Chapter 10 : New Face of a Killer

2K 45 2
                                    

Ngayong gabi, hindi muna pumunta sa boarding house si Aling Tanya. May aasikasuhin pa kasi siya.

Bukas na ang dating ng kaibigan ko at pinsan ni Carol. Pati si Tita Gracia ay bukas na rin ang balik.

Kumuha ako ng tubig sa ref dahil inuuhaw ako nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Isang quote galing sa ex ko, si Brent.

Hindi ko yon pinansin. Sa katanuyan, dinelete ko pa nga iyon.

Inilapag ko sa mesa ang isang basong tubig. Parang gusto ko yatang magkape.

May nagtext uli. Akala ko si Brent uli pero si Carol pala.

Papauwi na raw siya. Nahirapan yatang sumakay ng tricycle pauwi. Galing siya sa bahay nila, ilang bayan nalang ang layo rito. Makakatipid siya kung tumira dito imbes magcommute araw-araw para makapasok.

May biglang kumalabog sa pinto. Baka si Carol na iyon kaya mabilis kong binuksan ang pintuan. Pero nagulat ako nang wala akong makita.

"Aling Mila..." sabi ko.

Sanay na ako gabi-gabi kapag may kumakatok na wala namang tao.

"Ikaw bigay kain ako... gutom ako eh... wala bigay akin kain kahapon" sabi nito.

"Tuloy ho kayo..."

Kahit na ganoon si Aling Mila, alam kong mabait sila at tsaka di naman siya nanakit.

"Baliw patay uli bata kagabi... ako kita dalawa mata ako..."

"Nakita nyo ho kung sinong pumatay sa anak ni Aling Tanya??"

Tumango ito bilang sagot.

Tinanong ni Hazel kung sino pero biglang may kumatok sa pinto.

Binuksan iyon ni Hazel at nagulat nang makita si Carol.

"O basa ka??"

"Naabutan kasi ako nang ulan..."

Paglingon ni Hazel, wala na si Aling Mila sa tabi niya.

Kinabukasan, labis na ikinagulat nina Hazel na bumalik na sa trabaho si Aling Tanya.

"Aling Tanya, bakit ho kayo bumalik agad??"

"Aba'y kailangan kong magtarabaho... marami kaming utang na dapat bayaran at saka yung isa ko pang anak na special child..."

"Hayaan nyo ho... tutulong ako sa libing..."

"Salamat Hazel..."

"Sorry nga ho uli ha sa mga pinagbibintang ko sayo Aling Tanya..."

"Naintindihan ko, ako rin naman ay may pinaghihinalaan na rin..."

Bigalang umalis si Carol.

"Carol, may lakad ka??"

"Ahh... oo, sa school... last part na to ng enrollment eh.."

Mabilis na umalis si Carol.

"Hazel, hindi lang naman ako ang lumalabas paggabi eh..."

"Ano hong ibig nyong sabihin..."

"Lagi kong nakikita si Carol na lumalabas sa gabi sa eksaktong 11:00 ng gabi... tinatawag ko siya pero hindi niya ako pinapansin..."

Nagulat si Hazel sa mga narinig mula kay Aling Tanya.

Nagkatinginan silang dalawa. Iba't-iba namnaman ang pumapasok sa utak ni Hazel.

__________________________________________

AUTHOR'S NOTE:

Si Carol ang bagong prospect ni Hazel. Sa pagkakataon bang ito ay tatama na siya ng hinala o isa nanaman itong maling akala??

Alamin kung ano pang siketo ang tinatago ni Carol kay Hazel??

Feel free to vote or comment :) :) :)

Salamat sa pagbasa. Untik next chapters...

ManiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon