinila niya ako sa ferris wheel.
"Sakay tayo?" aya niya.
"Sure" sang-ayon ko.
We are still holding each other's hand nang makasakay na kami sa loob dahil medyo makitid ang sitting arrangement, while enjoying the beautiful view from the top.
"Do you know who discovered the ferris wheel?" he asked habang pinipisil pisil ang mga palad ko.
"Ofcourse. It's George Washington Gale Ferris" mabilis at confident na sagot ko.
"Oh no!"
"Why? Akala mo ba hindi ko alam?" natatawa kong sabi.
"My bad! nakalimutan kong top student ka" natatawa niyang sabi.
"Basic" pagmamayabang ko.
Pagkatapos namin sa ferris wheel ay niyaya niya naman akong sumakay sa roller coaster.
"G ka sa roller coaster?" He asked
Umiling ako. "No. Hindi ko yata kayang sumakay sa roller coaster, baka mamatay ako"
"Okay wag nalang. Ayaw ko pang mamatay ang prinsesa ko" he chuckled. Napangiti naman ako sa narinig. Kilig yarn?
Our next stop is the entertaining games like the relaxing arcade games which we could have a chance to win a prize as a memory of our date.
We tried first the claw crane games pero kanina pa kami nag ta-try at wala pa din kaming napapanalunang stuffed toy.
"Hirap naman nito. Ibibili nalang kita" saad niya.
Kunwari'y nagtatampo ako kaya ngumuso ako. Mas memorable pa din talaga kasi kapag pinaghirapang makuha ang isang bagay, katulad na lamang ng stuffed toy na mapapanalunan namin.
Napansin niya ang facial expression ko.
"Okay, last try nalang" aniya.On his last try, naka-tsamba rin siya. Dahil sa excitement ay napasigaw kaming pareho.
He got a cute donkey stuffed toy. He handed it to me at agad ko itong tinanggap ng nakangiti.
"Thank you!"
Iniangat ko ang toy ka-level sa mukha niya saka sinipat ang itsura niya at ng donkey.
His brows furrowed. "What are you doing?"
I laughed. "Cute. Magkamukha kayo ng donkey
" Mabuti. Just hug that little thing kapag namimiss mo ako"
"Okay. I will".
Pagkatapos naming maglaro ng iba pang arcade games ay bumili kami ng ice cream. Tamang tama at mahilig si Sean dito.
"Let's go back here kapag hindi na ulit tayo busy" he said. Tumango naman ako at nginitian siya.
Malapit na mag alas sais ng gabi kaya naman nagdesisyon na kaming umuwi.
Our first date ended with a smile in our hearts. I couldn't forget this day for it's one of the memorable and happy moments of my life with the man I love.
BINABASA MO ANG
Still You
RomanceFinance manager Kianna Gaiyel works for a well-known jewelry business in South Korea. Growing up, she only focused on her studies and her desire to recover all of her family's assets, particularly their property, which had been removed from the bank...