Fiesta themed ang birthday party na inorganize ng bestfriend ko for her daughter's first birthday, that's why I am wearing a pink pretty floral design dress today. In fairness, gandang ganda naman ako sa sarili ko nang humarap ako sa salamin kanina.
Kinakabahan akong pumasok sa event's hall kung saan gaganapin ang first birthday ng inaanak kong si Mara, anak ng bestfriend kong si Kianna. Bitbit-bitbit ko sa kaliwang kamay ang regalo ko sa inaanak.
Last month ay umuwi sila dito ng asawa niyang si Sean galing Korea to celebrate Mara's first birthday in the country. My bestfriend is planning to quit her job at Korea and settle here in the Philippines. Sa taas ng qualifications niya, for sure ay madaming oportunidad ang naghihintay sa kanya dito. Ito namang si Sean base sa kwento ng kaibigan ay sobrang daming project na iaasikaso dito sa Pilipinas and abroad.
Mas lalo akong kinabahan ng mamataan si Aron, my ex MU, na kausap si Sean at Kianna. It's more than one year na rin no'ng huli kaming nagkita sa kasal din ng bestfriend ko.
Huteks Yan! Kung hindi dahil sa bestfriend ko ay hinding hindi ako pupunta. Ayaw kong makaharap si Aron. Umiinit ang ulo ko at nanggigigil ako sa inis. Ewan ko ba bakit ako pa ang kinakabahan ngayon when in fact, siya dapat ang nagiguilty dahil sa ginawa niyang pagpapaasa sa akin.
"Ylle!" Tawag sa akin ni Kianna. She waved her hands at me na ginantihan ko naman ng isang matamis na ngiti.
Oo, as in sobrang tamis na ngiti. Iyong ngiting makakapagtulala kay Aron! Pakiramdam ko ay hindi naman ako nabigo dahil napansin kong saglit na napako ang tingin niya sa akin. Aba dapat lang!Assume na naman si ako.
Hinding-hindi ko makalimutan when I caught him kissing another woman in the club. Walang hiya! Ako dapat hinalikan niya e! Sayang naman, sana ninakawan niya man lang ako ng halik. Hayop!
Ofcourse I confronted him, pero pinagmukha niya lang sa akin na wala akong karapatan. Hindi naman kami. He said that we don't have a romantic relationship with each other. Ni hindi niya nga pala ako niligawan. Tanga lang! Araw-araw kami nagtetext no'n. May pa goodmorning at goodnight text pa, plus asking each other kung kumain na tapos wala naman pala lahat ng iyon. Totoong madalas kaming lumalabas kami noon para pag-usapan ang mga matters regarding sa pinapagawa kong rest house sa tagaytay na siya ang architect, pero parang date din naman ang nangyayari ah. Alagang-alaga niya ako and I does really feel that he cares for me. Sayang oras at effort ko. Putangina lang! Na-attached na ako sobra tas wala lang pala yun.I severed my connection with him as soon as he had planned, developed, and implemented my rest house designs in accordance with my preferences, as well as compiled feasibility reports, assessed environmental impact, created project proposals, estimated costs, established timelines, and managed the building process. I did, of course, finish a job with him.
No'ng kasal na nga ulit si Kianna at Sean kami nagkita, tapos ngayon dahil magpinsan sila ni Sean. Ang nakakatawa pa ay ako ang bride's maid and siya ang best man. He tried to talk to me at the wedding day, but I didn't allowed that to happen. Para saan pa? Sa tuwing lalapit siya sa akin ay ako na mismo ang umaalis. I pretended I didn't noticed him. Hindi ko nga alam bakit ako nakaramdam ng kaba e.
Nang makalapit sa kanila ay agad kong niyakap ang bestfriend ko, at binati si Sean , samantalang sinadya kong hindi pansinin si Aron. Nilabanan ko ang kabang kanina pa nararamdaman habang papunta ako rito. Hindi pwedeng kabahan ako. Kailangang magmukha akong hindi apektado sa nangyari sa amin. Besides, matagal na din namang nangyari iyon. Sa ganda ko ba namang ito ay hindi dapat na maghabol ako. Ano siya gold?!
Pero hayop! Bakit ang gwapo ni Aron ngayon? Makalaglag panty, walang hiya! He was just wearing ang plain navy blue polo shirt and a black trouser. Shit! Pogi! Pakiss nga! Fafable talaga.
"Ylle, saglit nalang late ka na" si Kianna.
Ngumiti ako, then I slightly flip my hair. For wala lang. Gusto ko lang magbida-bida today.
"Syempre, nagpapahuli talaga ang mga magaganda" sagot ko.
Natawa si Kianna at Sean, samantalang narinig kong tumikhim si Aron. Napatingin ako sa kanya. He was looking at me na wari'y pinipigilan ang sarili na mapangiti. I hissed out of irritation, then rolled my eyes at him. Kahit poging pogi ako sa'yo architect Galvez, hindi nabawasan ang inis ko sayo!
Nagulat ako ng bigla akong tinapik ni Kianna saka binulungan.
"Ano ka ba naman. You act like a child" aniya habang nakangiti ng nakakaloka. Napasimangot ako sa narinig. Kumunot ang noo ko ng makitang pigil ngiti pa rin si Aron. Walang hiya talaga! Hayop.
"Asan nga pala si Mara?" tanong ko nalang sa kaibigan.
"Na kay Mommy" sagot ni Kianna. "Nagwala kasi kanina at kay mommy lang gustong magpakarga"
Inabot ko ang dalang gift bag sa kaibigan. "Ito nga pala ang regalo ko kay Mara". I said as I passed the bag I am holding.
"Thank you ninang Ylle". -Kianna.
Maya-maya pa ay umupo na kami. Saglit pa kaming nagkwentuhan ni Kianna, samantalang ganoon din ang ginagawa ng magpinsan na sina Sean at Aron.
Nagpaalam saglit si Kianna para kunin si Mara kay tita dahil malapit na magsimula ang party.
I looked around and searched the area with my eyes. Maya't-maya ang dating ng mga bisita. Napalingon ako sa likuran ko and I saw Aron sitting at my back. He looked away when I caught him staring at me. Anong tinitingin-tingin ng hayop na 'to sa akin?! My brows furrowed until I noticed na umalis si Sean para salubungin ang mga bisita sa entrance.
"Bakit mo ako tinitingnan kanina, architect Galvez?" Malditang tanong ko sa lalaki para muling agawin ang atensyon niya. Napangiti siya sa sinabi ko na kinainisan ko naman.
"Are you sure that I was looking at you?" Nakangiti pa rin niyang tanong.
"Yes. I caught you!"
"You're still assuming huh!" the smile on his face becomes wider.
Napangaga ako sa narinig. Biglang uminit ang mukha ko sa pagkapahiya.
"W-what did you say?!" inis at nahihiya ko ng saad sa kanya.
"Nothing" . He bit his lower lips to stop himself from smiling.
Seriously?! Tinawag niya akong assuming! Bwesit na 'to! Oo, nag assume ako noon, but it's his fault too because he showed me that he's also interested in me. Hindi ako makapaniwala na napahiya ako ng ganito sa harapan niya. Gusto kong matunaw. Sana pala nanahimik nalang ako! Shuta!!!!
I moved myself to rest myself from my previous position, facing the stage, when he spoke.
"Kumusta ka na?" he said in a soft and deep voice. Muli akong napabaling sa kanya. My heart began to pound irratically when our eyes meet.
Siya ang unang bumawi ng tingin. Tumikhim siya and give me a little smile. "I mean, how's the rest house?"
I exhaled, then rolled my eyes at him again. Bwesit! Akala ko naman ako ang kinukumusta. Napasimangot ako as I answered his question. "Fine, ofcourse!"
"Good to hear that" sagot niya.
Tuluyan ko na nga siyang tinalikuran at itinuon na lamang ang pansin sa phone ko. Bakit ba kasi ang tagal ni Kianna, naiinip na ako.
Ilang minuto ang lumipas ay nagulat ako ng maramdaman si Aron sa tabi ko.
Anong ginagawa niya? Bakit siya lumipat?
Napatingin ako sa kanya, and our eyes meet once again.
"Ylle..."
Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko nang marinig ang malumanay na pagtawag niya sa pangalan ko. I felt like I was being hypnotized with his gazes. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. I suddenly became out of words to say at the moment.
"I haven't kissed anyone." he added.
I'm speechless!
BINABASA MO ANG
Still You
RomanceFinance manager Kianna Gaiyel works for a well-known jewelry business in South Korea. Growing up, she only focused on her studies and her desire to recover all of her family's assets, particularly their property, which had been removed from the bank...