Chapter 11 : Collector of Death

1.9K 50 0
                                    

"Sorry ha... nandito na kasi ako sa mommy mo, sabi nya sunduin ko na lang raw siya, para pagdating ko dyan kasama ko na siya" sabi ng tita Gracia niya.

Tumawag ito para sabihing hindi pa ito makakauwi dahil bumisita na ito sa mommy niya at hinihintay nalang itong matapos para sabay na silang makauwi.

Ilang sandali pa at dumating na ang inaasahang bisita ni Carol.

Nagulat si Hazel nang ipakilala siya nito dito.

"Mind??" saad niya.

"Hazel?? ikaw??" sabi nito.

"Magkakilala kayo??" sabi ni Carol.

"Ano ka ba, sya yung friend na sinasabi ko sayo..."

"Pinsan mo??" sabi ni Hazel.

"Ah... oo" sagot ni Mindy.

"Tingnan mo nga ang buhay o..." sabi ni Carol.

Iniikot nina Carol sina Mindy at ang dalawang kaibigan pa nito, si Rocky at ang ex-boyfriend ni Hazel na si Brent.

Sa kwarto nalang ni Carol, tutuloy si Mindy at may tag-iisang kwarto kina Rocky at Brent.

Gabi, naliligo si Mindy habang nagpapahangin naman sa labas sina Brent. Maya-maya pa at tila gustong lumabas ni Carol. Palingon-lingon ito. Parang may tinatago. Ilang saglit pa at mabilis na siyang nakalabas ng kwarto.

Ang hindi niya alam, ay sinusubaybayan siya ni Hazel. Naiwan ni Carol na bukas ang laptop niya.

Napaupo si Hazel at tiningnan ito. Nakalog-in ito sa fb account ni Carol. Tiningnan niya ang mga posts ni Carol.

Nagulat siya nang makita ang mga photos. Mga litrato ito ng mga naging biktima at mukhang sariling kuha pa.

"Carol..." saad ni Mindy na tila palabas na ng banyo sa kwarto nila.

Agad na kumilos si Hazel at nakalabas naman siya ng tahimik.

Patuloy siyang nag-iisip habang papasok sa kwarto.

Paano kaya nagkaroon ng mga picture si Carol sa mga nabibiktima ng gumagalang killer?? At bakit nya pino-post ang mga ito sa fb account niya?

Natigil ang pag-iisip niya nang makarinig siya ng isang katok. Natigilan siya agad.

Baka si Carol na ito. Nakita niya sigurong tiningnan ko ang laptop niya. Baka siya nga ang killer.

Nanginginig na binuksan ni Hazel ang pinto.

Lakas-loob niyang hinarap kung sino man iyon pero wala siyang nakita.

"Aling Mila?? Kayo ho ba yan??" saad niya.

Biglang sumulpot si Aling Mila mula sa kanyang likuran.

"Sorry... ikaw gulat ako..."

"Naguguluhan na ho ako Aling Mila... sabihin nyo na ho kung sino ang pumapatay..."

"Ako hindi pwede sabi sayo totoo... basta ikaw dapat ingat rito kasi patay tao dito lang mo kita..."

Natulala si Hazel. Lumalaki talaga ang tsansa na si Carol talaga ang killer.

Kailangang mas maging alerto pa siya sa paligid niya. Kailangan nyang bantayan ang mga kilos ni Carol.

"Gusto nyo ho bang kumain??"

"Ano inyo ulam?? Ako di pa rin kain eh..."

"Halika ho... samahan ko ho sa kusina"

Nauna na si Aling Mila sa kusina, samantala ay nasilip siya sa labas sa konting ingay na narinig niya.

Bagaman madilim, naaaninag niya ang isang isang batang lalaki. Mukhang nasa pito o walong gulang na ito.

Maya-maya pa at tila isang napalaking aso ang tumalon sa harapan nito. Kung hindi man ito hayop parang isang nakayukong tao. Ilang saglit pa at umalis na ito.

Napatras siya at nagulat siya nang bumunggo siya kay Carol na nagmamasid pala sa ginagawa niya.

___________________________________________

AUTHOR'S NOTE:

Ano sa tingin nyo?? Si Carol nga ba ang totoong killer??

At bakit nga ba lumalabas din siya paggabi?? At saan nya nakuha ang mga pino-post niya sa fb??

Feel free to comment or vote...

Salamat sa pagbasa guys...

Thank you nga rin pala sa mga nag-add nito sa mga reading list nila.

Until next time....

ManiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon