Matulin na dumaan ang mga oras.
Inabutan ni Aling Tanya na nagwawalis si Carol. Seryoso ang tingin nito na napatigil pa si Carol.
"Anong ginagawa mo??" tanong nito.
"Nagwawalis lang ho ako. Bakit ho??"
"Alam mo bang malas kapag nagwawalis sa gabi?? Masamang sumusuway sa mga pamahiin at mga ritwal Carol...baka balikan ka ng masamang espirito..."
"Aling Tanya, eh ako nga ho... ilang beses ko na yang ginagawa wala naman hong masamang nangyayari..."
Napabuntong-hininga si Aling Tanya.
"Ahh... punta muna ako kina Daring ha??"saad nito pagkatapos.
Matapos kumain ng hapunan, dumiretso na sa kwarto si Carol at nagbukas ng laptop para manonood ng horror film na paborito niya.
Maya-maya pa'y may kumatok sa pinto niya.
"Sino yan?? Aling Tanya?? Hazel??"
Biglang bukas ang pinto at wala naman siyang nakita.
Napalabas siya para makasigurado. Mabilis niyang sinara ang pinto at napaupo uli sa kama. Subalit muli nanaman siyang nakarinig ng katok.
Pagbukas niya ay wala pa ring tao. Nilapitan na niya ang kwarto ni Hazel at kumatok.
Hindi ito bumubukas.
Kumatok uli siya pero wala talagang sagot si Hazel.
Nagdesisyon nalang siyang umalis dahil naisip niyang nagpapahinga na ito.
Ilang hakbang palang pero biglang umugong ang pinto sa likuran niya.
Bukas na ang kwarto ni Hazel.
"Hazel... andyan ka ba?? Hazel??" sabi niya habang papasok ng kwarto.
Pero bigla siyang ginulat ni Hazel. Nakasuot ito ng maskarang kahawig ng mga hillbies ng Wrong Turn.
"Hazel??"
"Sorry Carol... masyado na kasing boring dito eh..."
"Ikaw ba yung kumatok??"
"Ha??"
"May kumakatok kasi kanina eh... pero wala naman akong nahuhuli..."
"Hay naku Carol, ako rin yun... gusto ko sanang sabihin sayo na nagawan na kita ng FB account..."
"Talaga??... salamat Hazel!!!"
"Gusto mo laro tayo nang scrabble??"
"Game... favorite ko yan..."
idle...
dread...
qualm...
"Alam mo Carol... sa sobra mong galing nakakaboring..."
"Talaga??"
"Eh parang kalaro mo lang sarili mo..."
"Ganon ba..."
"Alam ko na, ibahin naman natin yung laro..."
"Ano namang laro??"
"Eh di Hide And Seek..."
Taya si Hazel. Nagtago naman si Carol sa may aparador ng kwarto niya.
Kung saan naghahanap si Hazel hanggang mapadpad siya sa ilalim.
Biglang may kumatok.
"Aling Tanya... ang bilis mo naman..."
Isang katok uli ang nadinig.
"Open ho yan... pasok kayo..."
Bumukas naman ito pagkatapos. Natigilan siya.
Pagkatapos niyang isara ang pinto, ginulat siya ni Aling Mila.
"Aling Mila, ikaw lang pala eh..."
"Ilaw bigay ako kain... ako gutom... please..."
"Please?? Bago ho yan ha... sige kunin ko lang ho ah??"
Kinuha ni Hazel ang ulam mula sa ref.
Ininit ito ni Hazel bago ibigay kay Aling Mila.
"Heto na ho o... pagpasensyahan nyo na po ha..."
Beef stake ito. Pero imbes na kainin ito ni Aling Mila, itinapon niya ito.
"Ako kita iba... hindi beef..."
"Ho??"
"Ikaw ingat kanya ha... siya sama..."
Narinig niyang tinawag siya ni Carol.
"Hazel, ano ka ba... parang hindi ka naman naghahanap eh..." sabi ni Carol.
Paglingon ni Hazel sa mesa, wala na si Aling Mila at ang kalat nito.
"Samahan mo na nga lang akong manonood sa taas..." alok ni Carol at hindi siya nakatanggi.
Samantala, isang pulubi ang naligaw sa lugar nila. Marungis. Hindi pa nanaliligo simula nung huling araw na umulan.
Pinapakain nito ang mag-iisang taong sanggol na hawak nito. Biglang umulan. Sumilong agad ang mag-ina sa ilalim ng punong mangga.
Walang tao sa kalye. Madilim pa.
Isang babae ang lumapit sa kanila. Nakapayong ito. Inalok sila nito na sumilong at ihahanap ng ibang masisilungan.
Ang hindi alam ng mag-inang mabilis na sumama sa babae ay ito pala ang gumagalang killer sa gabi.
Ginilitan siya nito sa leeg. Tumalsik pa nga ang mga dugo sa bata. Iyak naman ito ng iyak. Hindi tumatahan. Pagkatapos nitong tumumba ay nagsimula nang kumain ang killer. Para itong lobong gutom sa bilis ng pagkain.
________________________________________
AUTHOR'S NOTE:
Sa wakas ay nagsimula nang lumabas ang mga clues sa pagkatao ng killer.
Kawawa naman ang mag-inang pulubi. Napagdiskitahan ng killer. Sino naman kaya ang sumunod na mabibiktima ng gumagalang killer na di umano'y baliw? At parang kilala pa yata ni Aling Mila ang killer??
Ano pang hints ang lalabas?? Abangan sa mga next chapters...
Feel free to comment, vote, or follow me.. :) :)
Salamat sa pagbasa...
Until next time :) :)
BINABASA MO ANG
Maniac
Mystery / ThrillerIsang baliw ang suspek sa likod ng 'di matigil na patayan gabi-gabi sa Manila. At ngayong umuwi si Hazel ng probinsya, tila sinusundan siya nito. Nag-umpisa na ang patayan simula nang umuwi siya. Isang baliw rin ang nakikikain kina Hazel gabi-gabi...
