Chapter 13 : Here Comes Death

1.9K 50 6
                                        

Parang saranggolang sumusunod sa hangin si Hazel. Tuwid na tuwid itong naglalakad at sinusundan si Aling Mila. Wala ito sa sarili. Nakatulala lang.

Kahit na ang dinadaanan nila eh ang tataas na ng mga damo eh wala pa rin sa kanya. Patuloy pa rin siya sa pagsunod dito.

Maya-maya pa at nawala na si Aling Mila. Para itong alikabok na hinangin at biglq nalang naglaho. Doon naman natauhan si Hazel. Nagpalingon-lingon siya sa lugar. Napakamot na siya sa paa. Makati ito. Ano ba kasi raw ang ginagawa nya roon?

Ilang saglit pa at nakita niya ang isang ale sa may puno malapit sa kanya. Papalapit siya rito. Ano kayang ginagawa naman non sa ilalim ng puno ng mag-isa at sa gitna ng madaling araw pa.

Ilang minuto pa ang lumipas at may babaeng lumapit na sa kanya. Nasa Teen age ito sa pagkakatingin niya. Naisip niya na baka anak, pamangkin, inaanak, o sadyang may malasakit lang sa babae ang batang iyon.

Ipagpapatuloy sana niya ang paglapit ng biglang sakalin ng kaedad niya ang ale. Naitaas pa ito mula sa lupa. Isinandal ito sa may puno. Puno ng lakas ang pagkakahawak nito sa leeg ng ale. Kaya nakaramdam na ako ng pangamba. Agad akong napayuko ng konti.

Maya-maya pa at dinukot na nito ang puso ng ale.

Pinag-aamoy pa nga ito ng kaedad niya.

Pero hindi pa ito nakuntento. Dumukot pa ito ng bolo at hiniwa ang leeg at saka naglagay ng planggana sa ilalim ng ale para masalo lahat ng dugo. Isinunod naman nito ang tiyan. Nilabas ang mga laman-loob at inamoy-amoy uli.

Nanginginig na ang buo niyang katawan sa takot. Palagi siyang nakakakita ng mga biktima ng maniac pero iba ang isang to ngayon... live kung baga!!

Napatakip na lang siya at nagsimulang gumalaw paalis sa lugar.

Kung talagang si Carol nga iyon, dapat ay hindi siya mahuli nito.

Bigla namang napansin ng killer na tila gumagalaw ang mga damo sa talahiban.

Iba ang tingin nito sa mga taong pinapatay nito. Para sa kanya, ang mga nabibiktima niya ay parang isang baboy-ramo lang.

Napangiti ito na mala-demonyo. 2 is better than 1 ayon pa nga sa kanya.

Bago niya iwan ang ale ay dinukot muna niya ang dalawang mata nito at saka itinapon sa may parte ng damuhan kung saan magalaw.

Tumambad naman kay Hazel ang dalawang mata na puno ng dugo at kung baga sa karne, eh fresh pa... kakukuha palang..

Pinapalabas siya nito. Ang boses na narinig niya ay may pagkahusky kaya mahirap para sa kanya ang hulaan ito kung talagang si Carol nga siya.

Nagtanong na ito kung ano pang gustong ihagis sa kanya. Paa?? Kamay?? leeg?? Atay?? Bituka?? Ulo??

Sobra na ang panginginig niya. Gusto niyang sumigaw pero sa oras na gawin niya iyon eh dapat gumakbo na siya. Pero sa itsura palang ng killet sa dilim eh mukhang mabilis na tumakbo.

Mukhang ito na ang kanyang katapusan. Parang wala na siyang matatakbuhan. Wala na ata siyang magagawa kundi ang magdasal. Bigla namang hinagis sa kanya ang ulo ng ale. Nakalabas ang dila ito na hinati pa sa dalawa ng killer.

Gusto niyang pakalmahin ang sarili pero hindi niya talaga maiwasan ang panginginig dahil sa sitwasyon. Para siyang isang baboy na malapit ng letsunin.

Sinalubong siya ng kilker at hinabol. Tama nga siya mabilis ito. Sa sobrang bilis, nakakadampi ito ng konti sa suot niya.

Hanggang sa mahuli siya at sa aktong tatagain na siya ng bolo ay doon pa lamang siya.....

... nagising mula sa isang napakalaking bangungot.

Dali-dali namang lumapit sa kanya si Mindy.

"Hoy, alam mo ba nagkakagulo dun sa may damuhan... doon sa malapit kina aling Daring"saad nito.

"Yung sa may pinaglamayan natin??"

"Oo... alam mo ba ngayong umaga lang may nakitang bangkay doon sa may puno... walang ulo... at nung nakita yung ulo sa damuhan eh tanggal daw ang mata at hati pa sa dalawa ang dila!!"

Napatulala si Hazel sa nadinig na kwento.

Gimbal na gimbal siya. Akala niya ay panaginip lang lahat?? Pero bakit parang totoong nangyari.

Agad siyang napatanong kung nasan si Carol pero hindi siya masagot ni Mindy. Wala daw ito sa kama paggisng si Mindy.

Napalingon siya sa bintana. May ililibing. Ang asawa ni Aling Daring.

Nakita naman niya si Carol. Nagtitigan pa sila nito. Eye to eye. Para bang gustong paaminin ni Hazel si Carol.

Kung totoong si Carol ang killer, dapat mahuli na siya nang sa ganoon ay wala nang mabiktima uli ang maniac!!

_________________________________________

AUTHOR'S NOTE:

Malapit nang paaminin ni Hazel si Carol?? Sa tingin ninyo, si Carol na nga ba ang killer dahil sa mga post niya sa fb at sa paglabas rin nito sa gabi??

Alamin ang lahat sa susunod na mga chapters...

Salamat guys sa pagbasa... It means a lot to me...

Paki comment na rin and vote... :)

Sorry at natagalan ang Pag UD nito, inuna ko kasi yung Time Machine eh...

Salamat uli... hanggang sa muli...

ManiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon