Chapter 1 : The Insanity Begins

5.2K 102 0
                                    

Apoy. Sobrang lakas. Tinutupok nito ang isang kubo. Nakakabinging sigaw ang mga tao sa tuwa habang may isang ale na humahagulgol. Nakahandusay ito at nagmamakawa na tumigil pero tila walang nakikinig sa kanya. Gulo na ang kanyang buhok at ang kanyang kuko'y sobrang dumi na. Duguan na rin ang damit niya. Tila pinagtulungan siya ng mga tao.

Isang sigaw na malakas ang pinakawalan ng babae. Napakaraming dugo ang lumabas mula sa hita niya. Doon lang natahimik ang mga tao at napatingin sa kanyang kondisyon.

Marami rin siyang galos sa buong katawan. Punit-punit na ang suot niyang puting bestida.

Humingi siya ng tulong pero tila bingi-bingihan lang ang mga ito.

Tumayo ang babae at nilapitan si Hazel. Bigla siya nitong niyakap at sabay ngumiti. Pilit siyang kumawala ngunit may kung anong binulong ito sa kanya. Ni si Hazel, hindi rin naintindihan ang pinagsasasabi ng babae.

Sigaw na parang dinadalaw ng kamatayanang pinakawalan ni Hazel. Panaginip. Mali, babangungot. Binabangungot ulit siya. Mabilis niyang pinunas ang butil ng pawis sa kanyang noo.

Biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang kanyang mommy.

"Naku, Hazel, lasing ka nanamang umuwi kagabi. Nagsusuka ka pa," wika nito habang kinukuha ang labahan niya.

"Mommy..." mahinang tugon ni Hazel habang tulala pa rin.

"I have no choice, we have a deal na kapag maulit pa ito doon ka na titira sa probinsya,"

"Mom! Hindi ako sanay dun," pagdadabog niya.

"Pwes masanay kana dahil sa makalawa kana aalis ng Manila," saad ng mommy niya bago ito tuluyang lumabas ng kwarto niya.

Lumipas ang dalawang araw, habang nasa isang bus si Hazel na papunta na sa lugar nila ay may nakilala siya.

"Miss, gamit nyo ho," sabi ni Hazel sabay pulot ng ballpen na gumulong sa harap niya.

"Ahh, thank you,"

"Uuwi ka rin?"

"Oo, pinauwi na ko ni tatay kasi delikado na raw sa Maynila. May kumakalat na baliw raw na killer"

"Talaga?" Halos matawa siya sa narinig. Lumalabas naman ang pagkapilosopo niya. "Eh ako nga panay naman labas sa gabi, pero wala naman so far,"

Ngiting mahinhin ang nakita niya sa labi ng kanyang katabi. "Mas mabuti na tong nag-iingat kesa sa madisgrasya."

"Sa bagay,"

"Ako nga pala si Carol," pagpapakilala sa kanya ng dalaga.

"Hazel,"

"Nice meeting you Hazel,"

Unang beses palang nilang pagkikita pero nagkapalagayan na agad sila ng loob. Hindi niya maexplain kung bakit.

"Ikaw rin," sagot niya.

Pagbaba nila sa may paradahan ng mga tricycle, nauna nang sumakay si Carol at umalis. Nanghinayang siya dahil hindi man lang sila nakapagkwentuhan ng matagal. Mukhang magiging bff sila kung nagkataon.

Makalipas ang ilang oras ay nakarating na rin siya sa lugar ng Tita Gracia niya.

"Hazel, pamangkin ko," medyo gulat ang tita niya nang mapansin siya sa labas. Sa magkakapatid itong tita niya ang pinakamatanda samantalang ang mommy naman niya nag pinakabunso.

Agad na kinuha ng tita niya ang bagahe na dala niya bago pa man sila makapasok. Unang tapak palang niya sa loob ay may kung anong pakiramdam na siyang hindi niya maipaliwanag. Para bang kutob. Masamang kutob.

"Nakakapagod ho pala ang byahe," napakamot siya sa buhok niya nang maupo sa sofa.

"Aba'y oo Hazel, kaya nga ang mommy mo minsan lang makadalaw rito sa sobrang layo,"

"Hindi ho ba pupunta si mommy rito... summer naman po ha??"

"Sabi niya may tatapusin lang muna daw siyang mga gawain at yung seminar nila at makakauwi na rin siya dito. Ay, muntik ko nang makalimutan... boarding house pala ito dito...nagsiuwian ang mga boarders ko kahapon lang."

Iniikot pa ni Hazel ang mga mata niya sa buong bahay nang biglang may nag-doorbell.

"Pasok." sabi ng Tita Gracia niya.

"Hello po..."

Nagulat si Hazel ng makitang si Carol iyon. Hindi ko akalaing makikita ko ulit siya.

"Hazel??" gulat na niyang saad.

"Carol?? Anong ginagawa mo rito?"

"Magkakilala na pala kayo?? Hazel, siya ang bagong boarder ko rito..."

"Mga ilang bayan pa ang layo ng lugar namin dito, pero at least mas malapit para kay tatay kung gusto niya akong bisitahin."

Ipinakilala ang dalawa sa cook na si Aling Tanya. Halos magka-edad lang sila ni Tita Gracia.

"Siya nga pala Tanya, si Hazel, pamangkin ko... at si Carol, ang bagong boarder rito."

Ngiti ang tinugon nito.

"Kapag nagugutom kayo, magsabi lang kayo ha?" sabi nito pagkatapos.

"Sige po..."

"O sige, at tatapusin ko pa to..."

Habang kumakain sila,

"Ahh Hazel, ayos lang ba kung sa sabado ay iwan ko muna sa inyo ni Carol itong bahay. Tutal andyan naman si Aling Tanya, magsabi lang kayo sa kanya ng problema niyo."

"Bakit ho?"

"Aalis kasi ako... may idedeliver pa kasi ako. Alam mo na, business... dapat bukod sa pinagkakakitaan mo eh minsan eextra-extra ka rin para doble ang kita."

"Ayos lang po samin" sabi ni Carol.

"Ikaw nga pala Carol, anong kukunin mong kurso ngayong pasukan?" tanong ng tita Gracia niya.

"Hmm, nursing ho ata..."

"Maganda ka naman. Bagay sayo yan iha"

__________________________________________

AUTHOR'S NOTE:

Ngayong nakauwi na siya sa probinsya, anong misteryo kaya ang naghihintay sa kanila??

Feel free to comment and vote guys.

Thank you for reading this. :) :)

Until next time!

ManiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon