Chapter 19: Can't Speak

233 3 1
                                    

-Leonardo POV-

Matapos namin mag-usap ni Valerie,  agad akong nagtungo sa hospital room ni Dhalia.

Nangunot ang noo ko ng makitang ang kapatid lang ni Dhalia ang nandito sa loob. 

Nasaan si Jane?

Humakbang ako papalapit kay Dhalia sabay haplos sa pisngi nya.

"My brother is really into you.  Hindi ko alam kung Anong nagustuhan sayo ng kapatid ko at umabot pa sa ganito..." ani ko sa natutulog na si Dhalia.

Sinuri ko ang katawan nya.  She has bruises all over her arm.

"But my brother is gone too far this time.  Sumusobra na sya..." mahinang saad ko.

Seeing Dhalia's situation right now,  reminds me of my childhood memory that I can't erase no matter what I do.

Same situation but different person.

I held her hands.

"I promise... Gagawin ko ang lahat hindi ka lang matulad sa kanya," ani ko.

Hindi rin naman ako nagtagal sa hospital room ni Dhalia.

I was wondering kung nasaan si Sebastian?

I stopped walking halfway when I saw a familiar figure. 

Oh.. Is that Jane and Vladimir?

Naglakad ako palabas ng hospital para lang tingnan kung tama nga ang hula ko.  And yah... I guess I am right.

It was Jane and Vladimir... Naghaharutan ang dalawa.

Jusmiyoooo... Wala talagang pinipiling oras ang pagmamahal.

Choss... Inggit lang ako hahaha

Ipinasok ko sa bulsa ng pantalon ko ang kamay ko saka naglakad papunta sa parking area.

Ayaw ko naman sirain ang kilig moments ng dalawa HAHAHA...

Mula sa kalayuan,  tanaw ko na ang kotse na dala namin papunta dito sa Casa Missibiz.

"Talaga bang nasisiraan ka na ng ulo?"

Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ang galit na boses ni dad.

Maingat akong naglakad saka hinanap kung saan nagmumula ang boses ni papa.

Sa gilid ko, nakita ko si papa kasama si Sebastian at si Tito Marvin. Nasa likuran lang nila ang kotse namin.

Anong pinag-uusapan nila?

Napagpasyahan ko na makinig na lang muna sa usapan nila. 

"Maybe..." sagot ni kuya.

I was shock when dad suddenly punched Sebastian straight to his face dahilan para mapabaling sa kaliwang direksyon ang ulo nito.  Wala namang reaction si Sebastian. Pinunasan nya ang labi nya na pumutok.

"Kamuntik mo ng mamatay si Dhalia---"

"Alam ko," Sebastian cut what's dad about to say.

Halatang nagpipigil ng galit si papa.

"Ganyan ba kita pinalaki?  Ha?  Bakit hindi mo gayahin si Leonardo?  Napaka-masunuring anak... Hindi tulad mo na suwail!!!" singhal ni papa.

Sumandal muna ako sa pader habang nakikinig sa usapan nila.

Dad's habit is comparing us to one another.  Hahaha kapag may ginawa akong hindi nya gusto,  ikukumpara nya ako kay Valerie.  Akala ko sa akin nya lang ito ginagawa... Not until I eaves drop on their conversation.

Alejo Series #1: Obsession Of Mr. Alejo (Valirch Sebastian Alejo) [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon