"Ahh Hazel, matutulog na ako. Kailangan ko pa kasing pumunta bukas sa school para makapagbayad na."
"Sige, mauna kana..." sagot ni Hazel.
Medyo inaantok na nga rin siya. Pero sa tingin niya eh kaya pa niya.
Napasilip siya sa bintana para tingnan kung sino itong panay daldal sa tapat nila.
Isang lasing na lalake ang nakita niya. May hawak pa nga itong bote ng beer sa isang kamay at pakanta-kanta pa. Bigla itong napahinto at napansin siya.
"Hoy, ms. beautiful! Halika ka nga rito, usap tayo..." sabi nito na itunuturo na siya.
Napatago siya sa mga kurtina. Hindi niya akalaing mapapansin siya.
Maya-maya pa at may narinig pa siyang isang boses. Pambabae. Kaya naman labis ang kanyang kuryosidad.
Nakita niyang si Aling Tanya ito na sinusuway ang mamang lasing.
"Ok, ok... happy birthday kap! Sayo ang inumin, sayo ang pulutan!" Sigaw nito habang papalayo.
Aalis na sana siya nang mapansin niyang biglang sumugod itong si Aling Tanya sa dilim. Pero bago ito nawala sa dilim, napalingon muna ito sa kanya.
Mabilis siyang kumaripas ng takbo papunta sa kama niya.
Biglang may kumatok sa pinto. Labis niya itong kinagulat.
"Carol? Carol...ikaw ba yan?"
Pero walang sumasagot. Panay lang ang katok nito.
Inon-lock niya muna ng dahan-dahan ang pinto at napaatras.
"Pasok..."
Nagulat siya dahil wala namang tao.
Napalabas siya. Tiningnan niya si Carol, at humihilik na ito sa tulog.
Pagbalik niya sa kwarto, kasabay ng paglock niya uli ng pinto ay nagulat siya sa nakasalubong. Isang babaeng nakaputi na may dalang manika na sigurado siyang ginawa lang ito nito. Magulo ng konti ang buhol nito na nakakatakip sa mukha. Medyo marungis din ito.
"Sino ka? Anong ginagawa mo rito?"
"Ako di sama tao... ako gutom... pwede pahingi kain." sabi nito na lumuhod pa.
Syempre, mas nangibabaw ang awa ni Hazel kaya pinakain niya ito.
"Salamat, bait ka... alam mo... ingat ka rito. Ako kita patay gabi, ikaw ingat ha?" sabi nito habang paalis na.
"Saan naman siya dadaan? Sa gate? Eh nakakandado na iyon. Na kay Aling Tanya ang susi."
Sumilip siya sa labas. Nagulat nalang siya nang makita ang babae na pakendeng-kendeng pa at sumisipol. Napansin yata nito na nagmamasid siya kaya napalingon ito at kumaway.
Parang magaan ang loob niya rito. May kung anong pwersa ang nagtutulak sa kanya para patuluyin ito imbes na matakot.
Paglingon ni Hazel, napasigaw siya nang makita si Carol.
"Hazel, may hindi unan ka pa ba dyang hindi mo ginagamit?"
"Bakit?"
"Hindi kasi ako makatulog eh..."
"O, eto..." inabot niya ang dalawang unan.
"Salamat." sabi ni Carol sabay umalis.
Kinabukasan, maraming tao sa labas. Animo'y tila may nagrarally sa kapal.
Mabalis siyang nakiusisa.
"Ano hong nangyari?" sabi niya.
"Ay sus, ginoo! Yung asawa ni Aling Daring winakwak ang tiyan..." mas nag-ingay pa ang mga tao. "...at hindi pa yata nakuntento ang killer kagabi...binasag pa ang bungo."
"Nahuli na ho ba yung pumatay?" biglang nanginig ang tuhod niya.
"Hindi pa. Ang sabi-sabi... nakarating na raw hanggang dito ang baliw na killer sa Maynila."
"Ahh... naniniwala ho kayo doon?? Ako ho kasi sa tagal ko doon, wala manlang akong nakita."
"Sus, ang sabihin nyong mga taga-Maynila, di kaagad kayo naniniwala kahit na ang dami ng nagkalat na balita tungkol doon sa Maniac na iyon."
Napansin ni Hazel na naroon si Aling Tanya sa kanyang kaliwa. Hindi ito kumukurap sa tingin sa bangkay. Parang naniniguro ito. Ang talas ng tingin. Bigla siyang tumingin sa akin na dahilan para umiwas ako at umakyat pataas. Pero sa totoo lang, kinabahan ako doon sa tingin niya.
____________________________________________
AUTHOR'S NOTE:
Isa nanaman ang nabiktima ng killer. Noon aso lang, ngayon tao na! Sino sa tingin niyo ang killer? Tama ba ang pakiramdam ni Hazel na may kinalaman dito si Aling Tanya?
Abangan sa mga susunod na chapters... :) :)
Please comment, vote, or follow me guys.
Thank you so much sa pagbasa...
BINABASA MO ANG
Maniac
Mystery / ThrillerIsang baliw ang suspek sa likod ng 'di matigil na patayan gabi-gabi sa Manila. At ngayong umuwi si Hazel ng probinsya, tila sinusundan siya nito. Nag-umpisa na ang patayan simula nang umuwi siya. Isang baliw rin ang nakikikain kina Hazel gabi-gabi...
