Pinunas ni Carol ang ulo niya pati ang katawan niya.
"Hindi ako yung killer... kaya ako nakakalabas dahil... dahil..." nag-umpisa nang maiyak si Carol sa pagpapaliwanag kay Hazel
"Dahil... dahil... may sleep disorder ako, nag-sleep walk ako" saad ni Carol.
Nabigla ang lahat. Walang reaksyon ang karamihan kina Hazel. Lalong-lalo na si Hazel. Nagkamali nanaman siya. Nakakahiya na ang ginagawa niya.
"I'm sorry, hindi ko naman akalaing ganon Carol... sana mapatawad mo ako" maiyak-iyak na rin itong si Hazel.
"Hindi naman ako galit sayo Hazel..." saad ni Carol sabay pumasok na sa kwarto niya.
Nang malalim na ang gabi, pero hindi pa rin makatulog si Hazel. Iniisip niya ang kahihiyang naranasan nanaman niya.
Hindi niya maiwasang magduda sa mga kinikilos ng mga kasama niya. At heto nanaman siya sa kanyang higaan, nag-iisip. Malalaim ang iniisip.
"Kung hindi si Aling Tanya ang killer at hindi rin si Carol, eh sino?? sino ??" nagtatanong nanaman ang isipan niya.
Nagiging paranoid na siya sa pagtuklas sa misteryong ito. Sino nga ba ang killer?? May pakiramdam siyang malapit lang sa kanya ito. Pero sino?? Si Brent? Si Mindy? Si Rocky?
Sobrang gulo na ang isipan niya. Hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. Sa sobrang lalim ng tulog niya ay may napanaginipan pa siya.
"Aling Mila?? Ikaw ho ba yan??" tanong niya sa isang aleng magulo ang buhok at nakaputi sa isang damuhan na makapal ang usok.
Hindi niya makita ng buo ang tao dahil sa usok. Lumapit siya rito. Hahawakan na nga sana niya ito nang bigla itong maglahong parang usok rin. Nabigla siya. Nagbaling-baling ang ulo niya. Hinahanap niya ito. Alam niyang si Aling Mila iyon. Kailangan niyang makausap ito. Naaalala niyang minsa'y nasabi sa kanya nito na nakita na nito ang killer.
Mabilis na dumadapo sa mga sulok ang pangingin niya. Gustong-gusto niya talaga itong makausap.
Sumigaw siya. Tinatawag niya ito. Sumigaw siya uli pero wala namang nakakarinig sa kanya kundi ang sarili niya. Ang echo ng boses niya.
Natigilan siya at tila nawalan ng pag-asa kaya nagsimula na siyang maglakad paalis. Pero bigla siyang nakarinig ng isang tunog. Tunog ng flute. May tumutugtog. Nilingon niya ito ng mabilis. Labis ang pagkagulat niya nang makita si Aling Mila na duguan habang pasayaw-sayaw pa na nagflu-flute.
Tumutulo pa sa paa niya ang dugo. Pulang-pula. Ang kapal. Naisip niyang baka may malalim na bagong sugat itong si Aling Mila. Nilapitan niya ito pero agad rin siyang natigilan sa paghakbang nang makita sa kanyang kaliwa ang isang matandang lalaki na wala ng puso, atay, at bituka. Nalingon rin ang kamay na kaliwa nito sa likuran.
Wala narin itong mata. Nabali na ang leeg nito at ang mga kuko'y bukod sa marumi ay duguan rin. Parang manika lang na binalian ng paa ang pobreng matanda.
"Ang sarap giniling Hazel... ako kain uli..." sabi ni Aling Mila kaya siya napaatras ng bahagya. Hindi niya gustong iniisip iti dahil nambibintang nanaman siya. Pero sinasabi ng sarili niya na si Aling Mila ang killer. Napaatras siya hanggang mapatakbo. Hinahabol siya hindi lang ng takot pati na rin ni Aling Mila.
Nagtago siya sa damuhan kung saan siya nagtango noon. Tumahimik ang lugar bigla maliban sa mga kuliglig ng mga palaka. Nagpalingon-lingon siya ng sobrang mabilis. Kitang-kita sa panginginig ng katawan niya at sa ekspresyon ng mukha niya ang takot ang gimbal. May sumitsit sa kanya sa bandang kaliwa. Hinawi niya ang mga damo. Biglang sumulpot si Aling Mila na duguan at naagnas ang mukha. Bigla itong nagliyab dahilan ng kanyang muling pagtakbo.
___________________________________________
AUTHOR'S NOTE:
Alam na rin natin ngayon na hindi rin si Carol ang killer. Pero sino?? sino nga ba?? Tatama na kaya ngayon si Hazel dahil si Aling Mila na ang pinagdududahan niya? Abangan...
Maraming salamat po sa mga sumusuporta sa istoryang ito, sa lahat ng nag-add sa RL nila, maraming salamat po!!
Hanggang dito lang muna, salamat uli guys!!
BINABASA MO ANG
Maniac
Mystery / ThrillerIsang baliw ang suspek sa likod ng 'di matigil na patayan gabi-gabi sa Manila. At ngayong umuwi si Hazel ng probinsya, tila sinusundan siya nito. Nag-umpisa na ang patayan simula nang umuwi siya. Isang baliw rin ang nakikikain kina Hazel gabi-gabi...
