Sobrang hingal si Hazel. Isang bangungot pala iyon. Tatayo na sana siya nang mapansin niyang gabi na pala.
Ilang sandali pa at tila nasusuka na siya. Agad siyang nagtungo sa banyo at humarap sa salamin. Tiningnan niya ang sarili. Sinusuri niya ang sarili. Inayos ang buhok matapos magsuka sa lababo. Hinikab siya. Imposibleng inaantok nanaman siya dahil kagigising nya lang at ang tagal pa nga ng tulog niya.
Lalabas sana siya nang matigilan sa nakita. Si Aling Mila na nakatalikod sa kanya sa may pintuan. Parang may ginagwa ito. Tila kumakain. Pero parang halimaw naman kung kumilos. Dinig na dinig niya ang pagngatngat nito sa kinakain. Ang tunog ng pagkapunit ng balat. Lumingon ito na duguan ang mga labi at ang mga na kulay pula. Tao ang kinakain nito. Bago pa man siya mapaatras ay agad na itong sumugod papasok sa kwarto. Tumalisik siya palabas ng bintana. Kasabay niyang nahulog ang mga nabasag na salamin.
Mas lumalim ang paghinga niya paggising. Panaginip lang rin pala iyon. Agad na niyang kinurot ang pisngi. Napatunayan naman niyang hindi na nga siya nananaginip.
Bumangon na siya sa kama at naghilamos. Dumungaw siya sa labas. Gabi na rin talaga. Bigla siyang napasigaw ng konti nang marinig ang tatlong katok sa pinto. Agad niya itong pinagbuksan. Si Aling Tanya lang pala iyon, nagpapaalam sa kanya. Pauwi na ito.
"Ayos ka lang ba Hazel?? Kasi kung hindi pwede naman akong hindi umuwi ngayon??"
"Ok lang po ako dito, kasama ko naman po sina Carol at Mindy...."
"O siya, uuwi na ko, mag-iingat kayo ng mga kaibigan nyo rito ha??" saad nito.
"Sige ho..." saad niya.
"Teka lang pala, si Rocky nakita mo ba??" tanong ni Aling Tanya.
"Bakit ho??" sabi ni Hazel.
"Eh kasi, dumaan ako para ibigay yung gamot na hiningi niya kanina... pero wala siya sa kwarto niya??" saad nito.
"Akin nalang ho, ako nalang ho ang magbibigay..." saad ni Hazel.
"Salamat..." iniabot ni Aling Tanya ang gamot kay Hazel.
Pagkaalis ni Hazel, agad naman niyang tinungo ang kwarto ni Rocky. Narinig naman niya ang mga ingay sa loob. May tao naman ha?? Bakit sabi ni Aling Tanya wala?
Agad niyang hinawakan ang knob ng pinto at inikot ito para buksan ang pinto.
Pero hindi niya alam ang reaksyon sa nakita ng kanyang mga mata pagbukas ng pintuan...
__________________________________________
AUTHOR'S NOTE:
Ano naman kaya ang nakita ni Hazel sa loob ng kwarto ni Rocky??
Alamin sa mga susunod na mga kabanata...
Salamat guys sa pagbasa nito... paki vote and comment ha?
SALAMAT uli at hanggang sa muli!!
BINABASA MO ANG
Maniac
Mistério / SuspenseIsang baliw ang suspek sa likod ng 'di matigil na patayan gabi-gabi sa Manila. At ngayong umuwi si Hazel ng probinsya, tila sinusundan siya nito. Nag-umpisa na ang patayan simula nang umuwi siya. Isang baliw rin ang nakikikain kina Hazel gabi-gabi...