Kinausap ni Mindy si Aling Tanya tungkol sa pag-amin ni Hazel. Wala naman daw itong nakikita o naririnig na kausap ni Hazel. Hindi rin daw makapaniwala si Aling Tanya na may kakilalang ganon si Hazel. Nagtagal ang usapan nilang dalawa sa palengke. Pero iyon yata ay isang malaking pagkakamali nila.
Kinagabihan, hingal na hingal na pumasok si Rocky sa loob. Isinara niya ang pinto sabay naglock. Napansin ito agad nina Hazel, Carol, at Brent. Nilapitan nila ito pagkatapos itigil ang ginagawa.
"Ok ka lang?" Tanong sa kanya ni Brent.
"Pare, ang daming taong paparating!" hingal na hingal na sinabi ni Rocky.
"Saan papunta?" saad naman ni Carol.
"Papunta rito. May mga dalang torch," saad ni Rocky.
"Ano?" Gulat si Aling Tanya sabay silip sa labas.
"Andyan na sila," sabi ni Aling Tanya.
"Ano bang kailangan nila?" saad ni Hazel.
Sumilip silang lahat sa labas. Marami ngang tao. May mga dalang torch at sigaw ng sigaw. Panay tawag sa kanila.
"Hazel, ilabas mo yung Mila! Ilabas mo siya! Pagbabayarin niya ang mga kasalanan niya! Mamatay-tao siya! Harapin niya kami rito!" sigaw ni Aling Daring.
"Naku, Panginoon ko! Alam na nila yung tungkol sa Mila na yon," saad ni Aling Tanya.
"Pano nila nalaman yun?" pagtataka ni Hazel.
"Narinig ko kayo Tanya kanina! Ilabas nyo yang Mila na yan," sigaw ng isa.
"Sorry Hazel, hindi naman namin napansin na may nakakarinig na pala samin ni Mindy," saad ni Aling Tanya.
"Paano na ho ngayon to? Pano natin sila mapapaalis? Eh hindi naman dito nakatira si Aling Mila," sagot ni Hazel
"Aalis rin yan! Mapapagod rin iyan sa kakasigaw," sabi ni Carol.
"Hindi. Kailangan kong kausapin sila." ani Hazel na binuksan ang pinto at hinarap ang mga galit na tao.
"Pakiusap po, wag na ho kayong manggulo rito..."
"Anong wag manggulo, eh nag-aalaga kayo ng kriminal?!" sigaw ng isang lalaki.
"Hindi ho masamang tao si Aling Mila! Hindi ho siya dito nakatira,"
"Hindi masama eh pumapatay nga?!"
"Hindi ho siya killer, mabait ho siya!"
"Kung ganoon, ilabas mo siya!"
"Wala nga ho siya rito. Hindi ho siya nakatira dito. Nagpupunta lang po yun dito," paliwanag ni Hazel.
"Hindi parin kami kumbensido, papasukin mo kami, " saad ng matandang babae.
"Kung gusto ho ninyo, maghalughog kayo, " sabi ni Hazel.
Pumasok ang limang representative at inikot ang buong boarding house at bigo nga silang makita si Aling Mila.
"Maghintay kayo, kung gusto nyo, " sabi pa ni Hazel.
"Mag-aabang kami sa labas!" sabi ng lima bago lumabas at balitaan ng pagkadismaya ang mga ilan sa kasama nila.
Hanggang sa sumapit na ang umaga pero walang Aling Mila na dumating.
Napilitan nalang na umalis ang mga tao.
Tila nakuhanan ng tinik sa lalamunan. Wala na ang mga tao. Nakatulog na sina Brent, Carol sa paghihintay. Gising pa si Hazel. Nagkape nalang siya.
Matapos ang ilang saglit ay ginising siya ng pagkulo ng tubig. Kinuha niya ang takure at binuhos ang laman sa tasa. Habang iniinom niya ang tinimplang kape, nakarinig siya nang sigaw mula sa kwarto ni Rocky.
_______________________________________
AUTHOR'S NOTE:
sorry guys kung maikli lang itong UD na ito kahit na natagalan naman.
Ganumpan, paki vote and comment po sa mga bumabasa...
Salamat po sa suporta niyo sa istoryang ito. Malapit na po itong matapos, kaya abangan nyo po ang kakaibang rebelasyon sa hulian ng kwento!
Maraming salamat po sa bumasa nito...
BINABASA MO ANG
Maniac
Misterio / SuspensoIsang baliw ang suspek sa likod ng 'di matigil na patayan gabi-gabi sa Manila. At ngayong umuwi si Hazel ng probinsya, tila sinusundan siya nito. Nag-umpisa na ang patayan simula nang umuwi siya. Isang baliw rin ang nakikikain kina Hazel gabi-gabi...
