Gabi, nakahanda na si Hazel sa pagmasid kay Carol. Ito na ang pinakahihintay niyang pagkakataon para makumpirma na siya nga talaga ang killer na gumagala.
Pasilip-silip siya sa bintana. Nag- aabang ng tiyempo. Pero hindi niya akalain kung sino ang makikita niya sa labas... si Rocky at Brent.
Kailangang matulog na sila kundi, mahuhuli siya. Dapat ay mahuli niya sa akto ang killer na walang nakakapansin sa kanya.
Panay ang isip niya nang biglang pumasok na sa loob si Rocky. Naiwan si Brent na tila malalim ang iniisiip tulad niya.
Kung siya ang tatanungin, magiging sagabal lang si Brent sa paghahanap niya sa killer. Bukod sa hindi siya maka-concentrate eh naiilang pa talaga siya hanggang ngayon. Matagal na silang wala pero pakiramdam nila parang kahapon palang.
Paano ba naman kasi, noong sila eh sobrang sweet nila. Hindi nga sila mapaghiwalay eh. Para silang kape at asukal. Talagang hindi inaasahan yug naging split nila noon. Hindi inasahan ng ibang tao na aabot sila sa ganoong sitwasyon. Nakakalungkot man, pero ganoon talaga ang buhay.
Nakaisip na siya ng magandang plano. Pero kailangan niya ng kapal ng mukha para magtagumpay ito.
Eksaktong nilalagnat si Mindy kaya nabuo niya ang planong ito.
Bumaba siya at binalita ang kondisyon. Agad namang pumasok sa loob si Brent. Napamasid siya rito habang paakyat. Alam niyang si Mindy na ang pumalit sa kanya.
Nagpalingon-lingon na si Hazel. Hinahanap niya si Carol pero wala ito. Humangin na ng malakas. Mukhang maginaw na rin. Pero kailangan niyang gawin ito.
Sinabi na niya ito kay Aling Tanya. Ilang segundo pa at nakita na niya si Carol. Naglalakad ito palayo sa kanya. Mabilis siyang napakilos para sumunod.
Hindi niya inaalis ang tingin sa kaibigan. Ayaw niyang mawala ito sa paniningin niya.
Pero hindi niya inaasahan kung saan siya nito dinala. Sa isang masukal na lugar sila napadpad ni Carol. Humiga ito sa putikan na labis niyang ikinagulat.
Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Baka isa itong trick ni Carol. Hindi niya alam kung anong panganib ang nag-aabang sa kanya kung lalapitan niya ito.
Lumalakas ang paghinga niya. Palim ng palalim ito. Kasabay nito ang panginginig ng kamay at paa niya. Napagpasyahan niyang lumapit kay Carol. Dahan-dahan.Unti-unti. Pero palalim ang hinga niya.
Sobrang lapit na niya nang bigla siyang hinawakan ni Carol sa kanyang kamay. Sobrang gulat niya nang mangyari ito.
Napasigaw siya ng malakas pero wala namang reaksyon si Carol. Hindi lang talaga ito bumibitaw.Sadyang nakakapit lang ito.
Maya-maya pa at tila hinahabol na ni Carol ang hininga niya. Lumublob kasi siya sa putikan na hanggang tuhod ang tubig na may halong putik. Tila nalulunod na si Carol kaya hinila niya ito pero sadyang mabigat ito. Nahirapan siya sa paghila kay Carol.
Nailigtas naman niya si Carol pero tila may isang bagay siya na napansin siya kay Carol ngayon. At hindi niya akalaing ganoon ang kaibigan niya...
____________________________________________________________
Author's Note: Ano naman kaya ang natukalasan niya kay Carol? At si Carol na kaya ang killer na hinahanap ni Hazel? Alamin sa susunod na chapter ang lihim ni Carol!!
Sorry guys at medyo natagalan ang pag-UD nitong Maniac. Sobra kasing nabusy sa school. Nag-elimination kasi sa course nammin kaya kinailangan kong magprepare para maapagpattuloy sa pnili kong kurso...
Salamat sa pagbasa guys... Paki- vote naman at comment.
Hanggang sa muli... Salamat uli ha readers? This is all for today! Adios!
BINABASA MO ANG
Maniac
Mystery / ThrillerIsang baliw ang suspek sa likod ng 'di matigil na patayan gabi-gabi sa Manila. At ngayong umuwi si Hazel ng probinsya, tila sinusundan siya nito. Nag-umpisa na ang patayan simula nang umuwi siya. Isang baliw rin ang nakikikain kina Hazel gabi-gabi...
