Chapter 25 : True Lies, Lying Truth

2.1K 39 1
                                    

Napasilip si Hazel kung sino ang dumating. Hindi niya akalaing si Carol ang makikita niya. Duguan ito at may hawak na kutsilyo kaya agad siyang kumilos.

"Tama ang hinala ko, ikaw... ikaw nga..." sigaw ni Hazel na napatras.

"Nagkakamali ka... hindi ako... hindi ako ang killer..." saad ni Carol.

"Wala ka ng ligtas..." sabi ni Hazel sabay tatakbo sana paalis ngunit biglang may tila nakapatid sa kanya. Paa. Natulala siya. May dugo rin na nagkalat sa sahig.

"Aling Tanya?" Halos masuka siya nang makita si Aling Tanya na duguan sa ilalim ng kama.

"Wag kang lalapit!!Wag kang lalapit" sabi niya na kahit nakaupo ay napaatras.

"Wala akong kasalanan... wala akong pinapatay..." ani Carol pero nagpatuloy sa pagtakbo si Hazel palabas ng boarding house.

Isang sigaw naman ang narinig sa paligid ng makita ni Mindy ang duguang bangkay ni Rocky.

Napaatras naman si Hazel nang makita si Mindy at kung anong nakakgimbal na bagay ang sumalubong sa kanya.

Agad rin namang dumating si Carol sa eksena.

"Siya!!Siya ang pumatay sa kanilang lahat!!" saad ni Hazel. Kaya natulala at nabigla si Mindy. Hindi niya akalain na ang pinsan niya ang may kagagawan ng lahat. Nalunok niya ang kanyang laway. Nagsisimula na siyang manginig. Naghahalo na ang kaniyang emosyon.

Hinahabol naman ni Hazel ang kanyang paghinga nang muling mmagsalita si Carol.

"Tulungan nyo ko! Hinahabol niya ako!!" saad ni Carol.

"Hinding-hindi na ako maniniwala sa lahat ng sasabihin mo!! Pano mo nagawa samin ito" saad ni Mindy

"Maniwala ka! Gusto nya kong patayin!!Tayong lahat!!" ani Carol.

"Ang sabihin mo papatayin mo kaming lahat!!"

"Wala na tayong oras... kailangan na nating umalis dito..."

"Ikaw! Ikaw ang aalis dito... kailangang magbayad ka sa lahat ng nagawa mong kasalanan. Kailangang magbayad ka sa mga napatay mo" saad ni Mindy.

Maya-maya pa at biglang dumating si Brent.

"Brent, siya... siya yung killer..." saad ni Mindy na napahawak sa braso nito.

"Bakit ka may hawak na kutsilyo Carol..." wika ni Brent.

"Obvious ba... siya yung killer!! balak niya kaming isunod tulad ng ginawa niya kay Rocky at kay Aling Tanya..."

"Ano??" Sabay napalingon siya sa bangkay ni Rocky.

"Totoo ba??" sambit ni Brent.

"Hindi totoo ang sinasabi nila... hindi ako yung killer dito..." saad ni Carol na parang natataranta.

"Kung hindi ikaw, bakit ka may hawak na kutsilyo??" saad ni Brent.

"Hinahanap ko kayo kanina... Naligaw ako, nawala ako, nahulog ako sa isang bitag ng isang matanda para sa baboy ramo kaya ako duguan kasi nasugatan ako sa mga kahoy na nilagay niya sa patibong... tinulangan naman ako ng matanda, pero pinatay siya ng killer..." saad ni Carol na sobrang bilis na nagsalita.

"Kung hindi ikaw ang killer... ibaba mo yang kutsilyo at ibagay mo yan sakin..." unti-unti namang ibinaba ni Carol ang kutsilyo saka lumapit si Brent dinampot ito.

"Nakita mo ba yung killer? Sino siya??"

"Hindi ko nakita... medyo madilim na..." sagot ni Carol.

"Nagsisinungaling ka nanaman... hindi mo talaga makikita dahil ikaw yun!!!" galit na sabi ni Mindy.

"Totoo ba yun??" Saad ni Brent pero imbes na sumagot sa tanong niya si Carol eh mabilis na inagaw nito sa kanya ang kutsilyo.

"Wag kayong lalapit!!" saad ni Carol at itinutok ang kutsilyo.

"Sinabi ko na eh!! Lumabas rin ang totoo!!" Sigaw ni Mindy.

Halos walang nakakarinig sa kanila dahil pinagpyepyestahan ng mga taga roon ang bangkay ng isang matandang lalaki.

"Bitiwan mo yan Carol..." pakiusap ni Brent pero napailing si Carol.

"Hindi ko to bibitawan..." sabi ni Carol.

"Hindi mo talaga bibitawan yan ha Carol??!!" Sabi ni Hazel sabay inilabas ang kutsilyo mula sa likuran niya at itinutok sa leeg ni Mindy.

"Ikaw??" Gulat na gulat ang lahat.

"Ako nga at wala ng iba pa!!" Sabay ginilitan sa leeg ni Hazel si Mindy.

Patakbo na sana sina Brent palayo nang ihagis ni Hazel kay Brent ang kutsilyo. Natamaan ito sa may puso.

"Bull's eye!! " napatawa si Hazel.

Napatid si Carol sa isang malaking ugat ng puno. Paupo siyang napaatras habang pasulong sa kanya si Hazel.

"Bakit?? Bakit mo nagawang patayin sila??"

"Bakit?? Kailangan kong sundin yung mga bulong sakin... don't worry, malalaman mo rin yun...Let me first tell you na si Aling Mila yung bumubulong sa akin... sa isip ko...so,for the meantime, may ibubulong ako sayo..." madiin na hinila ni Hazel ang tenga ni Carol at may ibinulong...

After how many months,

Nadakip si Hazel pero mula noon ay lagi na itong nakatulala at hindi na nakakausap. Ligtas naman si Carol. Tumayo siyang testigo laban sa mga krimen na nagawa ni Hazel.

Kahit mahaba-haba na ring panahon ang lumipas, tila ay sariwa pa rin sa alaala niya ang mga nangyari. Ngayon, patuloy siyang lumalaban sa buhay kasama na ang tatay niya.

"Anak, bumili ka nga doon sa tindahan ng kamatis at ng makapagluto na..." sabi ng tatay niya saka mabilis na sumumod sa utos si Carol.

Sa daan niya, biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Isang babaeng may dalang sanggol ang inalok niya ng tulong. Pinasilong niya ito dahil nababasa na ito at parang may tinatakasan yata.

"Tulungan mo ko... may humahabol sakin... samin ng anak ko..." saad nito sabay napatingin siya sa inosenteng sanggol.

Habang naglalakad sila paalis ay napalingon sa likod si Carol at sumenyas na wag maingay...

Naipasa na sa kanya ang mga tila "virus" na mga bulong. Siya na ngayon ang bagong killer at ang babaeng iyon ang una niyang biktima!

The End

_____________________________________

A/N:

Salamat po sa lahat ng oras niyo sa pagbasa ng kwentong ito. Sana po ay nagustuhan niyo kahit hindi po masayadong maganda ang pagkakasulat ko...

^_^ SALAMAT din po ng marami sa mga nag-add sa RL nila pati narin sa mga nag vote...

Sobra ko pong naapprecite ang effort niyo para suportahan itong kwento.

Hanngang sa muling kwento, salamat uli po sa inyo!! :) :)

ManiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon