Chapter 21 : Crazy Secrets

1.7K 34 0
                                        

"Hay naku, may nabiktima nanaman yung maniac na yun... at pulis pa talaga ha?!!" sarkastikong sabi ng isang nakausap niya.

"Grabe na talaga, talo pa ang Manila... sabi sa akin ng pinsan ko roon, matagal na raw hindi umaatake sa kanila ang killer..." saad pa nung isa.

Tumambad sa kanya ang nakakadiring mga langaw na palipad-lipad sa bangkay. Inaasikaso na ng SOCO team ang bangkay at sinumulan na silang hindi palapitin.

Makalipas ang ilang sandali ay may napansin siyang nakakulay puti. May dala itong manika na tinahi lang din at yari sa tela. Kung hindi siya nagkakamali si Aling Mila iyon!

"Kawawang pulis... Balatan ba naman na parang patatas??" Saad nung isang tsismosa.

"Parang gusto ko nang umalis sa lugar natin eh" wika ng isa pa.

Habang kinakain ang almusal ay sariwa pa sa utak ni Hazel ang itsura ng bangkay. Sa bawat subo niya ay mas tumatatak sa isipan niya ito. Pati yung nakita niya si Aling Mila.

"Haze, are you OK??" tanong ni Mindy.

"No..." mabilis niyang tugon.

"Bakit? May sakit ka ba??" Saad ni Mindy.

"Hindi ko talaga kayang hindi mag-isip... nong una si Aling Tanya, tapos si Carol... lahat yun palpak... tapos si Aling Mila nanaman ngayon?? Naloloka na yata ako nito!" Sabi niya ng matulin.

"Teka... teka... sino naman yung Aling Mila??" tanong ni Mindy.

Sila lang ang tao ngayon sa bahay. Lumabas yung tatlo. Nasa palengke naman si Aling Tanya.

Ikwinento ni Hazel ang lahat-lahat kay Mindy. Bawat detalye ay malinaw niyang ipinaliwanag.

"Seriously?? Wala yata akong napapansin na ingay o kahit na sinong tao rito??" saad ni Mindy.

"Hindi mo talaga siya makikita kasi tuwing may makakakita sa kanyang ibamg tao maliban sa akin eh bigla nalang siyang nawawala." paliwang ni Hazel sa kaibigan.

"So ibig mong sabihin... posibleng yung baliw na yon at yung baliw na sinasabi ng mga tsismosa sa labas eh iisa lang??" saad ni Mindy.

"Baka nga..." saad ni Hazel.

"Aba, sosyal ka ha??!! Mabait sa'yo..." sabi ni Mindy.

"Ahh... mag jojogging ako, sama ka??" sabi pa ni Mindy.

"Ahh... wag nalang, ikaw nalang" saad ni Hazel na tumayo at niligpit ang pinagkainan.

"Sige ha?? Text mo lang ako kung may kailangan ka..."

"Sige...have fun!" paalam ni Hazel na may kasamang ngiti.

Napadaan naman si Mindy sa palengke. Nandoon nga si Aling Tanya.

"Magkano ito?" saad nito.

"Ahh... trenta isang kilo..." sabi ng tindera.

"Ahh... sige ho, media lang..."

"Kalahati ba??"

"Opo manang..." saad ni Aling Tanya.

Lumapit si Mindy at kinamusta si Aling Tanya.

__________________________________________

AUTHOR'S NOTE:

Isa nanaman ang nabiktima ng maniac! Hindi kaya si Sarah Prinsesa ang maniac, kasi binalatan daw na parang patatas eh?? Hehe joke lang po...

Si Aling Mila na kaya ang maniac na hinahanap nila? At parang may naaamoy akong gulo sa next chapter?? Abangan...

Paki comment and vote po... Salamat...

Salamat rin po sa bumasa nito at sa mga nag-add sa RL nila...

Hanggang sa muli...

ManiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon