-Sebastian POV-
"Pag-isipan mo ang proposal ko sayo, Sebastian," ani ni papa.
Tsk. Wala akong interes sa proposal nyang bulok.
"Hindi ko na kailangang pag-isipan pa. At the very first place, ayaw ko naman talaga sa proposal mo," saad ko.
Tinignan ko ang direksyon ng restroom kung saan pumasok si Lianna. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita syang nakatayo sa labas ng restroom and I guess nakatingin sya sa gawi ko.
At least, panatag ang loob ko na hindi sya tatakas.
"That woman," ani ni dad dahilan para mabaling ang atensyon ko sa kanya.
"What about my woman?" seryosong tanong ko dito.
"Ilang araw na syang nandon sa bahay?" tanong nya.
"Almost one week na---"
"The heck!" bulalas nito.
"What?" maang kong tanong.
"You kept that woman that long???" he cleared his throat, "...mas makakabuti kung ibabalik mo na sya sa pamilya nya," seryosong sabi ni papa.
"No way. Over my dead body, hindi ko sya ibabalik. Alam kong alam mo kung gaano ako nag dusa mula ng mawala sya! Alam mo kung gaano ako nahirapan! Kamuntik na rin ako mawala sa tamang pag-iisip!" galit na saad ko sa kanya.
"So sisirain mo ang buhay nya just to fix yours? Napaka-selfish. You're selfish..." ani ni papa.
"Kung yun lang ang paraan para hindi na sya mawala ulit sa akin, gagawin ko. I am willing to destroy her life just to fix mine," seryoso kong saad.
"And do you think na magiging okay na ang lahat? Do you think na aayon sayo ang panahon? Do you think that being harsh on her will make your life happy?" tanong ni dad.
"Yes," I answered without hesitating.
Lumingon ulit ako sa direksyon ni Lianna pero agad akong naalarma ng Wala na sya doon.
Galit akong tumingin kay dad.
"What?" maang na tanong nito sabay higop sa juice nya.
So this is the reason kung bakit nya gusto makipagkita sa akin sa lugar na 'to kasama si Lianna. He want to help Lianna escape from me.
Inis akong tumayo saka naglakad papunta sa restroom ng mga babae.
"Sir, bawal ka po dito---"
"Tabi!" singhal ko sabay tulak sa babaeng humarang sa akin.
I opened every cubicle pero wala akong nakitang Lianna.
Saan sya nagpunta? Nasaan sya!!!!
Bwisit!!!Agad akong tumakbo papunta sa labas ng mall. Alam kong lalabas yun. Hindi yun magtatagal sa loob ng mall lalo na't nandito ako.
Wala akong Lianna na nakita, kahit anino nito.
Bwisit talaga!!! Dapat sinamahan ko sya sa restroom.
Patakbo akong pumunta sa parking lot. Hindi pa yun nakakalayo... Mahahanap ko pa sya.
"Pag nahanap kita Lianna, lulumpuhin kita."
BINABASA MO ANG
Alejo Series #1: Obsession Of Mr. Alejo (Valirch Sebastian Alejo) [ON-GOING]
RomanceAng maikasal sa isang mayaman ang pangarap nang lahat ng kababaihan sa Sitio Emerald. Subalit para kay Dhalia, ang makasal sa isang mayamang lalaki ay isang bangungot. Sa kabila ng yaman na natatanggap nya, kapalit nito ang kalayaan na ipinagkait sa...