Nagulat ako sa mabilis na kamay na humila sa akin patabi. Sobrang bilis ng pangyayari. Nanginginig ang mga tuhod ko dahil sa pagkagulat. Napasubsob ako sa malapad na dibdib ng taong tumulong sa akin at halos naririnig ko na ang kalabog niyon.
Napakafamiliar ng eksenang ito sa akin.
"Miss okay ka lang?" boses ito ng lalaking tumulong sa akin.
Bigla akong nanlamig nang marinig ang pamilyar na boses niya.
Nakahawak pa rin siya sa akin habang ako'y sabog pa rin ang mga buhok na nakatakip sa mukha habang nakasubsob sa dibdib niya.
"Miss?!" ulit nito.
I'm now sure. Ito na nga ang boses ng lalaking kinakatakutan kong makaharap. Itinaas ko ang mukha at nagtama ang mga mata namin.
Tama ako. It's Sean!
Biglang lumuwang ang pagkakahawak niya sa akin. Hindi ko alam ang gagawin.
Kagabi ko pa siya gustong yakapin because I missed him so much. Dahan-dahan siyang dumistansiya sa akin.
Nasasaktan ako.
Napa-atras ako. Nagdesisyon na lamang akong tumalikod na at magsimulang humakbang palayo pero bigla siyang nagsalita na siyang nakapagpatigil sa akin.
"Aren't you going to say 'thank you' to me for saving your life?" damang-dama ko ang bigat sa mga boses niya. Hinarap ko siya habang pilit na pinipigilan ang pagpatak ng mga luha ko.
"te-thank you" tipid na sabi ko.
"Thank you lang? Yan lang ba ang kaya mong sabihin?
"huh?"
Natigilan ako. What else does he wants to hear from me?
"Hindi ka pa rin nagbabago Ms. Castro"He said as he started to move closer to me.
"A-aalis na ako" taranta kong sabi.
"You're still the Kianna I know 6 years ago. The selfish and prideful Kianna"
"What do you mean?"
He smirked. "Why? Affected ka? Totoo naman diba? Sarili mo lang ang inisip mo when you played with my feelings. Hindi mo inisip na may masasaktan ka".
Nasasaktan ako sa mga narinig. I can't stop the tears running in my face at the moment. Si Sean nga ba na kilala ko at minahal ko ang lalaking nasa harapan ko ngayon na sinusumbatan ako dahil sa nagawa ko 6 years ago?
"Why are you crying?"
"Do you hate me?"
"Yes. It is what you want, right? To hate you, and I did"
Pinunas ko ang mga luha sa pisnge ko. Ganito pala ang pakiramdam na marinig ang masasakit na salita mula sa taong mahal mo.
"Do you still have feelings for me?" Hindi ko na napag-isipang tanong sa kanya.
Bahagya siyang natawa sa sinabi ko. "Why? You still wish I have? You don't even deserve all the love that I gave you in the past"
Masakit sa akin ang mga narinig but I guess he was right, I don't deserve the love he showed me.
Napatigil ako saglit. Napalunok at bahagyang inangat ang tingin sa kanya.
"Yun naman pala e, wala ka naman palang nararamdaman para sa akin, bakit sobrang affected mo pa rin sa nakaraan?"
Ngumiwi siya sa sinabi ko. "Affected? Who? Ako?
"Oo! Ikaw!" sigaw ko.
"No. You're wrong! I don't have feelings for you. I hate you to be exact"
"Why did you help me then? If you hate me, why don't you just let me die?"
"You think I will let people die in the same way my brother died? I will still save you even I hate you because I don't want to punish myself again because of guilt. I'm not like you, Kianna"
Napapikit na lamang ako. Naninikip na ang dibdib ko.
"Bakit hindi ka makapagsalita ngayon? ipagtanggol mo naman ang sarili mo sa akin" dagdag pa niya.
"You've changed"
"Well, you changed me"
With those words, mas lalong bumigat ang nararamdaman ko.
"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Isumbat mo na ang gusto mong isumbat. Makikinig ako at tanggapin ko lahat ng iyon"
Napangiwi siya dahil sa sinabi ko. "H'wag mo akong iiyak-iyakan Kianna"
"Why are you acting this way? It occurred six years ago; can't we just get over it?"
"I already moved on. Sa tingin mo ba gano'n ka kahirap kalimutan?"
"So stop it! Masaya ka na ngayon Sean, so why are you still doing this? I'm in pain since the day I decided to break up with you. What else do you want? Kung alam mo lang ang mga naranasan kong sakripisyo Sean".
Napaupo ako sa kinatatayuan ko at nakayukong umiyak.
"What do you mean?" Sa wakas ay mukhang natauhan siya sa sinabi ko. "What do you mean sacrifice?"
Ayaw ko ng magsalita pa. I am really feeling guilty. He can't forgive me, and I guess I deserved it, pero sobrang sakit.
Dahan-dahan akong tumayo pagkatapos ng halos 3 minutong pagkakaupo.
"Please be happy Sean" pagkasabi ay mabilis na akong tumalikod at patakbong naglakad palayo. Hindi ko na kaya ang presensiya niya- it's torturing me. Ayaw ko na ding magsalita pa to defend myself.
Nang mapagtantong nakakalayo na ako sa kanya ay saktong may dumaang taxi. Sumakay ako at sa pagkakataong ito ay hindi ko na napigilang mapahagulhol. Wala akong pake sa sasabihin at iisipin ng driver.
Nang makarating ako sa bahay, I pretended nothing happened. I confirmed Ylle's alibi kila mommy na sa kanila ako natulog. Pagkatapos ay pumasok na ako sa room ko.
Hindi ko na napigilan ang pag-agos ng mga luha ko. Pinakawalan ko na ang mga luhang kanina pa gustong pumakawala sa mga mata ko.
I cried and cried hanggang sa napagod na ako at nakatulog.
Hapon na ng magising ako. Ramdam na ramdam ko ang bigat ng ulo at talukap ng mga mata ko pero kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.
Ilang sandali pa ay may nakita akong maliit na kahon sa gilid ng closet ko. Tumayo ako at kinuha ang kahon. Ngayon ko lang napansin ang box na ito, and I'm curious sa kung ano man ang nasa loob nito.
Dahan dahan ko itong binuksan.
A stuffed toy! A cute little donkey!
The donkey that we won in the arcade games on our first date. I remember every detail of our first date. I remember how happy I was at that time. I remember him saying to just hug this little thing whenever I miss him. My bad! I didn't carry this cute little donkey when I went to Korea.
Natagpuan ko na lamang ang sarili kong yakap yakap ang stuffed toy habang tumutulo ulit ang mga luha.
BINABASA MO ANG
Still You
RomanceFinance manager Kianna Gaiyel works for a well-known jewelry business in South Korea. Growing up, she only focused on her studies and her desire to recover all of her family's assets, particularly their property, which had been removed from the bank...