"A message from UNKNOWN..."
*****
--DHALIA POV--
Pinag-uusapan sa buong barangay ang isang pamilya na mayaman.
Familia Alejo.
"Sana makita ko sa personal ang anak ni Mr. Alejo," ani ng babaeng nakatabi ko sa jeep.
"Gaga ka, mukha nga ni Mr. Alejo wala pa nakakakita, yung anak pa kaya. Assumera din 'to," tugon ng kasama nya.
Bakit ba sikat ang pamilyang Alejo sa Sitio namin? Artista ba sila?
Ako nga hindi ko sila kilala. Ngayon ko lang din narinig ang apelyido na yan. Pero balita ko mayaman daw ang mga Alejo.
Never kong pinangarap na mapansin o makasal sa isang Alejo pero gusto ko makasal sa mayaman na lalaki.
"Emerald University lang po, kuya," ani ko ng matanaw ko na ang pinapasukan kong eskwelahan.
Late na ako. My goodness!!!
Dali-dali akong bumaba ng jeep. Mula sa kinatatayuan ko, napansin ko na maraming nagkukumpulang mga kapwa ko estudyante.
"Anong meron?" tanong ko sa sarili ko.
Nakipagsiksikan din ako sa mga estudyante kasi nga late na ako. Monitor pa naman ako. Masisira ang image ko bilang monitor haha joke.
"Ay kabayo ka----Vladimir naman!!!" singhal ko.
Vladimir is my friend at sa kasamaang palad, kaklase ko pa.
"Hahahaha na-nakakatawa hahaha t-talaga ang itsura mo," walang tigil sa pagtawa ang palaka.
"Ewan ko sayo!" ani ko at mas binilisan pa ang paglalakad.
Ramdam ko naman na sumunod sya.
"Sorry na. Ito naman hindi na mabiro---"
"Hindi yun biro para sa akin," seryoso kong saad.
"Okay, sorry---"
"Nakailang sorry ka na? Sorry ka ng sorry tapos uulitin mo na naman yung ginawa mo. Grow up, Vladimir!" inis kong turan sa kanya.
"May dalaw yata sya ngayon."
Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ang sinabi nya. Nilingon ko sya sabay tingin ng masama sa kanya.
He raised his hands as a sign that he surrender.
"Okay. I'm sorry. Hindi na mauulit---"
"Siguraduhin mo lang," putol ko sa sinasabi nya.
Mabilis naman syang humabol sa akin.
"Nga pala, bakit pala parang nagkakagulo yung mga estudyante?" tanong ko.
"I don't know. May artista yatang darating," sagot nito.
Pagkarating namin sa classroom, agad akong umupo sa upuan ko.
"Dhalia, narinig mo na ba ang chismis?" tanong bigla ni Jane---friend ko din.
"Hindi. Hindi naman ako chismosa," sagot ko sabay labas ng cellphone ko.
"Kilala mo ba yung pamilya Alejo?" tanong nito.
"Hindi."
Wala ako sa mood ngayon makipag-usap. Na ba-badtrip ako kay Vladimir.
"Sila yung nakabili ng campus na 'to pati na rin yung bawat barangay ng Rehiyon natin. In short sila yung nagmamay-ari ng buong region V," lintanya nito.
BINABASA MO ANG
Alejo Series #1: Obsession Of Mr. Alejo (Valirch Sebastian Alejo) [ON-GOING]
RomanceAng maikasal sa isang mayaman ang pangarap nang lahat ng kababaihan sa Sitio Emerald. Subalit para kay Dhalia, ang makasal sa isang mayamang lalaki ay isang bangungot. Sa kabila ng yaman na natatanggap nya, kapalit nito ang kalayaan na ipinagkait sa...