Chapter 2 : It Follows

3.4K 71 6
                                    

Gabi,

Panay ang patugtog ni Hazel habang nag-aayos ng gamit. Sa isang kwarto sa boarding house lang siya tutuloy tulad ng gusto ng mommy.

You can take everything I have,
You can break everything I am,
Like I'm made of glass...
Like I'm made of paper...

Favorite niya ang Skyscraper. Hindi siya nagsasawa kahit ilang beses na niya ito pinapatugtog.

Mas mabuti na rin na magboboard lang siya para madali silang magkausap ni Carol.

"Hello... Mindy"

"Hi. Ano, kamusta ka naman Haze??"

"Adjusting... pero medyo ayos naman."

"Don't worry, we'll find a way para makapagbond uli tayo."

"Naku, sa sobrang layo nito,baka mainis ka lang.l."

Biglang narinig ni Hazel ang tahol ng isang aso sa tapat ng kwarto niya.

"Ahh, Mind, let's just talk tomorrow. I'll gonna fix my things right now... bye"

Pagkababa ni Hazel ng telepono, dumungaw siya sa bintana para tingnan ito.

Hawak-hawak niya ang kurtina habang masusing pinagmamasdan ang aso sa pagtahol nito. Hindi pa naman siya sanay na may maingay, lalo na kung aso.

Panay tahol ito sa damuhan. Tila may tao roon kaya ganoon nalang ito tumahol. Kitang-kita niya ang dog tag nito. Maya-maya pa'y tinungo na ng aso ang damuhan at nagsimula na itong tumahimik nang lamunin ng dilim.

Isang gabi na tahimik ang naranasan niya pagkatapos. Sobra siyang nahimbing sa pagtulog kaya parang late na siya nagising.

Narinig niyang panay sermon ang tita Gracia niya.

"Tanya, linisin mo yan ha?? Ano ba naman tong mga lasenggo rito... gagawa ng hindi maganda tapos magkakalat pa dito."

Lumabas siya para alamin kung ano ang nangyari. Nagulat siya nang makita sa damuhan ang isang asong wakwak ang katawan. Putol ang ulo na nakalabas pa ang dila habang ang lama'y tila na dedecompose na. Kitang-kita na ang ilang mga buto.

Aalis na sana siya nang mapansin niya ang isang berdeng dog tag. Iyon ang dog tag na nakita niya kagabi sa aso na tahol ng tahol.

"Madalas yang mga lasenggo talaga... naku... papatay pero hindi naman kakain" sabi ni Aling Tanya habang nililinis ito. Napatingin pa ito pagkatapos na dahilan ng pagpasok niya.

"Maaga ako ngayon Hazel sa munisipyo dahil kailangan ko nang magrenew ng permit ng boarding house"

"Ahh, sige ho tita..."

"Ingat ho kayo" sabi ni Carol.

Nagka-usap sila Carol tungkol sa isa't-isa. Namalan ni Hazel na matalino pala si Carol. Palabasa ng aklat. Kabalikataran sa mga gawain niya ang mga ginagawa nito. Hindi ito mahilig sa mga sayawan na gustong-gusto naman niya.

Kahit na marami silang pinagkakaiba, magaan parin ang tungo nila sa bawat isa.

"Alam mo, dapat siguro gumawa ka ng fb account. Maramingmag-add friend sayo sigurado ako."

"Wala kasi akong time para sa mga ganyan."

"Don't worry,ako ang gagawa."

"Talaga? Salamat."

___________________________________________

AUTHOR'S NOTE:

Nag-uumpisa na kayang pumatay ang killer at yung aso ang unang biktima?

Alamin sa mga susunod na mga chapter kung sino ang prospect ni Hazel...

Please comment, vote, or follow me...

Thank you for reading!! :) :)

Until next time...

ManiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon