"Kanina ka pa ba dyan??" saad ni Hazel na nanginginig.
"Kararating ko nga lang eh..." bulong sa kanya ni Carol. Tumulo bigla ang napakaraming dugo sa kanyang pisngi at taenga.
Napasigaw nang malakas si Hazel nang bigla siyang atakihin nito.
Hinahabol niya ang paghinga nang magising siya mula sa isang bangungot. Napahawak siya sa leeg. Kinapa-kapa niya kung may dugo. Wala naman. Isa lang talaga iyong masamang panaginip.
Maya-maya pa at nabasag ang katahimikan niya nang biglang pumasok si Mindy sa kwarto niya na hinihingal at agad na sinara ang pinto.
"Mind?? anong ginagawa mo rito??" saad niya.
"May mga pulis sa labas... gustong pumasok, gustong mag-imbestiga dito dahil sa mga sunod-sunod na patayan!!"
"May nabiktima nanaman ba yung Maniac na yun??"
"Isang batang lalaki Haze... nakakaawa nga ang itsura..." sabi ni Mindy.
May biglang kumatok.
"Magandang umaga po. Mga pulis po kami. Gusto lang ho naming magtanong..."
Wala namang nagawa si Mindy kundi buksan ang pinto.
Doon sila nag-usap sa sala.
"Wala ho ba kayong napapansing kakaiba manlang o may nakita ho ba kayo??" sabi ng isa sa kanila.
Magsasalita sana si Hazel nang magsalita agad ni Carol na natutulala.
"Wala ho. Wala ho kaming nakikita..." sabi ni Carol.
"Ahh... sige po... kung may malaman ho kayo, pakicontact na lang ho kami..." saad ng isang pulis.
"Sige po..."
Simahan ni Hazel ang mga pulis sa paglabas nito. Ang hindi alam ni Hazel, habang binubuksan niya ang gate ay nakatingin sa kanya sa taas si Carol. Napalingon naman siya rito pero wala na ito roon.
Papasok na sana siya ng bahay nang biglang tumunog ang cellphone niya.
May notification siya. May nagtag ng picture sa kanya. Agad niyang tiningnan iyon. Akala niya si Mindy dahil sa kahiligan nitong magselfie pero hindi pala. Nagkamali siya sa iniisip niya. Si Carol iyon.
Ano naman kaya ang nai-post nitong si Carol at di tinapos kanina ang pagkain?
Halos masuka siya sa nakita niya. Yung batang lalaki na bagong biktima ng Maniac na gumagala roon ay nakunan ni Carol ng picture. Hindi ito share photo, kundi original na kuha nito.
Isang balita ang lumabas sa dyaryo na kanyang binabasa. Ang balitang iyon ay tungkol sa Maniac na gumagala sa lugar nila. Nai-feature rin dito ang ilang mga biktima nito.
"Maipaalala ko nga lang Hazel, bukas na ang libing kina Aling Daring..." saad ni Aling Tanya.
"Aling Tanya, ok lang ho yung lamay ng anak nyo?? sorry ho at hindi ako nakapunta kagabi dahil hindi ko namalayang nakatulog na pala ako..." saad ni Hazel.
"Ayos lang ho ang lahat. At natanggap ko na ho na wala na ang anak ko..."
"Hayaan nyo ho... ipagdadasal ko ho kayo..."
"Salamat Hazel..."
Gabi,
"May signal ka ba??" saad ni Rocky.
"Wala... nawala yung signal..." saad ni Brent.
"Tumigil nga kayo... pwede ba mamaya nyo na yan asikasuhin na mga cellphones ninyo" saad ni Mindy na nasa likuran nila.
Silang lima ngayon ay nasa lamay ng anak ni Aling Tanya. Tahimik lang sa sulok si Hazel nang biglang lumapit sa kanya ang taga-alok ng biscuit. Kumuha siya ng ilan at kinain ito.
Ilang sandali pa, nakita niya si Aling Mila na nakatayo sa isang puno malapit sa mismong kabaong. Nakatapat ang daliri nito sa bibig na senyales na wag maingay.
Nagsimula na itong maglakad at agad naman siyang napasunod.
Walang nakapansin sa kanyang pag-alis.
__________________________________________
AUTHOR'S NOTE:
Sapat na ba ang ebidensya para masabing si Carol ang tinaguriang Maniac na gumagala sa lugar nila at pumapatay ng kahit na sinong matyempuhan nito sa daan?? Alamin ang kasagutan sa mga sususnod na mga chapters... :) :)
Please vote and comment guys...
Salamat sa pagbasa!! Until next time :)

BINABASA MO ANG
Maniac
Gizem / GerilimIsang baliw ang suspek sa likod ng 'di matigil na patayan gabi-gabi sa Manila. At ngayong umuwi si Hazel ng probinsya, tila sinusundan siya nito. Nag-umpisa na ang patayan simula nang umuwi siya. Isang baliw rin ang nakikikain kina Hazel gabi-gabi...