Sobrang nanlaki ang mga mata ni Hazel nang makita kung sino ang nasa loob ng kwarto, si Aling Mila.
Nakaupo ito sa kama ni Rocky. Dahan-dahan siyang napalapit. Agad naman siyang naramdaman ni Aling Mila. Nilingon siya nito bigla.
"Hazel... ikaw pala andyan..." saad nito na may kalungkutan sa mukha.
Hindi niya alam kung uupo ba siya sa tabi o tatakbo na?
Pinaupo siya nito sa tabi niya pero napako yata siya sa kinatatayuan niya.
Diretso lang tingin ni Hazel. Tinitingnan siya ni Aling Mila.
Huminga siya ng malalim saka nagsimulang lumapit.
Hindi na iba si Aling Mila kay Hazel, pero sa sitwasyon nila ngayon tila naninibago na siya rito. Simahan siya nito sa kusina, at muling pinakain.
Hindi niya alam kung bakit kaya hindi natitiyempuhan na kasama niya sina Carol o Mindy kapag dumadating si Aling Mila.
Muli nanaman nitong pinuri ang ulam nila. Sinabi ni Hazel kay Aling Mila na hindi naman siya ang nagluluto, si Aling Tanya naman.
Ilang sandali naman at nagpaalam na si Aling Mila.
Bumalik siya matapos sa kanyang kwarto. Hindi na siya makatuog kaya naisipan niyang magbasa ng mga magazine na nakaligpit sa kanyang cabinet sa taas.
Ilang minuto pa at napansin niyang wala naman itong epekto sa kanya ay agad na niya itong tinigil. Ibinalik niya muli ang magazine sa lalagyan. Bumaba siya para kumuha ng tubig. Nauuhaw yata siya.
Nasa hagdanan palang siya pero napansin na niya ang manikang yari sa tela ni Aling Mila. Naiwan yata niya ito.
Kumuha na siya ng tubig sa ref at ipinatong ang baso sa mesa. Kinuha na niya ang manika at umakyat agad. Hindi pa man siya lubusang nakakaakyat nang mamatay ang ilaw na nakalimutan niyang patayin.
Napababa siya dahil sa kuryosidad. Nilapitan niya ang switch. Ipinatong niya muna ang manika sa mesa saka binuksan ang switch pero hindi ito umilaw. Pinatay niya ito agad at muli ring binuksan. Nagulat nalang siya nang makitang wala na ang manika. Hinanap niya sa ilalim ng mesa, pero wala doon. Habang nakyuko siya ay biglang namatay yung ilaw. Ikinagulat nanaman niya ito. Hindi naman nagbrobrown-out.
Nagpunta nalang siya sa taas at pinilit na humiga sa kanyang kama at pinikit abg mga mata. Ilang sandali pa ay may narinig siyang bumubulong sa tenga niya. Isang lalaki. Napabangon siya sa takot. Wala naman siyang naabutang nakapasok sa kwarto niya. Naisip niya na baka sina Rocky lang ito at sinumpong naman ng pagkapilyo. Agad rin naman siyang humiga sa kama at pilit uli na pinikit ang mga mata.
Maya-maya pa at nakarinig ulit siya nang bulong at tila may kamay na yumakap na sa kanya.
"Tulungan mo kami... hanapin mo siya... tukungan mo kami..." malalim ang boses nito.
Napatalon siya paalis sa kama. Nanginginig niyang hawak-hawak ang unan habang titig na titig sa kama. Napansin niyang may tila bumabakat sa bedsheet...
________________________________________
A/N:
Ano naman kaya iyon? Palala na ng palala ang nangyayari kay Hazel? Kailan kaya niya matatapos ang tila isang math problem kung saan maraming possible solutions pero iisa lang ang tamang sagot?!
Pakivote and comment guys...
Salamat sa mga nag-add sa RL nila...
Salamat rin sa mga bumasa nito... :) :)
Hanggang sa muli!!
![](https://img.wattpad.com/cover/37224411-288-k375191.jpg)
BINABASA MO ANG
Maniac
Детектив / ТриллерIsang baliw ang suspek sa likod ng 'di matigil na patayan gabi-gabi sa Manila. At ngayong umuwi si Hazel ng probinsya, tila sinusundan siya nito. Nag-umpisa na ang patayan simula nang umuwi siya. Isang baliw rin ang nakikikain kina Hazel gabi-gabi...