Kinabukasan,
Nakikinig ng music si Hazel sa kanyang kwarto samantala'y nagpunta naman si Carol sa school para asikasuhin ang enrollment.
Pinapatugtog uli ni Hazel ang paborito niyang kanta na Skyscraper.
Nagluluto naman si Aling Tanya sa kusina. Narinig ni Hazel na may nahulog na baso kaya napasilip siya sa ginagawa ni Aling Tanya.
Naabutan niya itong namumulot ng bubog. Pero bigla itong napahinto. Tila nakikiramdam sa paligid. May itinaas itong konting bubog at tiningnan ang repleksyon mula sa likuran.
Hindi siya nakaiwas. Tila napako yata siya sa kanyang kinatatayuan. Lumapit ito sa lababo at may hinawakan na kutsilyo kaya napaatras na siya at naglock ng kwarto.
Dala-dala ang kutsilyo, lumakad si Aling Tanya papunta sa kwarto ni Hazel. Nang maramdaman ni Hazel na may nagbubukas ng pinto dahil sa pag-alog ng doorknob, agad na siyang napatago sa ilalim ng kama niya. Nanginginig na tinakpan ni Hazel ang bibig niya. Palakad-lakad lang si Aling Tanya sa buong kwarto. Sinusundan niya ng tingin ang mga paa ni Aling Tanya.
Napahinto ito bigla. Agad niyang hinigpitan ang pagtakip sa bibig niya para hindi makalikha ng ingay.
Maya-maya pa'y tila lumuluhod si Aling Tanya. Napaatras siya sa kinalalagyan.
Napalabas siya sa kabilang sulok ng kama kaya hindi niya napansin na may pinulot si Aling Tanya, isang mangga.
Kanina ay dinalhan siya ni Aling Tanya ng mangga pero hindi ito naka-slice. Naisipan ni Aling Tanya na hiwain ang mangga kaya ito lumapit.
"Wag kang lalapit... alam ko na... ikaw yung mamatay tao... ikaw yung killer..."
"Hindi ako... wala akong ginagawang masama Hazel..."
"Wag ka nang magkunwari Aling Tanya..."
"Nagkakamali ka..." binitawan ni Aling Tanya ang kutsilyo pero nagsisigaw na napatakbo palabas ng kwarto si Hazel kung saan nasalubong niya si Carol.
"Aling Tanya, si Mariela, yung anak nyo." pagtawag nito.
Sa morgue,
Panay ang hagulhol ni Aling Tanya habang nakaupo.
"Aling Tanya, hindi ko sinasadya yung mga naibintang ko ho sa inyo."
"Alam mo ba kung bakit ako lumalabas sa gabi?? Ayoko kasing isipin nyo na sumisipsip ako kaya gabi-gabi ay pilit akong umuuwi sa bahay namin. Kaya naman palaging karne nalang ang gusto kong ulam eh dahil kailangan ko yun para sa pag-aalay sa anito na nagbibigay ng kapangyarihan sa ating-anting ko na pinamana pa sa akin ng aking lola sa tuhod... hindi ako ang killer... hindi ko kayang patayin ang anak ko..."
"Pasensya na ho kayo... hindi ko ho sinasadyamg paratangan kayo... sana mapatawad nyo ako..." saad ni Hazel sabay inalalayan siya ni Carol palabas.
__________________________________________
AUTHOR'S NOTE:
Ngayon, alam na nating lahat na hindi si Aling Tanya ang salarin... pero kung hindi siya, sino??
Feel free to comment or vote guys...
Salamat sa pagbasa nito...
Until next chapters... salamat uli ... :) :) :)

BINABASA MO ANG
Maniac
Gizem / GerilimIsang baliw ang suspek sa likod ng 'di matigil na patayan gabi-gabi sa Manila. At ngayong umuwi si Hazel ng probinsya, tila sinusundan siya nito. Nag-umpisa na ang patayan simula nang umuwi siya. Isang baliw rin ang nakikikain kina Hazel gabi-gabi...