CHAPTER 09

64 9 1
                                    

Nagising ako sa ring ng phone ko this morning. My eyes were still heavy. Dinampot ko ang phone ko at tiningnan kung sino ang tumatawag, and it's Ylle. I picked it up at pinatong sa tenga ko saka muling ipinikit ang mga mata.

"Are you still sleeping?" tanong niya sa kabilang linya

Hindi ko  sinagot ang tanong niya. Papaanong tulog ako kung kausap ko na siya? hayss

"Why?" balik na tanong ko.

"Sorry for yesterday ha?"

"No worries"

"Sayang! I wanted to treat you an ice cream sana na pinipilahan sa SM kahapon"

"It's okay . Natikman na din naman namin kahapon"

"Oh really? with Sean?"

"Yeah"

"Himala ata " natatawa niyang sabi.

"Ha?"

"Pumayag ka mag ice cream kasama siya?"

"Not really a big deal, tsaka sinamahan ko lang ang tao"

"Sinamahan? To where? ikaw ha "

Bumangon ako at umupo sa kama.

"Death anniversary ng kapatid niya kahapon. Sinamahan ko siya sa memorial"

"OMG!!!! ackkkkk" patiling sigaw niya. Inilayo ko sa tenga ang hawak na cellphone.

"Hey babae tumigil ka nga!! May balak ka bang basahin ang eardrums ko?" bulyaw ko.

"Good sign 'to".

"Well, I have something to say"

"Go ahead"

"I think......"  I stopped. Hindi ko alam kung tama ba na sabihin ko sa kanya.

"ano na? pakibilisan naman ang tsismis" naiinip na sabi ni Ylle.

"Feeling ko ano..."

"huteks ka! Huwag mo nga akong bitinin. Sabihin mo na"

"I think I'm already fall for him"

"ackkkkkkkkkkkkkkkkk" muling tili niya. "Sureness ba?"

"tingin ko"

"omg! Dadayuhin kita sa bahay niyo now na. Makipag chikahan ako sayo XD"

"gagi?"

"otw na ako. Now na! hahah" she then ended the call. What the? Seryoso ba talaga siya?

Lumipas pa ang 30 minutes ay kinatok na ako ni Mommy. Pagbukas ko ay nakasunod na sa kanya si Ylle. Nakapambahay lang din ang suot niya, mukhang nagmadali talagang sumugod sa bahay. Agad siyang pumasok sa room ko at komportableng umupo sa bed.

"lumipad ka bang pumunta dito?"

"Yes. Pinalipad ko ang car kay kuya kanor just to listen to the latest chika hahaha" aniya.

"pasaway ka!"

"So true nga?"

Naiilang akong tumango.

"OMG!" akma siyang sisigaw ulit ng bigla kong tinakpan agad ng palad ang bunganga niya.

"stop it. Marinig ka nila mommy"

Tinanggal niya ang palad ko sa bunganga niya. "okay, hehehe sorry" bulong niya. "So, when did you realized that you completely fall for his charm?"

"I confirmed it kahapon"

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon