Chapter 24 : One Step To Hell

1.7K 40 0
                                        

Nagpupumilit siyang makawala. Panay ang hila niya sa tali na tila bumabaon na sa leeg niya. Kulang nalang ay may lumabas na dugo mula rito. Wala naman siyang magawa. Napahinto si Aling Daring sa kaka-kanta sa kanya ng isang lullaby. Napatawa ito ng malakas. Hindi ito tumuitigil kahit na sumisigaw na siya at humihingi ng tulong. Mabuti nalang at nahulog siya dahil sa pagkaputol ng tali.

Dahan-dahan na siyang napabangon. Mukhang takipsilim na. Nakatulog na pala siya nang saglit. May kadiliman sa buong kwarto. Naramdaman niyang may nakatingin sa kanya sa kanyang bandang likuran. Unti-unti niya itong nilingon at nakita ang tatay ni Rina, isa sa mga nabiktima ng killer.

Parang awa mo na... tulungan mo kami, tulungan mo kami...

Mangiyak-ngiyak ito. Natahimik siya sa halong takot at awa. Hanggang sa lakas-loob siyang napasagot.

Layuan niyo na ako!! Layuan nyo ko!! mabilis niyang sambit at nawala ang tatay ni Rina sa dilim pero bumigat ang pakiramdam niya. Doon palang niya nakita na tila may mga ilang nakahawak sa paa niya. Lahat sila ay naging biktima ng krimen. Sa takot ay napa-igsiw siya hanggang sa matumba. Nawala naman ang mga ito pero naramdaman niyang ang kanyang kanang kamay na gusto siyang sakalin.

Para itong may sariling buhay. Pinigilan niya ito gamit ang isang kamay pero mas malakas ito. Hanggang sa magring ang cellphone niya at bigla itong natigil. Agad niya itong kinapa at kinuha sa kanyang bulsa saka sinagot ang isang tawag na hindi niya alam kung kanino galing.

Hello?? Sino to??

Natigilan siya nang magsalita ito.

Nakalimutan mo na ba ako?? Ha?? ate Hazel??

Sino ka nga sabi eh??

Ako to, ang anak ni Aling Tanya!!

Ikaw si...

Yes, Trixie is my name... hindi ba naglalaro tayo noon ng tagu-taguan?? Gusto mo laro tayo uli ate?? Ako ang taya, hahanapin na kita... ngayon na!!

Nataranta bigla si Hazel. Hindi niya alam ang gagawin habang bumibilang ang bata at sabay tawa pa. Binuksan niya ang ilaw pagkatapos ng bilang sampu. Pero tumahimik ang lugar.

Biglang tumunog ang cellphone niya na bigla niyang nabitawan kanina. Isang multimedia ang narecieve niya. Binuksan niya ito agad. Tumambad sa kanya ang bangkay ni Trixie. Papalapit ang screen sa bangkay nang biglang tumunog muli ang cellphone niya na nagnotify sa kanya na may bagong post na picture si Carol. Mabilis niya itong binuksan sa computer niya sa kanyang kwarto. Naglog-in siya ng mabilis at sinilip ang post . Laging gulat niya nang makita ang isang bangkay. Kung hindi siya nagkakamali ay iyon ang huling naging biktima ng killer.

Tumingin sa kawalan si Hazel. Napisip siya. Dapat ba siyang magduda uli sa post na to o hindi? Ayaw na sana niyang mambintang sa kahit na sino dahil lagi nalang siyang palpak pero lumalabas parin ang curiosity niya sa post na iyon.

Naalala niya bigla sina Carol. Sinilip niya ang phone at tiningnan kung may text galing kina Mindy pero wala naman. Maya-maya pa at naramdaman niyang may tila papasok ng pinto. Dahan-dahan siyang tumayo at sinilip kung sino ang dumating.
______________________________________
A/N:
Ang susunod na chapter ay panghuli na po. Sana ay suportahan ninyo ito hanggang sa huli!

Sino kaya ang dumating? Siya na kaya ang killer na matagal na hinahanap ni Hazel??
Abangan ang buong katotohanan ng misteryong pumatay sa inyong katinuan at bubuhay sa inyonh kabaliwan...

:) :)

UNTIL THE LAST CHAPTER MY DEAR READERS!!

ManiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon