Chapter 17 : Night of Nightmares

1.7K 44 0
                                        

Mabilis namang nakabalik ng bahay si Hazel. Agad niyang nilock ang pinto. Umakyat siya sa taas. Mabilis siyang naglock uli ng room. Sinara niya ang mga bintana. Napasandal siya sa pader.

Tumingin siya sa paligid nang makarinig ng sipol.

"Carol?? Brent??" tanong niya na sumisilip sa pintuang kanyang binuksan ng konti.

Biglang sumulpot si Mindy na tila nagsusuka.

"Nakainom ka ba??" gulat na tanong ni Hazel. Alam niyang kahit mahilig gumala ang kaibigan eh hindi ito umiinom. Isang beses pa lamang nito nalasahan ang alak nang pagkamalan nito ang isinaling alak sa boteng plastik ng 1.5 litro na coke.

"Ok lang ako... ok lang" sabi nito na halatang-halata naman sa boses at tono na marami itong nainom.

Maya-maya pa at bigla itong may gustong iluwa na parang nahihirapan ito. Inalok niya ito ng tulong. Malapit na itong mailabas. Kukunin na lang sana niya ito nang may biglang lumabas na mga bubuyog sa bibig nito.

Lahat sa kanya ay lumalapit. Pilit niyang itinataboy ang mga ito subalit masyadong marami ang mga ito. Nang umalis na ang mga bubuyog, nagulat siya nang makitang wala na si Mindy, pero naririnig pa rin niya ang sipol. Nataranta siya kaya siya mabilis na napaalis ng kwarto. Nagpunta siya sa kusina at kumuha ng kutsilyo. Sobra na siyang paranoid. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin.

Sumilip siya sa bintana. Hihingi sana siya ng tulong kina Brent at Rocky. Wala naman siyang nakita sa labas, ang dilim kasi, maliban nalang sa isang asong tahol ng tahol.

Labis ang sindak sa kanya nang maalalang ito yung aso na unang biktima ng killer simula nang umuwi siya roon.

Napalunok siya kasbay ang pag-iibang anyo ng aso. Unti-unti itong naging tao. Isang babae. Agad siyang nilingon nito.

Si Aling Mila iyon! Nanlaki ang mga mata niya.

Agad niyang sinara ang bintana at napasigaw siya ng sobra nang makita si Rocky. Agad niya itong niyakap habang maluha-luha siya. Ikwinento niya ang nangyari at napansin niyang walang imik ito. Pagtingin niya rito, si Brent na ang nakita niya.

"Brent??" gulong-gulo na ang isip niya.

Napaatras siya pero pinapalapit naman siya nito. Nagpailing-iling siya. Natatakot siya. Nagalit ito bigla at parang zipper lang na tinanggal ang balat niya sa ulo. Para itong ahas na nagbabalat.

Nakita niya si uli si Aling Mila. Mas malakas pa ang sigaw niya rito. Dahilan para hingal siyang mapabangon sa higaan niya. Gabi nanaman. Sobra niyang hinahabol ang paghinga na napahawak pa siya sa kanyang dibdib.

__________________________________________

AUTHOR'S NOTE:

Isang nakakapangilabot na bangungot para kay Hazel.

Paano kung makita niya uli si Aling Mila? Ano kaya ang magiging reaksyon ni Hazel?

Salamat sa pagbas guys.. paki vote and comment naman po...

Hanggang sa muli...

ManiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon