Chapter 8 : Offerings

2.2K 48 1
                                    

Madilim ang lugar. Makapal rin ang usok. Tanging ilaw lang ng flashlight na hawak niya ang nagbibigay ng liwanag sa daanan niya.

Napatigil siya nang may makitang babae na nakatalikod. Napatanong siya. Hindi niya alam kung nasaan siya. Kung paano siya napadpad roon.

Malaking palaisipan iyon kaya naman pilit niyang tinatanong ang babae.

Hindi ito sumasagot kaya napalapit na siya. Halos ilang hakbang nalang ang kanyang layo nang maglabas ito ng palakol.

Napalunok siya ng laway dahil doon. Tatakbo na sana siya nang lumingon ito at makitang si Aling Tanya lang pala.

"Ano hong ginagawa natin rito Aling Tanya??"

Pero tila hindi ito umiimik.

Isang tanong pa at pinalakol na siya ni Aling Tanya...

... na nakapagpagising sa kanya mula sa bangungunot.

Maingay na sa labas. Tirik na ang araw kaya napatingin siya sa orasan. 9:30 na pala.

Pagbaba niya, nakita niya si Carol na kumakain.

"Si Aling Tanya??"

"Ahh... andun kina Aling Daring, tumutulong sa pag-aasikaso ng patay"

"Ahh..."

"Ayos ka lang?? May masakit ba sayo?? Gusto mo samahan kita sa ospital??"

"Hindi Carol... may iniisip lang ako"

"Ano naman yun at sobrang lalim naman..."

"Hindi ba sunodsunod na ang patayan dito...alam mo kasi may hinala na kong .."

"Wag mong sabihing pinaghihinalaan mo si Aling..." napalingon-lingon si Carol para masiguradong wala ang pinag-uusapan nila.

"Hindi, kasi napapansin ko lang na ang hilig niya sa karne... parang nitong mga araw nga lagi tayong may stock ng karne...at nakikita ko siyang lumalabas ng gabi ha??"

"Sus... wag ka ngang OA... baka naman favorite lang ng tao yung karne..."

"Ay siya nga pala, baka ma-delay yata ng dating yung pinsan ko at friends niya kasi may inaasikaso pa kasi eh... "

"Ayos lang..."

"At saka, bago ko makalimutan... may inatake nanaman pala kagabi si Maniac"

"Maniac??"

"Maniac... baliw... sira-ulo, may sayad... yung mga ganun..."

"Ano ba yun??"

"Kawawa naman yung mag-ina... at saka yung anak ha, mag-iisang taon palang... wakwakin ba naman ang tiyan, tanggalan ng puso tapos binali pa yata ang leeg at mga kamay nito... wala pang mata yung bata..."

Napawalk-out si Hazel sa mga narinig. Gimbal na gimbal na talaga siya sa mga nangyayari.

Nagtungo siya sa mga garden sa likuran ng bahay. Malakas dun ang signal. Tumatawag sina Mindy.

"Hello, Mind... napatawag ka..."

"Kasi alam mo medyo madedelay yata kami dyan... alam mo na traffic pa..."

"I understand... ingat kayo sa byahe ha..."

"Sige... ikaw rin..."

"Ako pa..."

Matapos ibinaba ni Hazel ang phone, bigla siyang nakarinig ng mga salitang hindi niya maintindihan. Parang latin. May nagsasalita. Nagtungo pa siya papasok sa mga damuhan at doon niya nakita ang nakaluhod na si Aling Tanya.

May pausok ito. Nakaharap pa sa isang puno. Matanda na ang punong ito. May palaspas pa siyang winawagayway habang nagsasalita.Nakapikit siya pero ang bibig niya mabilis na nagsasalita. Sa ilalim ng puno ay ang isang bilao na puno ng karne. At sa wakas nagsalita siya ng lengwaheng alam ko.

"Dugo, buhay... iba't-ibang kaluluwa... ahas, kambing, baboy, baka... at kung anu-ano pa... tanggapin nyo ang alay ko..."

Bigla akong nakatapak ng mga tuyong dahon kaya siya napatigil. Napasandal ako sa pader at biglang may tumakip sa aking bibig...

... si Carol!!

Mabilis kaming umalis sa lugar.

___________________________________________

AUTHOR'S NOTE:

Nagsagawa ng pag-aalay si Aling Tanya na nasaksihan naman ni Hazel. Malaki na kaya ang ebidensya para sabihing si Aling Tanya na ang Maniac na gumagala sa gabi??

Feel free to vote or comment... :) :)

Hanggang sa muli..

Salamat sa pagbasa...

ManiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon