Sabay-sabay na silang kumain. Masarap ang hinandang almusal ni Aling Tanya. Longganisa at tocino. May kasama pa itong itlog.
"Kaya kayo ha Hazel. Mag-iingat kayo... Tanya, ilo-lock mo yung pinto sa gabi Ok??" sabi ni Tita Gracia.
"Opo..." tipid na sagot ni Aling Tanya habang nilalagyan ng tubig ang baso ni Carol.
"Ahh, Tita Gracia..." sabi ni Carol
"Bakit Carol??"
"Kasi ho, ahh... gusto sanang dumalaw ng pinsan ko rito saka dalawa niyang kaibigan."
"Ok lang naman basta wag lang mag-ingay ha Carol."
"Oho, may project lang ho sila na gagawin yata sa probinsya kaya naisipan niyang dito na lang po magstay. Summer class."
"O siya, sige."
"Salamat ho."
"O, Hazel punta muna ako kina Daring ha... kung gusto nyong pumunta, nandoon lang ako"
"Sige po tita." sagot ni Hazel.
"Aalis rin ako Hazel."
"San ka pupunta??"
"Ahh... sa school, kailangang makapag-enroll na ako ngayon."
"Gusto mo samahan na kita??"
"Hindi na, ok lang ako..."
"Sige, ingat..."
"Sige..."
Naiwan si Hazel sa boarding house.
May tinitingnan siya sa kanyang phone nang may marinig siyang ingay sa kusina.
Nakita niya si Aling Tanya na nagluluto. Parang dinugan yata. Marahil ito ang ulan mamaya.
Naamoy na niya ito. Sa totoo lang ay nagutom talaga siya rito. May itinapon na nakaplastic itong si Aling Tanya.
Madali siyang sinundan ni Hazel. Agad niya itong inusisa. Nakahanap siya ng isang dog tag na kulay blue.
Nabitawan ko ito na nahulog sa bakal na basurahan. Agad itong nakakuha ng atensyon ni Aling Tanya. Naramdaman kong papalapit na siya kaya agad akong tumakbo paalis.
"Nagkakarne siya ng aso??" halos masuka ako sa aking isip.
Papalapit siya. Inikot ko ang mga mata ko at nagsimulang mag-isip kung ano ang aking idadahilan.
"Hazel??"
"Ha?? Aling Tanya?? Ano ho yon??" sabi ko na kunwari ay hindi ko siya nakita kanina.
"Kanina ka pa ba?? May kailangan ka??"
"Ah, kararating ko lang. papunta sana akong banyo kasi naiihi ako..."
"Ahh, ihahatid ko tong ulam kina Ate Gracia."
"Sige ho"
Pagkatapos makaalis ni Alimg Tanya, nilapitan ko agad ang lutong dinugan niya.
Mabango ito kaya napatikim ako ng konti.
Masarap ito. Pwede na ata siyang magtayo ng restaurant. Pero halos mapatili ako nang makakita ako ng dagang gumulat sa akin.
Pareho kaming napatakbo palayo.
Isinara ko ang pinto ng aking kwarto. Napatingin ako sa kama at tila tinatawag niya ako. Kaya naman, napag-isipan kong matulog muna. Niyakap ko ang unan ko at dahan-dahang humiga sa kama sabay pikit ng dalawang mata.
Isang babaeng magulo ang buhok, puti ang damit bagama't duguan ito. May makina siyang dala na halatang ginawa lang niya. Ang mga mata nito'y butones.
Niyakap niya ako at may binulong. Mahina ito kaya hindi ko naintindihan. Maya-maya pa at kinagat niya ang leeg ko bilang tugon. Baliw. Ilang bese ko na itong napanaginipan pero hindi ko pa alam ang kahulugan.
____________________________________________
AUTHOR'S NOTE:
Dinugan?? Kakain ka ba?? O baka gusto mo MILK TEA nalang??
joke lang guys :) :)
Si Aling Tanya na kaya ang hinahanap na maniac ni Hazel??
Abangan sa mga susunod na mga chapters...
Please comment, vote, or follow me.
Hope you read the next chapter !!
BINABASA MO ANG
Maniac
Misterio / SuspensoIsang baliw ang suspek sa likod ng 'di matigil na patayan gabi-gabi sa Manila. At ngayong umuwi si Hazel ng probinsya, tila sinusundan siya nito. Nag-umpisa na ang patayan simula nang umuwi siya. Isang baliw rin ang nakikikain kina Hazel gabi-gabi...
