Halos lumuwa ang mga mata sa nakikita. Nagpakita sa kanya ang manika ni Aling Mila. Imposible namang naglakad ito paakyat at humiga sa kama niya. Pinikit niya ng marahan ang mga mata niya. Nagtagal ito ng ilang segundo. Inaalog-alog pa niya ang ulo niya. Wala na siyang nakita pagmulat ng mga mata niya.
Inikot niya ang kanyang paningin. Naninigurado lang siya na wala nang mananakot sa kanya.
Mukhang nakatulong pananakot sa kanya at hinihikab na siya. Pumikit na siya at nahimbing na. Hindi niya namamalayan ang mahabang buhok na pababa sa mukha niya. Maya-maya pa at may lumitaw na mukha mula sa buhok at lumapit sa mukha niya. Halos maghalikan na sila sa sobrang lapit nito. Pero ang nakakagimbal eh nakalutang ito sa harapan niya. Face to face talaga. At ang babaeng ito ay si Aling Mila!
Mabuti nalang at nagising siya nang biglaan pero wala na siyang naabutan. Isa lang ang nakikita niya sa taas, ang ceiling fan na paikot-ikot lang.
Ilang sandali pa at biglang may tumalsik ng dugo sa mukha niya mula sa ceiling fan. Napasigaw siya. Tumalsik ang iilang langgam mula sa bibig niya, kaya naman napatigil siya. Nilapitan niya ang mga ito. Maya-maya pa ay may naglabasan na mga langgam sa iba't-ibang buta sa mukha niya. Sa ilong, sa mga tenga niya pati sa mga mata. Tinuyo siya ng mga ito at parang lobong nawalan ng hanggin sa loob.
Nangisay-ngisay ang katawan niya sa sahig. Parang sinipsip ng mga langgam ang dugo niya sa katawan. Halos lumuwa na ang mga mata niya.
Tila may umaalog sa kanya. Biglaan ang pagkabangon niya at umaga na pala. Maswerte siya at isang panaginip lang iyon. Si Mindy naman ang pilit na gumigising sa kanya dahil tumatawag ang tita niya.
Iniabot naman ni Mindy ang phone.
"Tita... hello..." saad niya.
"Hazel, sorry ha at hanggang ngayon eh di pa rin kami nakakauwi??"
"Bakit nga ho pala??" pagtataka niya.
"Eh kasi... eh kasi... kasi yung mommy mo... nandito kami sa ospital, tatlong araw na kami rito" saad ng tita niya.
"Tita Gracia, ano hong nangyari?? Ok lang po ba si mommy??"
"Ayos naman siya ngayon, pero under observation pa rin siya ng doctor... nabangga kasi yung taxi na sinasakyan namin papunta sana sa airport para umuwi na dyan..."
"Gusto nyo ho ba pumunta kami dyan??"
"Wag na Hazel, ayos naman ang mommy mo...sabi nga ng doktor baka samakalawa eh mailabas ko na siya rito"
"Naku tita, wag muna kayong magmadaling umuwi rito... ako na pong bahala rito... kasama ko naman po sina Aling Tanya, si Carol at yung mga kaibigan ko..."
"Mabuti naman at may kasama ka pa rin dyan...don't worry, isang araw... magugulat ka nalang nandyan na kami ng mommy mo..."
"Sige po... salamat..." ibinaba na ni Hazel ang telepono nang may mapansin sa labas. Nagkakagulo. Daig pa ang shooting ng mga artista. Mas natigilan siya nang makakita ng mga pulis. Mas kinabahan siya. Mabilis siyang lumapit at nagtanong sa isa sa mga nakiki-osyoso sa nangyari.
_________________________________________
AUTHOR'S NOTE:
May bagong nabiktima nanaman ba ang maniac na gumagala sa lugar nila?? Alamin ang nangyari sa mga susunod na chapters...
Paki vote and comment po ...
Salamat po sa nag-add sa Reading List nila at sa mga bumabasa nito..
Hanggang sa muli guys...

BINABASA MO ANG
Maniac
Mystery / ThrillerIsang baliw ang suspek sa likod ng 'di matigil na patayan gabi-gabi sa Manila. At ngayong umuwi si Hazel ng probinsya, tila sinusundan siya nito. Nag-umpisa na ang patayan simula nang umuwi siya. Isang baliw rin ang nakikikain kina Hazel gabi-gabi...