Gabi na nang magising siya. Agad niyang napansin ang isang note sa dingding.
"Andoon kami kina Aling Daring... nakahain na ang pagkain sa mesa... sinama ko si Carol" sulat ng tita Gracia.
Agad siyang bumaba at kumain. Niligpit niya ang kanyang pinagkainan.
Malalim na ang gabi. Bilog ang buwan at malamig ang hanging dumadampi sa kanyang pisngi.
Bukas ang bintana sa may kusina. Nagulat siya nang makita si Aling Tanya na may kausap na lalake. Parang seryoso ang pinag-uusapan nito.
Hindi niya makita ng lubos ang lalaki dahil nagtatago ito sa dilim.
Umalis na ang lalake bago pa man mauna si Aling Tanya.
Kaya naman mabilis akong lumabas. Pilit kong tinanaw kahit malayo na kung sino ang lalakeng ito.
May lumapit na batang babae rito. Mukhang si Rina ito. Narinig kong tinawag nya itong tatay.
Maya-maya pa'y tuluyan na silang umuwi.
Ako naman, napagdesisyunan kong pumasok na uli at maligo.
Hindi ko akalaing may bathtub pala roon. Akala ko noon, basta probinsya puro tanim, mga kahoy, gawa sa mga nipa ang bahay. Iba pala.
Kakaiba ang boarding house ni Tita. Mura na maayos pa ang tulugan, naka-aircon. Hindi agawan sa banyo dahil bawat floor ay may 4 na cr.
Tumunog ang cellphone ko bago pa man ako makapag-umpisang maligo.
I miss you.
Hindi ko akalaing magtetext si Brent. Matapos kasi kaming magbreak-up ay bagaman naging magkaibigan pa rin kami eh tila unti-unti siyang lumalayo.
Pinatay ko na ang aking phone at nagsimula nang maligo. Binuksan ko ang shower at nahiga sa bathtub.
Malamig ang tubig at hindi ko iyon akalain. Kahit mahapdi na ang mata ko dahil sa sabon, naramdaman ko pa rin na may dumaan.
"Sino yan?? Carol? Tita?? Aling.."
Bigla nalang akong nakarinig ng pagbukas ng pinto-may pumapasok sa bahay.
"Hazel..." sabi ni Carol.
"O, bakit??" sagot ko.
"Nakita mo ba yung phone ko?? Naiwan ko kasi eh, hindi ko maalala kung saan ko naiwan..."
"Check mo sa may tv... parang may nakita ako kanina..."
"Ahh... nakita ko na... salamat Hazel??"
"Tapos na ba yung..."
"Hindi pa, babalik rin ako doon..."
"Ahh... sige, tapusin ko pa ito"
"Una na ko ha??"
"Sige..."
Matapos kong maligo ay dumiretso agad ako sa kwarto.
Naghanap ako ng idadamit. Pagtalikod ko, bigla akong nagulat. Nandito nanaman ang baliw na humingi noon ng pagkain at heto nanaman, humihingi ulit.
Habang busy siya sa pagkain, kinausap ko siya."Hindi ka ba natatakot doon sa killer kapag gabi??"
"Natatakot ako kanya... Mas baliw sya akin no..."
"Anong pangalan mo?? May bahay ka ba?? Saan?? May pamilya ka, anak??"
"Patay na..."
"Eh yung pangalan mo??"
"Ako?? Mila pangalan akin..."
"Ahh... Aling Mila, naniniwala ho ba kayong baliw rin yung killer tulad nyo??"
Sasagot sana si Aling Mila nang may marinig siyang pagbukas ng pinto.
"Tita Gracia..."
"O, si Carol, tulog na ba??"
"Ho??eh hindi ba kasama nyo??"
"Ahh... kanina lang eh nagpaalam siya na uuwi na raw kasi hindi siya sanay sa puyatan..."
"Oho, nandito siya kanina, kinuha yung phone nya tapos bumalik rin..."
"Ano ka ba Hazel... eh sino tong nasa kwarto niya??"
Napapunta ako roon para silipin. Nanlaki ang aking mga paa nang makita kong naroon nga si Carol.
Nagpaalam na si Tita Gracia para matulog at pagkatapos nitong umalis ay binalikan ko si Aling Mila, pero wala na ito.
___________________________________________
AUTHOR'S NOTE :
Isang gabi nanaman ng pagdalaw ni Aling Mila kay Hazel. Siya kaya ang tunay na killer tulad ng pagkaka-deacribe ng mga tao na baliw raw ang mamatay roon? O si Aling Tanya na may tila misteryo ang mga kilos tulad ng hinila ni Hazel?
Feel free to comment or vote. Please follow me guys..
Thank you sa pagbasa nito..
Until next time ...
BINABASA MO ANG
Maniac
Misteri / ThrillerIsang baliw ang suspek sa likod ng 'di matigil na patayan gabi-gabi sa Manila. At ngayong umuwi si Hazel ng probinsya, tila sinusundan siya nito. Nag-umpisa na ang patayan simula nang umuwi siya. Isang baliw rin ang nakikikain kina Hazel gabi-gabi...