Chapter 23 : On the Edge

1.8K 43 0
                                    

Mabilis na pinasok ni Hazel ang kwarto ni Rocky. Alam niyang sa sitwasyon nila ngayon ay kailangan nilang mag-ingat.

Hingal na hingal na inabutan ni Hazel si Rocky habang nakatingal sa may ceiling.

"Rocky! Ano yun??" sabi niya pero hindi ito umiimik. Bagkus, nakatingala lang ito za may ceiling. Naramdaman niya ang pagtama ng elesi ng ceiling fan sa lubid. Biglang may nahulog at bumulagta sa harapan nila. Walang iba kundi si...

Aling Daring!

Duguan at puno ng kalmot sa mukha. May pasa rin sa ilang parte ng katawan nito. Bakas sa leeg niya ang pulang guhit. Bumaon dito ang lubid dahil sa sobrang higpit ng pagkakatali. Binitay si Aling Daring ng isang taong hindi nila namalayan.

Kahit ang mga ilang kasama nito ay hindi rin nakapansin.

Ilang minuto pa at di na mahulugang karayom sa kanila dahil sa dami ng tao. Hindi makapaniwala ang lahat sa sinapit ni Aling Daring.

Bukas na ang uwi ng tita Gracia niya pero hindi na yata siya makakatagal pa sa lugar na iyon. Gusti na sana niyang umuwi sa Maynila.

Ang kapitan na mismo ang nagpaalis sa mga tsismoso at tsismosa sa kanila.

Maganda sana ang tulog nina Carol nang malimpungatan sila sa ingay ng tao.

Nag-uunat pa siyang napaatras sa inilalabas na bangkay ng mga pulis. Agad namang nagtanong sina Carol sa nangyari. Wala pang laman ang sikmura nila eh ito na agad ang bumungad sa kanila.

Kung sa bagay, hindi na siya nasanay. Pero iba naman kasi ang nangyari ngayon. Sa loob na nangyari yung krimen. Buti na nga lang at hindi si Rocky yung napagdikitahan ng killer na yun.

Halos walang kibuan silang lahat sa mga nangyari kagabi. Pati narin yung hindi inaasahang patayan sa loob pa mismo nila. Marahil ang iinisip ng ilan sa kanila ay tama. Tama na isa sa kanila ang maniac. May dahilan nanaman si Hazel para mambintang.
Umaasa silang may makukuha silang footprints. Pero tanging kay Aling Daring lang ang nakuha ng mga pulis. Kahit mga bakas man lang sa katawan ng biktima ay may mahanap silang fingerprints. Kung sino man ang pumapatay ay magaling siya dahil wala paring nakita ang tumingin sa bangkay ni Aling Daring.

Naghain na si Aling Tanya para sa lahat. Ipinagluto din nito ang mga pulis na dito na inabutan ng tanghalian. Panay ang tanong sa kanila ng mga ito na siya namang sinasagot nila base sa nangyari.
Hindi tuloy maiwasang mapakamot ng ulo ang isang sikat na pulis sa lugar nila. Isang beses pa lamang itong umamin na mahihirapang lutasin ang krimen na namgyari dahil kadalasan ay nagyayabang ito. Agad din naman nitong nahuhuli ang killer kaya nagtataka ngayon si Aling Tanya.
Strategy lang kaya ito nila o talagang parang may nakabitay paring question marks sa ulo ng mga ito?

Mabilis na nagpaalam ang mga ito pagkatapos kumain. Inalok nito si Aling Tanya para maghugas ng pinggan dahil mukhang nahiya ang mga ito pero umayaw naman si Aling Tanya at nagsabing kaya na daw niya ito.

Nagpasalamat nalang ang mga ito at nangakong magbabantay sila sa bahay.

Kung sa bagay, mahirap na baka may mangyari uli sa isa sa kanila. Medyo kasi isolated ang kinatitirikan ng boarding house. Alam naman na basta sa probinsya eh!

Eh sa lugar nila, ang layo pa nila sa probinsya talaga. Hindi siya masyadong sanay manirahan doon dahil laking Maynila siya. Doon siya sa Manila unang nagkacrush, nakatanggap ng love letters galing sa mga unknown stalkers niya, at doon rin siya unang na brokenhearted. Ganon din naman si Carol at mga kaibigan niya. Kung pwede nga lang siya bumalik roon sa Manila. Pero ilang araw nalang at makakauwi na si Tita Gracia at mommy niya. Bukod kasi sa nagkasakit ang momny niya ay nalaman nilang nanganak ang mommy niya. Noong una ay parang ayaw niyang maniwala na may kapatid na siya. Hanggang sa maalala niya na minsan ay may ipinakilala itong boyfriend sa kanya. Mabait naman tulad ng namayapang daddy niya. Nakikita niya ang daddy niya rito kaya ayos lang sa kanya. Kaya pala noon ay may tila kakaiba sa tiyan ng mommy, ayaw lang niyang tanungin kung buntis nga ito. Sa probinsya daw ito bibinyagan ang kanyang little brother na siya ang nag-isip ng pangalan. "Andreas".

Naiisip niya kung gaano ka-cute ito. Excited na siyang makita ito.

Hapon, wala sina Brent, Mindy, at Rocky. Nag-ikot sila. Mahilig kasi ang mga ito sa lakwatsa kaya kahit na delikado, tuloy pa rin. Ito na ang kanyang pagkakataon para maghanap ng ebidensya sa crime scene. Lumipat na nga pala ng kwarto si Rocky dahil sa nangyari.

Dahan-dahan siyang nakapasok. Inikot niya ang paningin. Wala naman siyang makita na kakaiba rito tulad ng mga pulis na tumulong. Hanggang sa may tumulong patak ng tubig sa mukha niya. Mula ito sa kisame. Tumingala siya. Mabilis na pumatak nanaman ito at sa mata na niya pa mismo. Kinuskos niya ito hanggang sa makakita uli. Bumungad naman sa kanya si Aling Daring na nakalabas ang dila at bakas sa leeg ang pulang marka na dahil sa pmahigpit na pagkakatali.Nakalutang ito sa hangin at duguan. Lumalapit ito sa kanya samantalang siya ay napapapikit. Ilang tuldok nalang ang layo ng mga mukha nila nang dilaan nito ang mukha niya. Nanginginig siya sa takot at diri. Naramdaman niyang wala na ito kaya napabukas siya ng mga mata pero halos mapasigaw siya sa pinakataas niyang kaya nang makitang siya na ang nakabitay sa ceiling at nagpupumiglas sa pagkasakal habang tila idinuduyan ni Aling Daring na panay ang tulak sa mga paa niya.

______________________________________
A/N:

Malapit ng matapos itong kwento, so meaning malapit nyo naring malaman kung sino ang tunay na Maniac!!

Muling magbabalik ang mga ebidensya na magtuturo sa tunay na killer! Maraming salamat sa sumuporta nito, sa mga nag-add sa RL nila, sobra po akong nagpapasalamat sa mga bumasa nito. Sana po ay suportahan nyo rin ang huling dalawang kabanata nito.

:) :) Paki vote and comment po...
Hanggang sa huli!! :)

ManiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon