Hingal na hingal si Carol. Hindi alam ni Hazel kung bakit.
Pautal-utal itong magsalita. Tarantang-taranta ito at takot na takot.
"Yung tatay ni Rina... yung tatay... wala...wa-la..."
"Ano?? Ano ba yun Carol??"
"Yung tatay ni Rina..."
Halos sumuka na si Carol nang iwan ni Hazel para tingnan ang nangyayari kung bakit maraming tao.
May mga pulis at ambulansya. Sinumpong ang lola ni Rina ng hika kaya kailangan itong dalhin sa ospital. Halos mahulog naman ang mga mata niya sa nakita niya pagkatapos.
Ang tatay ni Rina..
Parang kagabi lang kausap pa nito si Aling Tanya, tapos ngayon ...
Pugot ang ulo...
Walang mga mata at puso...
Wakwak ang tiyan...
Walang laman-loob...
Bali pa ang mga kamay at paa...
At naliligo pa sa sariling dugo...
Hindi niya kaya pa itong tingnan. Baka isugod pa siya sa ospital dahil dito.
Tulalang umupo si Hazel. Pansin ito ni Carol.
"Hazel... ayos ka lang??"
"Hindi ko yata kinaya yung nakita ko kanina... mukhang lalagnatin yata ako..."
"Alam mo ba Hazel, tumawag sa akin yung pinsan ko... sabi niya matagal na raw hindi umaatake sa Manila yung killer..."
Blangko ang mukha ni Hazel. Hindi nya nakuha ang ibig sabihin ni Carol.
"So, ibig sabihin baka nga..."
"Baka nga ano??"
"Baka nga napadpad na dito yung killer..."
Napahigop ng kape si Hazel para mahimasmasan siya sa sinabi ng kaibigan.
"Si Tita??"
"Ahh Hazel, maaga nang umalis... papunta na raw ng Manila..."
"Ahh ganon ba..."
"Paalala ko nga pala sa iyo Hazel, yung pinsan ko at kaibigan niya mga sa makalawa na yata dadating rito..."
"Ahh... ok... excited na akong makilala siya..."
Biglang may pumasok, si Aling Tanya.
"Hazel, anong gusto nyong tanghalian??"
"Ahh... Aling Tanya, ano po bang meron??"
"Sa ref, may karne roon, kakapunta ko palang sa palengke... bagong katay raw yun..."
"Sige po kayo nalang pong bahala..."
"Ganon ba?? Sige balik nalang ako mamaya rito dala yung pagkain..."
Umalis na si Aling Tanya pagkatapos.
"Sandali Carol... kinuha mo ba yung cellphone mo kagabi??"
"Oo... bakit??"
"Pagkatapos... anong ginawa mo??"
"Natulog na bakit??"
"Hindi ka bumalik??"
"Hindi na inantok na ako eh... di ba sinabi ko nga sayo... tumango ka pa nga eh..."
"Talaga??"
"Hazel, ayos ka lang ba??"
"Oo naman..." Tila napaisip si Hazel. Hindi akaling nangyari yun kagabi.
_________________________________________
AUTHOR'S NOTE:
Isa nanaman ang nabiktima ng killer na di umano ay baliw.
At bakit laging may karne si Aling Tanya??
Please vote, comment or follow me guys...
:) :) Until next chapters ...
BINABASA MO ANG
Maniac
Misteri / ThrillerIsang baliw ang suspek sa likod ng 'di matigil na patayan gabi-gabi sa Manila. At ngayong umuwi si Hazel ng probinsya, tila sinusundan siya nito. Nag-umpisa na ang patayan simula nang umuwi siya. Isang baliw rin ang nakikikain kina Hazel gabi-gabi...
