Isang malagim uli na umaga ang bumungad kay Hazel. Isang matandang lalake na ayon sa mga tagaroon ay dayo pa.
Hindi naman niya maiwasang masuka nang makita ang kondisyon nito. Tulad ng napanaginipan niya kagabi. Eksaktong-eksakto ang pagkakapatay rito.
Nanlalaki ang mata niya sa dami ng dugo na dumadaloy mula sa bangkay. Kadadating palang ng mga pulis at ayon sa kanila eh malamang ang killer nanaman ang may kagagawan nito.
Kailan pa kaya sila matatahimik? Kaya nga napauwi si Carol eh dahil sa patayan sa Manila na nakarating narin sa kanila.
Tama na napagbintangan na niya sina Carol at Aling Mila. Pero kahit mabait sa kanya si Aling Mila eh parang sumisigaw ang puso niya na maaring ito ang killer. Hindi ba baliw ang deskripsyon ng ilan sa mga tao?
Litong-lito na siya. Hindi na niya alam kung sino ang pwede niyang pagkatiwalaan. Mahirap nga namang magtiwala kung kani-kanino lang. Lalo na yung hindi mo lubusang kilala. Hindi sapat yung mabait siya sayo. Sabi pa nga, walang imposible sa mundo.
Labis ang kaba ni Hazel. Lumalaki na ang kutob niya para kay Aling Mila. Hindi niya maiwasang hindi ito pagdudahan.
"Ayos kalang??" tanong ni Mindy habang nilalapag sa mesa ang isang tasang kape. Napaupo ito sa gilid.
"Nakakatakot naman pala dito sa inyo... Ang welcome samin eh patayan..." saad ni Mindy sabay dunating si Rocky at Brent.
"Speaking patayan... kayong dalawa, saan kayo nagpunta kagabi at patay yung ilaw nyo?? Alam kong hindi ka nagpapatay ng ilaw Rocky..." sabi ni Mindy.
"Lumabas ka kagabi??" sabi ni Hazel pero nakatulala siya habang hinahalo ang kape.
"Haze... hindi pwedeng maging killer yan si Rocky...duwag yan eh... kaya nga di pinapatay nyan yung ilaw nya kahit tulugan na" saad ni Mindy.
Napatingin si Hazel kay Mindy.
"Sorry, sorry, malalim lang talaga ang iniisip ko" sabi ni Hazel sabay tumayo at nagpunta sa kwarto niya.
"Tita, kailan ba kayo matatapos dyan??" sabi niya habang kausap ang tita Gracia niya sa telepono.
"Ewan ko ba dito sa mommy mo... kausapin mo nga..." saad nito.
"Hello, Hazel" sabi ng mommy niya.
"Mom... I can't take this anymore..."
"Alam ko, pero konting tiis nalang at makakauwi na ako dyan..."
Biglang nalowbat ang phone ni Hazel.
Bigla rin namang may dumaan sa likuran niya na kaagad niyang nilingon.
_________________________________________
AUTHOR'S NOTE:
Si Aling Mila ang bagong prospect ni Hazel... pero totoo nanaman kaya ang hinila niya? O papalpak nanaman kaya siya?
Salamat sa pagabasa guys. Thank you for the votes! 😊
Hanggang sa muli.
BINABASA MO ANG
Maniac
Mystery / ThrillerIsang baliw ang suspek sa likod ng 'di matigil na patayan gabi-gabi sa Manila. At ngayong umuwi si Hazel ng probinsya, tila sinusundan siya nito. Nag-umpisa na ang patayan simula nang umuwi siya. Isang baliw rin ang nakikikain kina Hazel gabi-gabi...
